Chapter 10: TEARS

870 33 10
                                    

 SOMEONES POV

Nasa sulok lang ako....

Nagmamasid.....

Nag aabang....

Hinihintay ang susunod nilang gagawin....

Narinig ko ang kaniyang sinabi….

.

“Ano ito…..?” 

Napangiti nalamang ako. Nakita na nila ang mga pangalan. Ang mga pangalang isinulat ko gamit ang aking dugo. Tama ang aking dugo. Ang sariwang dugo na dumadaloy mula sa aking mga mata na patuloy sa pagbuhos. Luha ng kasiyahan sa papalapit nilang katapusan. Di nila ako nakikita dahil narito ako kung saan nababalutan ng purong kadiliman. Kinukubli ako ng aking mga anino. Tama ulit. MGA anino. Marami sila.

Natutuwang pinagmasdan ko ang kanilang mga takot na takot na itsura. Kita ko ang pagsusumiksik nila sa gilid ng silid. Mga kaaawa awang nilalang. Ha! Bakit nga ba ako maaawa sa kanila.

Kita ko ang pangangatog at panginginig ng kanilang mga katawan. Matibay rin pala sila dahil hindi man lamang sila nahimatay pagkatapos ng kanilang mga nasaksihan.Dahil na rin siguro sa minsan na rin silang nakakita nito, hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ang lalapit dito at mag uusisa. At kung sino man yun ay siya ang magiging alas ko laban sa kanila.

LIMA para sa ISA at ISA para sa LIMA. Sila sila din ang magpapatayan sa huli ngunit kailangan ko pa rin ang kanilang mga puso kaya pinagplanuhan ko na ang lahat bago pa man sila mamatay sa kamay ng bawat isa.

Narinig ko ang mahihinang pag hikbi ng ilan sa kanila. Tama. Matakot kayo..

THIRD PERSONS POV

Takot na takot ang limang magkakaibigang nagsusumiksik sa sulok ng kanilang silid ni hindi nila alintana ang isang nakakapangilabot na titig sa kanila ng isang nilalang na nagtatago sa kadiliman.

Nangangatog at nanginginig ang kanilang mga katawan dala ng malaking takot sa kanilang dibdib. Tanging pagtibok lang ng kanilang mga puso ang maririnig.

Dub

Dub

Dub

Dub

Nakabibinging tunog nito. Napakalakas at napakabilis ng pagpintig nito. Nababalot ang kanilang mga puso ng takot hindi lang dahil sa nagkalat na dugo ngunit sa mga pangalan nilang nakasulat gamit ang dugo. Nahihintakutan sila. Napahikbi na lang ng mahina ang ilan sa kanila.

Umiling iling ang iba ng makitang tumayo ang isang kaibigan nila. Naglakas loob itong lumapit sa unahan na napapaligiran ng sariwang dugo. Kahit madilim na ang paligid ay tanaw pa rin nila ito dahil sa liwanag na nagmumula sa bilugang buwan.

Ngumiti ang nilalang na kanina pa nagmamasid sa kanila. Parang nagugustuhan nito ang mga nangyayari.

Lumakad na ang isa nilang kaibigan…

Lakad

Lakad

Lakad

Rinig ng bawat isa ang tunog ng kanyang bawat paghakbang. Konting hakbang na lamang ay makakarating na siya sa unahan. Natatapakan niya na ang nagkalat na dugo sa sahig. Maya maya ay napalingon siya sa kanyang mga kaibigan ngumiti siya sa mga ito. Kahit kinakabahan man ay patuloy siya sa paghakbang. Konti na lamang at abot kamay niya na ito. Tumingin siya sa isang sulok parang nahihiwagaan ito. Naramdaman niya ang presensya mula rito ngunit binalewala niya na lang ito.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang pader kung saan nakasulat ang kanilang mga pangalan. Parang pinapakiramdaman. Napapikit siya. Napahawak siya sa kanyang ulo.

“ARRGGHH”. Impit na sigaw niya habang sapo sapo ang kanyang ulo.

Nakita naman ng kanyang mga kaibigan ang pamimilipit niya sa sakit at isa isa itong nagsilapitan sa kanya.

“UMALIS NA KAYO! Huwag!Huwag kayong lalapit sa akin!” sigaw nito at biglang nawalan ng malay.

Mula naman sa kadiliman ay napangiti ang nilalalang. Ito na ang simula. Pagkasabi nito at  bigla itong naglaho.

CHESKA POV

Madilim. Napakadilim ng paligid. Wala akong makita. Tanging kadiliman ang bumabalot sa aking kinalalagyan.

Asan ako?

Asan ang mga kaibigan ko?

Paano ako napunta dito?

Kahit anong gawing pagtawag ko sa aking mga kaibigan ay walang kahit isang tumugon. Napakarami kong katanungan sa aking isipan.Nagsimula akong maglakad.

Lakad.....

Lakad.....

Lakad.....

Naglakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Parang walang katapusan ang kadiliman sa lugar na ito.

Maya maya ay naupo ako. Sinubsob ko na lamang ang aking mukha sa aking mga binti. Natatakot na ako. Pilit kong pinipigilan ang aking luha. Di ako iiyak. “Hinding hindi ako iiyak” sabi ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Pinilit kong palakasin ang aking loob at tumayo.

Naglakad ulit ako. Lakad ng lakad na parang nababaliw na. Hindi ko na kaya. Napasalampak ako sa sahig at nagsimulang humagulhol.

Masakit na ang mga paa ko at nawawalan na rin ako ng pag asa. Naiinis ako sa sarili ko napakahina ko. Ito ang mga salitang kinaiinisan ko, ayokong tinatawag na mahina – hindi ako mahina, ngunit hindi nga ba?

Naglandas muli sa pisngi ko ang aking mga luha. Marahas ko itong pinunasan. HINDI AKO MAHINA sabi ko sa sarili ko. Malakas ako.Malakas ako. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Tumayo ako at luminga linga umaasang may makikita akong kahit konting liwanag. Hindi naman ako nagkamali isang maliit na liwanag ang nakita ko mula sa malayo.

Tinakbo ko ito. Halos magkandarapa ako sa pagtakbo ngunit patuloy pa rin ako. Mula sa maliit na liwanag ay nakita koi tong lumaki ng lumaki.

Mas binilisan ko ang aking pagtakbo kahit ramdam ko ang pananakit ng aking mga paa.

Konti na lang…

Konting konti na lang…

Mula sa liwanag ay narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

“CHESKA!”

“CHESKA!”

“CHESKA!”

“CHESKA!”

Lalong lumakas ang pagtawag sa akin. Mula sa kadiliman na aking pinanggalingan ay nakita ko ang LIWANAG.

Masakit sa mata at nakakasilaw na liwanag…..

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon