Chapter 16: UNTOLD Stories

594 17 3
                                    

SHEENA POV

"Ako na ang papatay sa kanya" sabi ng tinig mula sa dilim..

Mula sa dilim ay lumabas ang isang nilalang at unti unting nakita ang kanyang mukha....

Ang mukha ni Hannah....Hindi nga ako nagkakamali. Ang bestfriend ni Jean. 

"Sige tutal isa lang naman ang kailangan sayo na yung sa kanya" pagpapaubaya ko dito.

"Hannah ikaw din ba? akala ko magkakaibigan tayo" rinig kong sabi ni Jean.

"Maraming namamatay sa maling akala Jean. At susunod ka na sa kanila" sabi nito habang nakangisi.

  

"Bakit?" naluluhang sabi nito parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

  

"Magkaibigan tayo diba?" sabi ni Jean,

Nakakaawa nga naman ang kalagayan nito kung tutuusin. Dahil mismong itinuring na bestfriend ang magtatangkang pumatay sa kanya. Napasmirk na lamang ako.

  

"Napaswerte mo naman para isipin na kaibigan mo pa ako. " sabi naman ni Hannah.

Mukhang interesante ang pag uusapan nito. Kaya nakinig muna ako sa kanila.

"Pero diba best friends tayo??" sabi ni Jean habang pinipigilan ang humagulhol.

"Siguro magkaibigan nga tayo dati ng hindi mo pa inaagaw ang mahal ko." nanggagalaiting sabi nito kay Jean.

 Ganun naman pala eh. Mang aagaw naman pala si Jean. Nangingiti na lamang ako sa iniisip ko.

 "Pero...akala ko.." rinig kong sabi ni Jean.

"Akala mo ba ayos lang sa akin ang ginawa mong pagsira sa amin? " sabi ni Hannah dito habang hindi nawawala ang galit sa tinig nito."Akala mo ba----"

Hayyy ano ba naman yan. Maiwan ko na nga ang dalawang ito. Nagiging boring na eh. isip isip ko.

"Sige na ikaw na bahala sa kanya. Wag ng maraming drama. Ayoko ng makulong sa kwarto na ito kasama ang mga kagaya niyo. Ang dadrama eh!". inis kong sabi ko dito.

Tinalikuran ko na sila at laking gulat ko ng wala na si Rose Ann, huli na ng malaman kong wala na siya doon. Hindi ko man lang napansin. Sh*t! Kainis kasing Hannah na yan. nagdadialog pa.

Naglakad lakad ako..

Pilit na inaaninag ang kung saan nagtatago ang bulaklak..

"Rose Ann............." tawag ko dito.

"Rose Ann.............magpakita ka na di ba magkaibigan tayo.." sabi ko ulit.

  

"Rose Ann.............wag mo na akong pahirapan pa". tawag ko dito habang pigil ang inis.

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon