Chapter 27: Brainstorming

338 12 3
                                    

ALYZA MARIE POV

“Shes right.” pagsang ayon naman ni Alfred.  “We have to be careful. Anim na ang nawala.” tiim bagang sabi nito. 

“Anim?eh diba lima lang sila.” sabat naman ni Mina

 Tumango tango naman ang iba. 

“Nakuha niya na si Lorraine”. nalulungkot na pahayag ni Alfred. 

Tiningnan ko naman na parang nagtatanong si Alfred. Siya ay ang dating masugid na manliligaw ni Lorraine at total hearthrob din siya sa school. 

“Shes gone.” maikling sabi nito na halos maiyak na ngunit pilit na pinipigilan nito. 

“Pagbabayarin ko kung sino man ang may gawa nito. “ nanggagalaiting sabi nito. 

“Teka teka kung anim na ang nawala bakit ngayon lang natin nalaman ito?” sabi ni Alodia ang president of SSG.

“Magaling ang gumawa nito sa kanila. At siguro ay plinano niya ito para magpanic tayo at maghiwa hiwalay. Pero hindi natin siya pagbibigyan.” mahabang at seryosong pahayag ni Richard na ngayon ay pilit na kumakawala sa pagkakakapit ni Elma. 

Si Richard tahimik at mapagmasid isa sa pinakamatalino sa klase at higit sa lahat ay gwapo. Minsan lang magsalita ngunit makahulugan. 

“Hes right.” pagsangayon ko. 

“Hindi kaya si Krystel ang may gawa nito?” kasi siya lang naman ang huling napagdiskitahan ng grupo ni Jean. 

Si Krystel, tahimik at may pagkaweirdong babae, bago lang siya sa school at talagang napakatahimik. Siya ang huling napagdiskitahan ng grupo ngunit iniligtas ito ni Alfred sa kamay nina Jean. Maaari kayang siya ang may kagagawan. Ngunit parang may mali. Ano ang kasalanan ni Lorraine sa kanya?. 

Si Alona Sandoval total nerd ang huling napagdiskitahan ni Lorraine dahil sa pagpansin dito ng aming guro. Tahimik at malihim matagal ko ng kakilala ngunit hindi ko pa lubos na kilala ang tunay na pagkatao niya. 

“Maaari at maaaring hindi dahil kung siya ang may gawa nito bakit niya naman idadamay si Lorraine.? “ sabi ko. Hindi tayo dapat mambintang hangga't wala tayong ebidensya. “

"Kailangan nating magtulungan. Maaaring isa sa atin na nasa loob ngayon ang may kasalanan."

SOMEONE POV 

“Magaling.Napakatalino mo talaga Marie. Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo.Ganyan nga protektahan mo pa ang babaeng iyon.”

Napangiti na lamang ako habang nakasandal sa pader. Sa paraang ito ay mapapakinggan ko silang mabuti. Wala silang idea na ako ang may gawa noon. Hinding hindi talaga nila malalaman. Hindi nagtagal ay natapos din ang mahabang pag uusap nila at kanya kanya na silang nagpaalam.  

Hmm. Sino kaya isusunod ko sa kanila?

Ah! Alam ko na ano kaya kung siya na lang..

Mina Alvarez... ang walang kwentang si Mina na tanging sarili lamang ang iniisip. 
Siya ang ika pitong biktima.

Napangiti na lamang ako. Iniisip ang susunod na mangyayari sa mga walang pusong tulad nila.

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon