G/N: Haaaayoo~! Grabe! Sobrang init 'no? Inom kayo ng tubig, ah? Baka ma-dehydrate kayo.
~*~
Alessa's Pov
Lumapit siya sa akin.
"Bakit, bawal ba ako dito Alessa?" tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang alam ko, oo. Bawal kasi dito yung mga malalandi." sabi ko.
Napawahak siya sa dibdib niya, "Ouch, Alessa. Sakit naman 'nun." sabi niya.
"Pwede bang umalis ka na dito? Sirang-sira na nga araw ko ngayon, tapos dadagdag ka pa." sabi ko.
Ngumisi naman siya, "Grabe ka naman, Alessa. Ganyan ka ba sa kaibigan mo?" tanong niya.
"Wala akong kaibigan na malandi, katulad mo. So please, Lily. Get out!" sabi ko.
"Tsk! Hindi ba uso sa'yo ang, 'Forget everything and start a new life'?" tanong niya.
"Alam mo kasi Lily, hindi madaling kalimutan yung ginawa mo. Okay?" sabi ko at tumayo na, "Ako na lang ang aalis, ayokong makasama ang katulad mo."
Maglalakad na sana ako pabalik sa kotse ko pero bigla siyang nagsalita.
"Alessa, is it really my fault? Are you sure about that? Hahaha. Stop judging." sabi niya.
Nilingon ko siya.
"I'm sorry but hindi ako nakikinig sa katulad mo, bitch." sabi ko at tumalikod na.
"UGH! ALESSANDRIA REID!" sigaw niya.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na. I really hate her.
~*~
"Good morning Sunshine!" sabi ko pagkabangon ko.
Naligo na ako at bumaba na. Nakita ko na sila Xya at Xander kumakain.
"Sila Mom?" tanong ko.
"Umalis na, Ate. Maaga daw kasi ang call time nila." sabi ni Xya.
Tumango-tango ako 'saka umupo na sa table. Kumain na kaming tatlo. May pasok ako ngayon.
"Sasabay ba kayo sa akin or papahatid na lang kayo sa driver?" tanong ko sa dalawa.
"Papahatid na lang, Ate." sabi ni Xander.
Tumango ako, "Mauuna na ako, ah? Be good." sabi ko at umalis na.
Nagdrive na ako papunta sa school. Nang marating ko na ang school ay naabutan ko si Wendy naghihintay sa parking lot.
"Alessa!" tawag niya sabay kaway.
Lumapit ako sa kan'ya at sabay na kaming pumasok.
"Hoy, girl! Naka-move on ka na ba?" tanong ko.
"Oo naman, ako pa! Kung ikaw nga naka-move on na sa kan'ya, syempre ako din!" sabi niya.
Alam ni Wendy lahat ng sekreto ko.
"Uy, ano yun?" tanong ni Wendy sa akin.
Napatingin ako sa may hallway, andaming nagkukumpulan. Na-curious naman kami ni Wendy at tinignan kung anong meron. Nakita namin si Tyler at Lily. Si Lily nakaupo sa sahig at namumula yung pisngi, halatang ngayon pa lang siya sinampal. Si Tyler naman ang sama ng tingin niya kay Lily.
"What the hell is going on here?" tanong ko.
Dahil Popular ako dito sa school, natatakot sila sa akin. Napatingin silang lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016
Fanfiction60DBWY 3 : Alessandria's Story Tyler The Jerk and Alessandria The Popular. Seriously? This is not good. ~*~ ¤ All Rights Reserved ¤ Started: April 23, 2016 Finished: July 10, 2016 Story written by: Gorgeouzelle Copyrighted, 2016