Chapter 7: Another

1.1K 38 12
                                    

THIRD PERSONS POV


Tuluyan ng nalagutan ng hininga si Lorraine habang hawak hawak parin NIYA ang puso nito na patuloy sa pagtibok. Maririnig ang nakakapanindig balahibong halakhak mula sa kanya. Iniwan niya ang patay na katawan ni Lorraine na nakaupo sa silya, patuloy na tumutulo ang dugo mula rito. Halos bumaha na ng dugo ang sahig sa kanyang ginawang pagpatay dito. Nanlilisik ang kanyang mga matang may tuwa sa labing ibinalot niya ang puso sa isang maitim na tela at isinilid ito sa isang babasaging lalagyan. 

"UNA"..ang tanging nasabi niya. Hinugasan niya ang kanyang mga kamay na puno ng dugo. Ang kaninang matatalas niyang kuko ay bumalik na sa orihinal nitong anyo. Napakadali para sa kanya ang pumatay. Hindi lang ito para sa paghihiganti ngunit mas higit pa.

"Kayo na ang bahala sa kanyang katawan". pagkawika niya nun ay biglang nagsilabasan ang parang kaninang mga anino na ngayon ay nagpormang tao. Pinag aagawan nito ang labi ng namatay sa pagkain. Napangiti siya. 

Umalis na siya sa bodega at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis sa lugar na yon. Bahala na sila doon. Ni isang bahid ng pagkawala ng babaeng yon ay hindi na mamamalayan. Napakahina nitong mag isip. Nakuha niya na ang unang puso. Natawa siya.

Habang tumatakbo ang kanyang sasakyan patungo sa kung saan ay may nahagilap siyang mukha mula sa daan.

"Lorraine". nasambit niya.

Yun na ang huli nilang pagkikita. Tanging panahon na lang ang magsasabi kung saan o kailan ang nakatakdang magaganap.

SOMEONES POV


Nasa bahay na ako. Isang napakalaking bahay na nagsisilbing tirahan ko. Tanging mga katulong ang kasama ko ngunit ni isang beses ay di ko nahahagilap. Sila ang tagagawa ng lahat ng kailangang gawin. Samantalang ako ay itinakda na ang magiging kapalaran ng mismong sarili ko.

Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay makikita ang napakalaking espasyo. Tila isa itong tahanan sa loob ng isang malaking tahanan. Sa kabilang parte nito ay makikita ang ibat ibang litrato ng mga estudyante. Mga KAKLASE ko. Nakangiti sila, masasaya at maaamo ang mukha dahil suot suot nila ang kanilang ibat ibang maskara. Because behind their mask is their true nature and their real true self na kahit sino ay hindi aasamin na makilala.

Linggo ngayon. Maghapon lang akong matutulog hanggang magsawa ako. Nakahiga ako sa aking napakalaking kama ng makarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto.

"Pasok". sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok siya. Naupo siya sa tabi ng aking kama at hinaplos ang aking buhok. Napakasarap sa pakiramdam ng kanyang mga palad sa aking buhok. Parang tila hinehele ako sa aking pagtulog. Marahan pumikit ang aking mga mata. Nang magsalita siya.

"Kumusta?" tanong niya.

"Lahat ay naaayon ayon sa inyong gusto". sabi ko habang nilalabanan ang antok.

"Mabuti naman kung ganon". sabi niya

"Nakuha ko na ang UNA".. sabi ko.

"Magaling. Kailangan mong makompleto ang DALAWAMPU'T LIMA bago sumapit ang KANYANG KAARAWAN." sabi niya pa.

"Opo alam ko yun."

"Alam kong di mo ako bibiguin"

"Gagawin ko po ang lahat upang di ko kayo mabigo..."

"Mabuti. Ngayon magpahinga ka muna"..

Nang marinig ko yun mula sa kanya ay parang hinila na ako ng antok at kusang natulog ang diwa ko....

Discover Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon