SOMEONES POV
Isang linggo..
Isang linggo ang lumipas. Bakit kasi dumating pa siya. Oo naaalala ko na siya pero bakit ngayon pa. Madadamay siya dito. Wala siyang kasalanan. Pero lahat ng nasa classroom na ito ay makasalanan. Akala ko pa naman magiging madali. Pinag iisipan kong mabuti ang mga hakbang ko. Ang mga gagawin ko. Matagal ko na itong inihanda ngunit nawala lahat ng konsentrasyon ko ng dumating siya.
Wala ng makakapigil sa akin mamaya ko na sisimulan ang matagal na dapat natapos.
LORRAINE HUMANDA KA...
Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya araw araw. Dumidiretso siya sa CR pagkatapos ng klase. Ganun siya araw araw. Kaya ngayong araw gagawin ko na ang plano..Nauna akong lumabas.. Pumunta agad ako sa CR at pumasok sa isang cubicle nito. Isinara ko ito. May narinig akong pumasok. Mga dalawang katao. Nag uusap sila. Tapos naramdaman kong pumasok na SIYA. Napangiti ako. Siguradong madali lang ito.. Nadinig ko ang usapan nila. Napakawalang kwenta. Matatapos na rin yan mamaya sa isip isip ko. Di nga nagtagal ay umalis na yung naunang pumasok..Habang naghihilamos siya ay nagwisik ako ng dugo sa may salamin.. Di niya ako napansin dahil patuloy siya sa paghuhugas ng mukha. Dali dali akong pumasok ulit sa cubicle.
Maya maya ay narinig ko ang pagbagsak niya. Napakasimple. Ang isang tulad niya na kasing sama ng mamatay tao ay takot sa dugo. Huh. Lumabas ako at luminga linga.. Nilock ko muna ang pinto ng CR/. Nilabas ko na ang kaninang nasa bag kong itim na supot. Sakto kasya siya dito.. Binalot ko siya at ipinasok sa cubicle na kaninang pinagtataguan ko..
Binuksan ko na ang CR. 6:30 na.. papauwi na ang lahat. Bumalik ako sa classroom at kinuha ang isang medyo kalakihang travelling bag. Pano ko nabuksan ang room? Akin na muna yun.. Dali dali akong pumasok ulit ng CR at inilagay SIYA sa bag.
Lumabas na ako. Pumunta ako sa parking lot at inilagay siya sa backseat. Inalis ko ang pagkakabalot niya. Baka mamatay agad. Gusto ko muna siyang pahirapan.
Gabi na ng makarating ako sa aking dapat puntahan. Wala pa ring siyang malay. Iginapos ko ang paa at kamay niya. Hinigpitan ko ng mabuti mahirap na kung makatakas. Wala pa akong kakampi ngayon. Di ko naman kayang mag isa noh. Naisip ko na rin lang naman yun. Alam kong magagamit ko siya.
Matagal akong naghintay para magising siya... Pinagmasdan ko muna siya.. Bakas ang pagtataka sa mukha niya at di nagtagal ay napalitan ito ng pagkatakot.
Kahit malamlam ang gabi at tanging buwan lang ang aming ilaw kita ko sa kanyang mga mata ang panlilisik nito.. Grabe may tapang pa siya para magkaganyan.. Tingnan natin..
"Kumusta ka?" malambing kong tanong sa kanya.. Ramdam ko ang panginginig niya..Matakot ka dahil ito na ang huling gabi mo sa mundo. Pagsisisihan mo ang kasalanan na ginawa mo. Ikaw ang simula at ikaw ang mauuna.
"SINO KA?!".. galit niyang sabi..
"MAGPAKITA KA. HINDI AKO NATATAKOT SAYO!".. sabi niya pa.. Napakalakas ng loob..
"Talaga?" sabi ko at tumawa.
Natahimik siya tanging huni ng mga kuliglig sa paligid ang maririnig..Kita ko ang pagkatakot siya kanyang mukha.. Hahaha.. Hindi pa ako nagsisimulanagtatagumpay na yata ako..
"Gusto mo maglaro tayo?". sabi ko. pagkatapos ay ngumisi.
"PAKAWALAN MO NA AKO. HINDI AKO MAKIKIPAGLARO SAYO!!" sigaw niya. Umiiyak na siya..
Ganyan nga.. Umiyak ka. Kulang pa yan sa sakit na ibinigay niyo sa akin. Kasalanan niyo ang lahat
"Ayaw mo? Ayaw mo na bang mabuhay?"
LORRAINE POV
"Sino ka ba at ginagawa mo sa akin ito.. Tama na! gusto ko ng umuwi.. Pauwiin mo na ako!" pahina ng pahina ang tinig ko..
"Hindi pwede...Hindi pa nga tayo nakapaglalaro eh "..
"Ano bang gusto mo ha?!" sagot ko sa kanya..
"Simple lang naman eh..Hulaan mo lang kung sino ako"
Napaisip ako sino ba siya. Isa ba siya sa mga natapakan ko nung nakaraang taon.. Siya kaya yung palagi kong binubully? Siya ba yung natalo ko sa contest? Bakit ngayon lang siya gumaganti.. ARGHH Ang sakit na ng ulo ko pero di ko alam kung sino siya..Madami akong natapakan nung nakaraan maging kahit ngayon..Di ko talaga alam.. Hindi kaya.....
Hindi kaya siya yun...?
"Pagnahulaan ko ba kung sino ka papakawalan mo na ako?"
"Oo naman. Ibibigay ko ang buhay mo.Kung mahulaan mo.." ...
Tumawa na naman siya nakakapangilabot. Wala akong alam na ganyan. Di pamilyar ang boses niya at di ko siya kilala. Maaring nagkakamali ako ng hula.... Kapalit ng larong ito ang buhay ko.. Ayaw ko pa mamatay.. Di pa ako pwedeng mamatay.. Marami pa akong pangarap. Kailangan kong mag isip...
"TIK TAK TIK TAK" sabi niya..
Nililinlang niya ako. Nililito. Hindi ako maaring mamatay lang ng ganito..
"Alam ko na kung sino ka"...
BINABASA MO ANG
Discover Who I Am
Mystery / Thriller"Hurting SOMEONE can be as easy as throwing a stone in the sea but do you have any idea how deep that stone can go..." What if that SOMEONE comes back? Will you just let ME kill you. ONE by ONE. Or would you be brave to DISCOVER WHO I AM?