G/N: Sorry sa late update.
~*~
Alessandria's Pov
"I guess this would be exciting." sambit ni Alliah.
"I guess so." sabi ko.
Kaka-daan pa lang namin sa bridge kung saan papunta sa mga pools. Bumungad kaagad sa amin ang malaking swimming pool, dito yung waves. And may kiddie pool sa left side. Ugh, it's so freaking hot! Pumunta kami sa Pavillion 4 kung saan ang cottage namin, which is sa baba.
"Tara na, let's change!" sabi ni Mandy.
"Mauna na kayo ni Alliah, susunod na lang ako." sabi ko.
Inayos ko yung mga pagkain na dala namin. Tumabi sa akin si Tyler.
"Wifey?" tawag niya.
"Josh! Paki-ihaw na yung mga hotdog." sabi ko.
Lumipat ako sa kabilang side ng table para lumayo kay Tyler.
"Wifey naman." sabi na naman niya.
"Clint!" sabi ko.
"Hmm?" sabi ni Clint.
"Paki-tulungan naman si Josh sa pagi-ihaw, magpapalit na kasi ako." sabi ko.
Nagthumbs up si Clint at tinulungan si Josh sa pagi-ihaw. Si Thomas naman nag-ayos ng mga gamit. Kinuha ko yung rashguard ko at cycling shorts. Tumabi ulit sa akin si Tyler at niyakap ako.
"Wifey naman, pansinin mo ko please?" sabi niya habang naka-pout.
Hindi ko talaga siya matiis, hays. Tumango ako at ngumiti sa kan'ya.
"Samahan mo na yung boys dito, magpapalit lang ako." sabi ko.
"Okay, basta 'wag ka magt-two piece, ah? And, sabay tayo mags-swimming." sabi niya.
Tumango na lang ako at nagbihis na sa c.r. Naabutan ko din sila Alliah dun at sabay-sabay na kaming bumalik sa cottage. Mga naka-rashguard kami kasi sobrang tirik ng araw. Wala pang shade yung sa big pool. Sa kiddie pool lang meron.
"Let's go swimming?" aya ni Alliah kay Josh.
Nakapagpalit na rin pala yung mga boys, si Thomas lang hindi. Siya na daw muna ang magbabantay ng cottage at maghahanap daw siya ng babae.
"Goodluck sa paghahanap mo sa babae, pre!" sabi ni Clint kay Thomas.
"Who you kayo sa akin mamaya, may makikita din ako!" sabi ni Thomas.
Tumawa kaming lahat. Umakbay si Clint kay Mandy, itong dalawang 'to ang sarap sapakin. 'Di ko alam kung may gusto ba si Mandy kay Clint kasi 'di naman siya nagre-reklamo kapag inaakbayan siya ni Clint. Si Clint naman, 'di ko alam kung susuko na ba siya. Hays. Ang gulo nila.
"Mauna na kami, Thomas. Goodluck." sabi ko.
"Thanks, Alessa!" sabi ni Thomas.
Inakbayan naman ako bigla ni Tyler at umalis na kami. Seloso.
"Sa big pool muna tayo, baka mamaya may waves na." suggest ni Alliah.
Sumang-ayon naman kami at pumunta na sa big pool. Sinuot ko yun shades ko kasi ang init, nakasuot din ng shades si Tyler, couple shades kasi 'to. Nung makapunta na kami sa 5ft, huminto na kaming anim doon.
"Abot mo pa ba dito?" tanong ni Tyler.
"Oo naman!" sabi ko.
Itong lalaking 'to, nakakainis. Hindi man lang siya nagsuot ng rashguard o pang-itaas na damit. Silang tatlo, kaya ayan, pinagtitinginan sila ng mga babae. Hindi lang dahil sa gwapo sila, dahil na din naka-expose ang 6 packs of abs nila.
"Ang unfair! Tayo mga naka-rashguards tapos sila naka-expose ang abs! Dapat naka-two piece din tayo, eh!" sabi ni Mandy.
"Try mo, baby Mandy. At pagsusuotin kita ng jacket habang nagsw-swimming kapag nagtwo piece ka." sabi ni Clint.
"Aish! Whatever." sabi ni Mandy.
I just rolled my eyes. Niyakap ako ni Tyler, damn. Bakit ang sweet niya masyado?
"Bakit ang gwapo mo?" tanong ko sa kan'ya.
Ngumisi siya, "Tanong mo kay Mom at Dad." sabi niya.
Brinush up ko yung basa niyang buhok, mas lalo siyang gumwapo. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.
"Woooh~! PDA!" sabi ni Josh.
Sinamaan ko ng tingin si Josh. Biglang may tumunog, parang whistle, hudyat na magsisimula na yung waves. Nakaalalay lang sa akin si Tyler, in case na malunod ako. Rip sa height ko. Sumampa ako sa likod ni Tyler, bawal kasi sa shoulders niya umupo baka kasi sitahin kami ng mga lifeguards.
"Put your legs around my waist." sabi ni Tyler.
Ginawa ko naman yung sinabi niya. Grabe, kahit tirik yung araw, ang dami pa ding naliligo. Ang tagal din mawala nung waves. Nilibot ko yung paningin ko, may slide.
"Hubby." tawag ko kay Tyler.
"Hmm? What is it?" tanong niya.
"Doon na lang tayo sa slide, please?" sabi ko.
Ngumiti naman siya at inalalayan akong umalis sa pagkakasampa ko sa likod niya. Nagpaalam siya kila Clint, at pumayag sila. Naglakad kami papunta sa slide, habang magkaholding hands na naman. Umakyat kami sa stairs, at andun na yung pool na babagsakan ng mga mags-slide. Mababaw lang siya, 5ft lang din. Malapit lang din dito yung jacuzzi.
"Let's go?" sabi niya.
Tumango ako at umakyat pa ulit. Mahaba yung pila sa slide kaya medyo natutuyo na kami ni Tyler. Napayakap ako bigla kay Tyler nung maramdaman kong nilalamig na ako. At takot din ako sa matataas.
"Cold? Or afraid of heights?" tanong niya.
Tumingala ako sa kan'ya, "You know me well." sabi ko.
Dahil mahaba pa yung pila, umupo muna ako sa stairs. May mga kababaihan na tumitingin sa kan'ya.
"Hello po, ang gwapo niyo naman." sabi nung babaeng katabi ni Tyler sa pila.
Ngumiti si Tyler, "Thanks." sabi niya.
Niyakap ko yung sarili ko dahil ang lamig, medyo kumulimlim na din. Tumayo ako at umusog, niyakap ako ni Tyler.
"Still cold?" tanong niya.
Umiling ako, "I'm fine now." sabi ko.
Binuksan ni Kuya Lifeguard yung maliit na gate, ako na pala. Bago ako mag-slide, hinalikan muna ako ni Tyler sa pisngi.
"Have fun." sabi niya.
Ang sweet talaga ng jerk na 'to. Pumwesto na ako at nagslide. Mabilis lang din at bumagsak na ako sa pool, lumayo ako ng kaunti at hinintay si Tyler. Maya-maya nakita ko na siya at bumagsak na din siya sa pool. Lumapit siya sa akin.
"Where's your shades?" tanong niya.
Kinapa ko yung ulo ko, hala! Asan na yun? May kumalabit naman bigla sa akin. Napatingin kami sa kan'ya.
"Miss, sa'yo ba 'to?" tanong nung lalaki at inabot sa akin yung shades ko.
"Jax?!" sabi ko.
To be continue..
~*~
G/N: Yey! Thanks for following me guys! And, hey, sorry ngayon lang naka-update. May headache kasi ako, anyway, keep voting and commenting guys! Don't forget to share my stories to others and follow me too! Yun lang :*.
BINABASA MO ANG
The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016
Fanfic60DBWY 3 : Alessandria's Story Tyler The Jerk and Alessandria The Popular. Seriously? This is not good. ~*~ ¤ All Rights Reserved ¤ Started: April 23, 2016 Finished: July 10, 2016 Story written by: Gorgeouzelle Copyrighted, 2016