Chapter 26: Plan and Conclude

398 10 2
                                    

Someone POV

“Magaling at nandito ka na.” sabi ko pagbungad niya palang sa aking pinto.

Bumahid ang ngiti sa kanyang mukha at pagkatapos ay may kinuha siya mula sa kanyang bulsa at iniabot niya ito sa akin. Natigilan ako sa aking nakita.

“Isang litrato..? Paanong...?”

“Mag-iingat ka. Nagawan ko na ng paraan na hindi na mailabas sa eskwelahan ang kuhang yan. Iyan na lamang ang huling bagay na maaaring makabagsak sa iyo.” nangingiting sabi nito.

 
Naikuyom ko ang litrato sa aking mga palad sa sobrang galit ko. Pinagpunit punit ko rin ang mga ito.

“Huminahon ka nagsisimula pa lang ang laro.”

Tiningnan ko siya ng masama ngunit tulad ng dati hindi pa rin mawala wala ang kanyang mga peking ngiti sa kanyang labi. Napaismid na lamang ako. Hindi ito ang pakay ko sa kanya.

“Ano nga ba ang kailangan mo at ipinatawag mo pa ako?” tanong nito pagkakuwan.

“Kailangan kita sa susunod na plano ko.” Direktang sabi ko.

Tumawa siya ng pagak bago nagsalita.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago.”

“Matagal pa ang pagbabago. Kailangan munang matapos ang dapat matagal ng tinapos noon.”

Tumayo siya at lumapit sa akin at bahagyang inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong.

“Yan ang gusto ko sayo.” Itinulak ko naman siya palayo sa akin.

Halos masira ang pader kung saan siya tumilapon.

Ngumiti siya at tumayo at ipinagpag ang kangyang damit.

“Hindi ka na mabiro sabi nito at umalis.”

“Nakakainis! Kung hindi ko lamang siya kailangan ay matagal ko ng winakasan ang kanyang buhay.”

Alyza Marie POV

 

Madilim napakadilim ang paligid. Pilit kong iminulat ang aking mata at hindi rin nagtagal ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Iginala ko ang aking paningin sa aking paligid.

Napapalibutan ako ng mga ....

“Marie! Marie! buti at nagising ka na.”

“Oo nga Marie pinag alala mo kami. Ano bang nangyari sayo?”

Sunod sunod na tanung ang bumungad sa akin.

Ano nga ba ang nangyari?

Hindi ko matandaan.

 Asan si Marianne?

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon