Chapter 13: Taming the VICTIMS (2nd Part)

670 22 2
                                    

SHEENA POV

Nakaupo ako sa kama habang nakikinig ng music sa ipod. Di pa rin ako dalawin ng antok past 11 na. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Di pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin. Sino naman kaya ang gagawa ng ganung klase ng prank. Tapos di man lang nagpakita. Grabe talaga pag aalala ko kay Cheska nung mahimatay siya mas close kasi kami kaysa sa iba pa naming barkada. Pero may napansin ako sa kanyang kakaiba pagkatapos nun di ko alam kung ano o paano pero parang may nag iba sa kanya. Mailap ang mga mata niya.

Napabungtong hininga na lamang ako. Siguro masyado lang akong nadala sa pangyayari. Ipinikit ko na lang ang mata ko at nakinig sa tugtog.

Naghuhum hum pa ako nagbabakasakaling makatulog na ako.

♪♪♪ ♫  ♫♪  ♪♪ ♪♪ ♫♫♪♪

♪♪♪ ♫  ♫♪  ♪♪ ♪♪ ♫♫♪♪

BLAG!!

Malakas na kalabog. Napamulagat naman ako ng marinig kong ito parang may bumagsak na kung ano. Lumingon lingon ako.

“Sheena…..”  sabi ng isang boses.

“Sheena…..”  ulit nito.

Luminga linga ako pero wala akong makita. Pamilyar sa akin ang boses niya.

Parang parang si…

“Sheena tulungan mo ako……”

“Nasaan ka?!Magpakita ka…” sabi ko.

Agad akong bumangon sa kama at naghanap. May kalawakan ang aking kwarto para itong isang bahay sa lawak. Lumapit ako sa switch ng ilaw at kinapa ito. Agad naman itong bumukas.

“Sheena tulong ……” pagmamakaawa nito.

“Asan ka ba…….?” naiiyak ko nang sabi.

Tumunghay ako sa bintana upang silipin kung nasa labas siya. Hindi nga ako nagkamali nandun siya…

Dali dali akong  lumabas ng kwarto. Binilisan ko ang aking mga hakbang pababa ng hagdan muntik pa nga akong mahulog pero hindi ko na yun pinansin mas mahalagang makita ko siya. Nasa may pintuan na ako ng bahay ng makaramdam ako ng kaba. Di ko maipaliwanag parang may mali.

“Sheena…..”  

Narinig ko ulit ang pagtawag niya. Di na ako nagdalawang isip pa at binuksan ko na ang pinto. Nakita ko siya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ngunit tumagos lang ako sa kanya.

“Sheena…..”  muli niyang sabi habang lumalandas ang luha sa kanyang mukha.

Naguguluhan ako anong nangyayari. Bakit di ko siya mahawakan? Bakit siya umiiyak?

“Anong nanyayari sayo?” may pag aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay tinalikuran niya lamang ako. Parang napako naman ang mga paa ko. Hindi ko magawang sundan siya.

Napapikit ako at nanlulumong napaupo sa carpet. Di ko mapigilang hindi umiyak. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

“Sumama ka sa akin”

Iniangat ko ang aking tingin. Bumalik siya. Pero parang kakaiba. Kinusot kusot ko ang mata ko. Siya nga. Di ako pwedeng magkamali.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin koi to o hindi dahil kanina lang tumagos ako sa kanya.

“Halika na” sabi nito.

Iniabot ko naman ang kanyang kamay at tumayo. Sumama ako sa kanya. Kung saan hindi ko alam. Ang importante ay okey na siya.

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon