~ 41: Roadtrip to Vigan

1.5K 69 18
                                    

G/N: Last 4 chapters. Read the note later. Happy 16k+ mga Tylessanatics! :*

~*~

Alessa's Pov

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila.

"Damn, baby, buntis ka tapos malayo 'yun." sabi ni Jax.

Nagpout ako, "Kapag malapit ayaw, kapag malayo, ayaw din. Edi 'wag na!" sabi ko.

"No, no, it's okay. Kakayanin 'yan ni Alessa, Jax. Van naman ni Josh yung gagamitin natin, para maluwag tayo." sabi ni Alliah.

Tumango-tango na lang si Jax, "Fine, sa Vigan tayo." sabi niya.

Tatalon na sana ako dahil sa tuwa pero pinagbawalan ako ni Jax, baka daw maalog si baby.

"Kelan alis natin?" tanong ni Tom-Tom.

Tumingin si Mandy sa orasan, "Pwede namang ngayon na, it's 10 pm na. Para maaga daw makadating doon." sabi niya.

"Sige, sige, magt-text na lang kami for leave." sabi ni Jaelle.

"Okay, pack up na!" sigaw ni Josh.

Inalalayan ako ni Jax papunta sa kwarto namin, oo, naming dalawa. Tabi kami matulog, eh. Napagdesisyunan namin ni Jax na sa next year na lang kami lilipat ng bagong matitirhan, pero mas gusto ko pa din kapag kasal na kami lumipat.

"I'll pack your things, magshower ka na. Not too hot, no too cold, okay?" sabi niya.

Tumango-tango na lang ako at kinuha na yung twalya ko 'saka pumasok sa c.r. Binuksan ko na yung shower at nararamdaman ko na yung maligamgam na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Pinikit ko yung mga mata ko. Jax is a nice guy, with him, unti-unti kong nararanasan ulit na may nagmamahal sa akin, sa amin ni baby. Yung hindi kami pababayaan, yung aalagaan kaming dalawa ng anak ko.

Even though, hindi siya ang ama ng dinadala ko, tinanggap niya pa din ito. Not like Tyler, shit, bakit ko ba siya inaalala? Masaya na ako with Jax, hindi ko na kailangan alalanin yung kumalimot sa akin, iniwan ako sa ere, pinaasa, hays.

"Baby? 'Wag ka magbabad sa shower, labas na d'yan." sabi ni Jax.

Pinatay ko na yung shower at nagtapis na. Lumabas ako ng c.r. at nakita ko ang isang floral dress sa kama at sandals, may jacket din at yung mga bagahe namin.

"Magbihis ka na, ako naman ang maliligo." sabi niya at hinalikan ako sa ulo 'saka pumasok sa c.r.

Napangiti ako bigla, ang sweet. Nagbihis na ako at sinuot yung jacket, lumabas na din siya at nagbihis. Dinala niya na yung mga bagahe sa van, naghihintay na din sila Alliah sa loob. Sinarado na ni Jaelle yung bahay at sumakay na sa van. Si Josh ang magd-drive, katabi niya si Clint. Kami ni Jax sa first row, sila Alliah at Mandy sa second row at sila Tom-Tom at Jaelle sa panghuli.

"Let's go!!" sigaw naming lahat.

Tumingin ako sa labas ng bintana habang naandar, dahil hindi pa sila antok at ako kailangan ko na daw matulog kasi bawal daw sa mga buntis ang magpuyat, nag-ingay sila.

"Saan tayo mags-stay?" tanong ni Mandy.

"May alam akong hotel, sa Tita ko 'yun. Pwede tayong magbook doon, medyo malayo siya sa Vigan ng mga 1 to 2 hours." sabi ni Josh.

The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon