STONED HEART (chapter 16)

27 0 0
                                    

DECEMBER ang month na ayoko na sanang dumating. Ito lang kasi ang magpapaalala sa akin ng mapait na katotohanan. Noong hindi pa nangyayari ang lahat, excited na akong dumating ito. Pero ngayon halos ayoko nang gumising para harapin ang buwan na ito.

Lalo na ang Christmas Day.

Nadudurog ang puso ko na makita ang lahat na masaya, laging nakatawa, masisigla.

Samantalang ako......

Christmas Eve, nagsimba kami ng sister kong si Judai. Misa De Gallo.

Nang kantahin na ang isang Christmas song during the communion, ayun na naman ang tulo ng luha ko. Hindi ko talaga mapigilan. Napakataimtim ng dinadasal ko nang oras na yun.

"Lord please heal me....help me heal fast....hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan...please help me forget all of these...." dasal kong paulit-ulit.

Yun na yata ang pinakamalungkot na Pasko sa buong buhay ko.

Tatlong buwan matapos nangyari ang lahat ay ipinatawag ako ng Lola ni Ariel na si Nanay Mila, ang nanay ni Louie. Pinagbabakasyon ako sa kanila sa San Pablo.

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa akin nang mapagpasyahan kong magbakasyon dito ng isang buong linggo. Wala na akong trabaho nang panahon na yun dahil nasunog ang company na pinagtatrabahuhan ko kaya naging madali para sa akin na pagbigyan ang hiling ni Nanay Mila. Ganun ako ka-close sa kanya.

"Hudas siya...hudas..." galit na galit na sabi nito na ang tinutukoy ay si Ariel.

Ngumiti ako nang malumanay. "Yaan na natin siya Nanay....wala na tayong magagawa.." medyo nahimasmasan na ako nang panahon na yun.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa yo noon.....na may gusto talagang pumikot dyan....bakit hindi mo kasi kinompronta..?" pagsesermon nito sa akin.

Hindi ako kumibo.

Umupo kami ni Ate Milet sa isang bangkito. Sabay kasi kaming dumating doon nina Ate Milet at Louie dahil napagkasunduan namin na magbabakasyon kami nang sabay-sabay.


"Hindi ko kikilalanin ang asawa niya....ikaw pa rin ang gusto namin para sa kanya...sinabi rin sa akin yan ni Vergel..." halata sa boses ni Nanay Mila ang kinikimkim na galit.

Napatingin ako kina Ate MIlet.

"Nay, pabayaan na natin siya...tapos na eh.." sabi ni Louie.

"Hay naku....wag makakapunta-punta sa akin yang si Ariel at itataboy ko talaga siya.." inis na sabi nito na nakapagpatawa sa akin nang konti.

"Mula ngayon tinatakwil ko na siyang apo.." patuloy nito na nagdadabog.

Lumapit ako kay Nanay MIla at niyapos ito.

"Thank you sa concern mo sa akin Nanay...pero wag po ganun....apo nyo pa rin siya...anuman po ang nangyari sa amin, wag dapat maapektuhan ang relasyon nyo..." pagpapaliwanag ko rito.

"Basta kahit ano pa ang mangyari, ikaw lang ang gusto ko para sa kanya.." matigas pa rin nitong sabi.

Nagtatawanan na lang kami nina Louie at Ate Milet sa tila isip-batang si Nanay Mila.

Kahit paano, nakapagpagaan din sa loob ko ang sinabi nito. Pero hindi pa rin maikakaila na hindi na pwedeng mangyari ang gusto nitong mangyari.

Sa isang linggo kong bakasyon sa kanila, pinilit kong pasayahin ang sarili ko. Kahit minsan nalulungkot pa rin ako lalo at nakikita ko ang ilang sulok ng bahay na naging saksi din sa relasyon namin ni Ariel. Nasasaktan pa rin ako.

Umuwi ako sa amin nang bitbit pa rin ang sakit ng loob. Hindi rin nakatulong ang pagbabakasyon ko. Lalo pa yung nadagdagan nang biglang dumating sa bahay namin si Yves. Kauuwi ko lang noon galing San Pablo.

"Kahapon pa kita hinahanap 'insan..." sabi nito na hinila ako nang konti sa isang sulok.

Napatingin ako sa isang sulat na inipit niya sa kamay ko. Alam ko na kung kanino galing yun.

"Andito siya nung isang araw.." bulong nito at umalis na.

Matagal kong tinitigan ang sulat na hawak ko. Parang gusto na namang tumulo ng luha ko kaya pumanhik na ako sa kwarto ko. Nanginginig akong binuksan ang sulat.

Isang sulat ng paghingi ng tawad...ng paghingi ng pang-unawa...ng pagmamahal na sa akin daw talaga inilalaan...ng pagsisisi...

Hindi ko alam kung ilang minuto bago ko natapos basahin ang sulat dahil nasabayan yun ng sunud-sunod na pagpatak ng luha ko.

Sa unang pagkakataon, doon na ako nakaramdam ng galit kay Ariel. Humahagulgol akong nilamukos ang sulat niya. Matagal akong napaupo sa kama habang humahagulgol. Sa pagitan ng mga luha ko ay tumayo ako para puntahan ang cabinet ko. Kinuha ko roon ang lahat ng sulat ni Ariel. Isa-isa ko yung pinunit. Doon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko. Galit na galit talaga ako noon. Parang noon lang nangyari ang lahat.

Kumuha ako ng isang box at inilagay ko lahat dun ang punit na sulat kasama na ang huling binasa ko. Nagpabili ako sa pamangkin ko ng kandilang pula, at nilagyan ko yun ng ribbon na kulay black at isinama ko sa lahat ng punit na sulat. Saka ko isinama ang isang sulat ko na naglalahad ng "30 MINUTES BEFORE I DIE, BAKA SAKALING MANIWALA PA AKO SA SALITANG PIKOT..."

Ibinalot ko sa isang wrapper ang box.

Nakataas ang noo ko nang iabot ko kay Yves ang box para ibigay ito kay Ariel. Doon ko naramdaman ang tigas ng loob ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huling araw ng pagpatak ng luha ko dahil kay Ariel.








FOREVER LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon