Chapter 20: Anxious

538 17 1
                                    

HANNAH POV

“Hannah! Anong ginawa mo?!”

Natigil ako sa paghahagulhol ng marinig ko siya. Tama si Cheska..... ang simula ng lahat ng ito. Pinunasan ko ang aking luha at marahang inihiga si Sheena sa sahig.

Sinugod ko si Cheska at sinakal. Kita ko ang paghihirap sa mukha niya at ang pagpipilit na makawala. Hinawakan niya ako at pilit na tinatanggal ang aking mga kamay na sumasakal sa kanyang leeg.

.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat na ito!!”  nangigigil kong sabi sa kanya.

“Ha-nnah.hin-di ki-ta ma-intin-dihan. Bi-ti-wan mo a-k-o!” Paputol putol na sabi nito.

Nakita kong halos namumutla na ito pero hindi ko pa rin siya tinitigilan. Labis labis ang galit na nadarama ko ngayon sa kanya.

“Hin-di a-ko maka-hi-nga” nagmamakaawang sabi nito.

Parang natauhan naman ako at agad ko siyang nabitawan. Habol habol niya ang kanyang paghinga habang hinahawakan ang kanyang leeg na may marka ng aking mga kamay.

Itinulak niya ako at tiningnan ng matalim bahagya akong napaatras sa reaksyon niya. Naging balisa siya. Pagkakuwan ay sumigaw....

“Anong ibig sabihin nito!!?” sigaw niya sa akin.

Wala akong maisagot sa kanya. Maging ako ay naguguluhan sa mga pangyayari. Nakit ganito ang reaksyon niya. Mabilis magbago ang katauhan niya. Hindi ko siya maintindihan at hindi ko malaman ang mga susunod niyang galaw. Kakaiba sa Cheska na kilala ko.

“Di ba ikaw ang nagpapunta sa amin sa lugar na ito!?.” sabi ko sa kanya.

Tila naguluhan naman siya sa aking tinuran. Hinawakan niya ang kanyang ulo at parang may inaalala.

“Wala akong matandaan…” direktang sabi nito.

“Huwag ka ng mag maang maangan Cheska. Kagagawan mo lahat ng ito diba?!” sabi ko sa kanya habang pigil ang galit.

“Hindi hindi hindi…” mariing pagtatangi niya dito.

Mataman ko siyang pinagmasdan may kakaiba sa kanya ngayon. Ibang iba ang aura niya kanina sa ngayon.

“Ano ba talagang nangyari?Ha!” tanong ko sa kanya.

“Wala akong alam. Hindi ko matandaan..” parang nahihirapang sabi nito.

“Paano ka nakapunta rito kung ganun?" Tanong ko sa kanya

Parang natigilan naman siya. Lumingon ito sa parteng itaas na bahagi ng silid at parang naghahanap.

“Anong ginagawa mo?!” tila naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Nandito siya....” Sabi nito gamit ang mahinang tinig. parang bumubulong.

“Sino?!” tanong ko sa kanya.

“Siya! Siya ang may kagagawan nito.!” sabi nito habang nakayuko.

“Buhay siya…..” pahikbing sabi nito at lumuhod.

“Hindi kita maintindihan Cheska! Sino siya?” nilapitan ko siya at bahagyang inalog alog ko ang kanyang balikat.

Hindi ko alam pero parang nawawala na siya sa kanyang sarili at nababaliw na sa ipinapakita niyang pagbabago bago ng reaksyon. Nabigla ako ng bigla na lang siyang sumigaw.

“IKAW!!!” sabi nito sabay alis ng pagkakahawak ko sa balikat niya.

“Pinatay mo silang lahat!!!” sabi nito at parang nagbago ang anyo at biglang nanlisik ang mata.

Sa sobrang pagkabila ko ay napaatras ako. Hindi na ako nakalaban ng bigla niya akong paibabawan at sakalin.

“Ikaw ang pumatay sa kanila!!” nanlilisik ang matang sabi nito.

“Ches-ka” habol hininga kong sabi sa kanya habang pinipigilan ang kamay niya sa pagkakasakal sa akin.

Saglit siyang tumigil at medyo lumuwang ang pagkakahawak niya sa leeg ko at umiling iling.

Mula sa di kalayuan ay nakuha niya ang kutsilyong gamit ni Sheena. Itinutok niya ito sa aking dibdib at unti unti niya itong hiniwa.

“AHHHHHHHH!!!!!” impit na sigaw ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko at marahas na kinuha ang puso ko. Kitang kita ng mga mata ko ang patuloy na pagtibok ng puso ko sa mga kamay niya. Tila nasisiyahang pinagmasdan niya ito.

Bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakita ko ang isang napakagandang nilalang sa aking harapan na nakangiti. Isang nakakapangilabot na ngiti na ngayon ko na lamang masisilayan sa buong buhay ko.

CHESKA POV

Hawak hawak ko ngayon sa aking mga kamay ang puso ng pumatay sa aking mga kaibigan ng bigla niya akong nilapitan.

“Magaling Cheska, natutuwa ako sa ginawa mo..”

Tiningnan ko siya. Napakaganda niya ngunit nakakapangilabot ang mga ngiti niya. Nginitian ko siya at iniabot sa kanya ang puso ni Hannah. Kinuha niya ito at ibinalot sa isang maitim na tela.

“Gusto mo na bang umalis dito?” malambing niyang tanong sa akin.

Nag isip ako. Wala na ang mga kaibigan ko. Ano pa bang silbi ko sa mundong ito. Unti unting sumilay ang liwanag sa kwarto. Nagkalat ang dugo… ang mga bangkay… ang mga taong itinuring kong kaibigan ay wala na….

Tiningnan ko muli siya.

“Bakit mo ginawa ito?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna siya bago nagsalita. “Lahat ng nangyayari ay may dahilan. At ang dahilan noon ay hindi mo na kailangan malaman.”

Napatawa ako ng pagak. Nababaliw na ako alam ko. Gulong gulo ang isip ko. Tama nga siya wala na rin namang saysay kung malalaman ko pa ito. Alam kong may kasalanan ako sa kanya. Naging parte ako ng pagpapahirap sa buhay niya. Hinayaan ko ang aking sarili na sumunod sa lahat ng utos ng iba.

Tumayo ako at nilapitan ang bangkay ni Sheena. Wala na siyang buhay. Malamig na rin ang kanyang katawan. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha. Kung ang buhay na aming kinuha ay buhay rin ang kabayaran ito na siguro yun.

Lumapit ako sa kanya ibinigay ko ang patalim na aking hawak hawak. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata.

"Sigurado ka ba dito?"  tanong niya sa akin.

Marahan akong tumango at nagsabing “Handa na ako..........”

Pagkasabi ko noon ay naramdaman ko ang pagbaon ng patalim sa aking dibdib at ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking katawan.

Ito ang kabayaran sa aking kasalanan….sa aming kasalanan….alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat…

Marami pa silang magbabayad…

Marami pang magbubuwis ng buhay….

BUHAY ang inutang…

Tanging BUHAY din ang kabayaran.....

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon