PAINFUL EXPECTATIONS (chapter 8)

28 0 0
                                    

SINABI ko sa sarili ko na ang lalaking ito na ang gusto kong makasama habang buhay. Walang duda na mahal namin ang isa't-isa at naroon ang respeto at tiwala. Nakahanda na ang loob ko na siya na ang magiging ama ng aking mga magiging anak. Actually naligaw na rin sa mga pag-uusap namin ang tungkol sa future namin. Masarap mangarap kasama ang lalaking mahal mo. Mga simpleng pangarap na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat paggising mo sa umaga. Pero hindi pala ganun kadali matupad ang lahat ng iyon. Magsisimula na palang masira unti-unti ang mga pangarap na binubuo namin.

Malapit na siyang gumradwety sa kurso niyang Engineering nang mga panahon na iyon. Minsang nagsulatan kami, sinabi niya sa akin na magbabakasyon siya uli. Nagkasundo kami na magkikita kami sa Manila at magde- date sa petsa na sinabi niya. Isang buwan pa bago dumating ang araw na yun.

Nang dumating ang petsang napagkasunduan namin, excited ko siyang hinintay sa meeting place na napagkasunduan namin. Masayang-masaya ako noon kasi almost a year din kaming hindi nagkita. Bawat dumaraan na tao, iniisa-isa ko. Kalahating oras, wala pa siya. Panay na ang tingin ko sa relo ko.

Ahhh siguro natrapik lang.....yun ang sinasabi ko sa sarili ko.

Isang oras, isa't-kalahating oras, hanggang naging eksaktong dalawang oras. Walang Ariel na dumating. Pinipigilan kong umiyak noon. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na siguro nagkaproblema lang. Pero nasasaktan na ako noon.

Nasaan ka na?

Ano na ang nagyari sa usapan natin?

Sigurado ako sa sarili ko na nasa tamang petsa ako, nasa tamang lugar, dahil iyon ang nakasaad sa naging palitan namin ng letters.

Hindi na talaga siya dumating. Malungkot akong umuwi ng bahay. Kinagabihan, kinausap ako ng pinsan niyang si Yves.

"Pasensya ka na raw....kinulang daw kasi ang pera niya.." paliwanag nito.

Mapait ang naging ngiti ko.

"Madali naman akong kausap Yves....sana sinabi na lang niya agad na wala pala siyang pera...pwede naman kaming lumakad kahit walang masyadong pera..." may hinanakit sa mga salita ko.

"Saka bakit ikaw ang nakikipag-usap sa akin..? Asan siya..?" tanong ko pa.

"May inaasikaso kasi.." sagot ni Yves.

Nagsimula na akong magduda. Andun pa rin ang hinanakit na nararamdaman ko.

"Gusto ka naman daw niyang makita uli at makausap.." dugtong pa ni Yves.

Napabuntung-hininga ako. "OK....sige...bibigyan ko siya ng chance....sa Saturday dadalaw kami ni Ate Milet sa bahay ni Tito Louie mo sa San Pablo....pumunta kamo siya dun sa umaga hanggang tanghali....dun kami mag-uusap.." sabi ko kay Yves. Umalis na kasi si Louie sa bahay ng pinsan niya na nanay naman ni Yves, at dun na ito nakatira sa bahay nila sa San Pablo.

"Ok sige sasabihin ko.." anito.

"Wag mo kalilimutan ha...Saturday, sa umaga or tanghali.." bilin ko pa.

Sinigurado ko na naintindihan ni Yves ang pasabi ko. Kaya naging kampante ako na magkikita nga kami ni Ariel sa San Pablo.

San Pablo, Saturday.

Mag aala-una na ng hapon, wala pang Ariel na dumarating. Halos naubos na ang kwentuhan namin nina Louie, Ate Milet at si Nanay Mila na ina ni Louie, ay hindi ko pa nakikita kahit ang anino ni Ariel. Doon na ako nag-umpisang sumiklab sa galit. Hindi na hinanakit ang nararamdaman ko noon kundi galit.

"Darating na yun..." pang-aamo sa akin ni Louie. Katatapos lang namin mag-lunch noon.

"Umaga hanggang tanghali ang pinasabi ko kay Yves.....hindi hapon or gabi.." nanggigigil na ako nang mga panahong iyon.

FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon