Chapter 23: Sightings

523 17 4
                                    

Alyza Marie POV

Bigla akong napatayo sa sobrang gulat sa nakikita ko. Bahagya akong napaatras. Ako lang ang nandito sa room. Anong nangyari sa kanya. Nahihintakutan man ay nagawa ko pang magsalita.

"Rose Ann?! Anong nang-yari sa-yo??!!" nauutal kong sabi sa kanya.

Hindi ko magawang tingan ang kanyang mukha pero alam kong si Rose Ann ito. Kahit hindi kami magkaibigan ay nag uusap rin naman kami. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ganyan ang itsura niya.

Unti unti siyang lumalapit sa akin. Patuloy din naman ako sa pag atras. Mula sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko ang nakakasulasok na baho na nangagaling sa kanya. Halos masuka ako dito. Ipinikit ko ang aking mata at sinabi sa sarili ko na...

"Bangungot..isa ka lang bangungot..." paulit ulit kong sabi.

Nagbilang ako ng isa hanggang lima bago ko muling binuksan ang aking mata. Huminga muna ako ng malalim at unti unti kong iminulat ang aking mata.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

DUB DUB DUB DUB DUB

Halos lumabas ang puso ko sa takot at kaba. Magkaharap na ang aming mga mukha. Konting konti na lamang ay magdidikit na ito. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko ang pagtalsik ng dugo sa aking dibdib na nagmumula sa kanyang katawan.

Nanginginig ang aking buong katawan. Ayoko na tama na. Tama na...Pilit kong ipinipikit ang aking mga mata ngunit parang ayaw nitong sumunod sa gusto ko. Pigil na pigil ko ang aking hininga.

Kitang kita ng dalawa kong mata ang mukha niya. Nagsusumamo ang mga ito at parang nanghihingi ng tulong. Napalunok ako ng makita ko ang laslas sa kanyang leeg. Sino may gawa nito sa kanya. 

"Ano....Ano-ng nang-yari sa-yo?" nanginginig kong tanong sa kanya.

Umalis siya sa harap ko at dumistansya pagkatapos ay yumuko ito. May pinulot na kung anong bagay sa sahig. Ipinakita niya ito sa akin. Nabigla ako.

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon