ERICKA POV
“Magpahinga ka na.” sabi sa akin ni Charisa.
Hindi ko mapigilang hawakan siya ng mahigpit. “Huwag ka munang umalis.” pigil ko dito.
“Bakit?” nagtatakang tanong nito.
“Natatakot ako. Please. Dito ka muna.” nagmamakaawa kong pakiusap dito.
Narinig ko itong nagpakawala ng malalim na hininga bago tumango. Parang gumaan naman ang pakiramdam ko sa pagsang ayon niya. Hindi ko kayang mag isa sa kabila ng nakita ko.
“Welcome home!!”. Sabay sabay na sabi ng mga maids.
Hindi ko na lamang sila pinansin at hinila ko na papasok ng bahay si Charisa. Dumiretso kami sa kwarto at agad kong inilock ang pinto. “May problema ba?” nagaalalang tanong niya sa akin.
“Yung nakita ko kanina. Si Mina.. “ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang ako napahagulhol hindi ko mawari ang kaba at takot na aking nararamdaman. “May mangyayaring masama at isa lamang premonisyon ang aking nakita.”
“Anong nakita mo?” Agad na tanong ni Charisa dito.
“I had a premonition..” pabulong na sabi ko.
“What?!” gulat na gulat na sabi nito.
“Si Mina. I think somethings might happen to her” nanginginig kong pahayag.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” may inis sa boses na sabi nito.
“Natatakot ako... “
Napahampas na lamang sa pader si Charissa sa narinig niya mula sa akin. Ayaw kong sabihin sa kanya ito pero natatakot ako sa kaligtasan ni Mina. I know something will happen to her.
“Get up. We have to go! NOW!”
“Ayoko. Ayoko. “Todong tangi ko dito. Di ko kakayanin na makita muli si Mina. Agad akong tumalukbong sa kama ko.
“Ericka. Please kailangan tayo ni Mina.” pakiusap niya sa akin.
“Pero… natatakot ako.”
“Wala ng oras. We have to go!.” pinal na sabi ni Charisa
------------------------------------------------------
THIRD PERSONS POV
“Anong ginagawa mo dito?!”
BINABASA MO ANG
Discover Who I Am
Misterio / Suspenso"Hurting SOMEONE can be as easy as throwing a stone in the sea but do you have any idea how deep that stone can go..." What if that SOMEONE comes back? Will you just let ME kill you. ONE by ONE. Or would you be brave to DISCOVER WHO I AM?