Chapter 3: Unknown

1.2K 51 25
                                    

SOMEONES POV

Nagsimula akong magsulat. Wala na kasi akong magawa. Ayaw ko naman makisali sa mga kabaliwang itinatanong ng mga kaklase ko tungkol sa bagong guro. Naririnig ko pa rin naman ang mga tanong nila at sagot dito.

Tulad na lamang kung ilang taon na ito, saan ito nakatira, anong likes and dislikes, mga paboritong gawin.

Tahimik rin natutulog ang katabi ko. Kaya mas maganda.

Kinuha ko ang isang singsing mula sa bag ko. Napangiti ako. Tiningnan ko ito at nakita ang isang initials AZ di ako pwedeng magkamali sa kanya ito. 

Tiningnan ko siya. Kung di mo talaga siya kilala ay malilinlang ka ng kanyang napakaamong mukha. Ngunit kilala ko siya kailanman di niya maloloko ang isang tulad ko. Patuloy ako sa pagsusulat.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng room. Abala ang iba sa kanila sa kakatanong sa aming guro.

Napadako ang tingin ko sa isang nagtanong..

"Sir why do you choose this school?"

Tinginan naman sila lahat sa nagtanong. Sino ba ito para magtanong ng ganon. Pero interesante nga naman. Bakit nga ba sa dinami dami ng mga paaralan dito pa siya sa academy. Kung tutuusin marami sa kanya ang pwedeng tumangap na school. With pleasing personality at kitang may pinag- aralan. As he said a while ago na galing siya sa America. Bakit dito pa niya napili.

Naghihintay ang lahat sa isasagot niya. Maging ako man nagtataka.

"Ah well class. If your wondering Im here for someone." 

Nabigla ako tumingin siya sa may gawi ko at ngumiti. Siguro di kasi ako nakikinig kanina kaya tiningnan niya ako.

 "Sino naman po yung someone na yun sir?" tanong ni Angeli.

Naging malikot ang mga mata niya..

"Ah eh.. huwag niyo na lang alamin class. Makikilala niyo rin naman siya."

"Ai ang daya ayaw man lang ishare." sabi nung classmate ko na malapit lang sa akin..

"SIGE NA PO SIR".. sabay sabay na ungot ng mga girls.

Lumingon ulit siya sa akin tapos ngumiti.

"Well actually di niya na siguro matandaan pero siya si ---------------"

RING RING RING

Time na. Buti naman at uwian na. Pero di namin narinig yung sinabi niya...

"Okey class I have to go." sabay labas niya ng classroom.

Nauna ng lumabas ang boys. Badtrip siguro dahil naagawan sila ng pwesto. Ha. What a shame.

"Panira naman ng kwentuhan ang bell. Kainis di ko tuloy narinig yung sinabi ni Sir."  sabi ni Lorraine

"Ang cute ng adviser natin noh.?". sabi ni Allesa

"Oo nga." tatango tangong pagsang ayon naman nung dalawang katabi ni Allesa

"Pero akalain mo yun taken na pala yun? Sayang naman." sabi ni Marie

"Di pa yun taken. Kasi special someone lang naman daw eh. Tsaka para sya saken." sabat naman ni Lorraine.

Puno ng sari saring usapan ang loob ng classroom pag kaalis niya. At ilan lang yun sa mga narinig ko. Nakakarindi sila. Tinupi ko ang papel na kaninang sinusulatan ko at Nagmamadali kong  inayos ang gamit at lumabas ng room. Ayaw na ayaw ko sa mga ganyang klaseng usapan. 

Nakalabas na ako at malapit na sa gate ng may nakita akong pumaradang sasakyan malapit sa labasan. Sh*t . Bakit yan nandito.? Panira ng plano! Arghh!! Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan hanggang sa makaupo. 

Binuklat ko ang papel na sinulatan ko kanina. 

LORRAINE MONTE. 17 years old, only daughter, heiress of MONTE Incorporation.

Ikaw ang UNA....

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon