~ 42: Deal

1.5K 73 24
                                    

G/N: Malapit na mag-end T^T.

~*~

Alessa's Pov

"Ang ganda naman dito sa Ilocos Sur." sambit ni Mandy.

Umupo ako ng dahan-dahan sa bed namin ni Jax.

"May masakit ba sa'yo?" tanong ni Jax.

Umiling ako, napatingin kami kay Tom-Tom nung nagring yung phone niya. Tinignan niya yung caller ID at medyo nagulat siya, sino kaya 'yun? Sinagot niya kaagad ito.

"Hello?... kamusta?... I'm with the gang, how about you? Asan ka?... really?! We should meet up with the gang, andito din kami sa Ilocos Sur, eh... Sure, sure, mamaya?... Okay, bye, Tyler." sabi ni Tom-Tom.

Nanlamig yung katawan ko, si T-Tyler? Andito siya sa Ilocos Sur? Tumingin kami kay Tom-Tom.

"Gusto daw tayo makita ni Tyler, especially you, Sesa." sabi ni Tom-Tom.

"I don't want to see him, ayokong makita niya ako na buntis ako dahil dinadala ko ang anak niya, ayokong alagaan niya ako dahil naaawa siya sa akin, sa amin ng anak niya dahil hindi niya nafulfill ang pagiging ama niya. Hindi ako sasama." sabi ko.

Hinawakan ako ni Alliah sa balikat, "Sis, don't you think you need--!" sabi niya.

"What? A chance? Psh, si Wendy na ang mismo nagsabi na masaya na siya sa States with Maica, huwag ko na siyang hintayin." sabi ko.

Natahimik silang lahat, pumunta sa harap ko si Mandy at lumuhod. Hinawakan niya yung t'yan ko.

"Alessa... this baby, kailangan niya ng tatay, not just a father but a biological father. Kahit man sabihin natin na nand'yan si Jax to take Tyler's responsibility, iba pa din yung pagmamahal ng tunay na tatay sa kaniyang anak. Sabihin mo sa kan'ya na may anak kayo, believe me, mahal ka pa 'nun. Grabe naman kung nawala agad, 5 months pa lang ang nakakalipas." sabi ni Mandy.

Napatingin ako kay Mandy, "Mands, I don't need him, me and my baby, we don't need him. I'm completely fine with Jax---!"

Sinampal bigla ako ni Mandy, nagulat kaming lahat sa ginawa niya.

"M--mandy.." sambit ni Clint.

"Alessandria, sa ilang taon nating pagsasama, kilalang-kilala na kita, alam ko na kung paano ka mag-isip at magdesisyon na lang bigla. But, this is way too much. Alam kong mahal mo si Jax, okay, fine, mahal niyo ang isa't-isa. Pero sana 'wag mo tanggalin ang pagiging tatay ni Tyler sa anak mo, sa anak niyo. Maawa ka sa bata." sabi ni Mandy.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, "Sige, Mandy, let's see. Sasama ako pero aalis din ako once na malaman niya na buntis ako but, ayokong tanggapin siya as my baby's father." sabi ko at lumabas ng kwarto.

This is weird, bakit ko pa 'yun gagawin? Aish. Pumunta ako sa may pool side at tumingin sa pool. It's still dawn. Hays, 4 am.

"Bawal sa mga buntis an---!"

Napatingin ako sa likod ko na may magsalita.

"Alessa.." sambit niya.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang ulit sa pool. Tumabi siya sa akin at tinignan ako from head to toe. Nakita ko naman siyang napatigil ang pagtingin sa t'yan ko kaya agad kong tinakpan ito.

"Hmm, you're pregnant." sabi niya.

Napakagat lang ako sa ibabang labi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"I'm the father, am I?" tanong niya.

"Alam mo naman pala, bakit mo pa ako tinatanong?" tanong ko.

"I'm sorry, I didn't know." sabi niya.

Nginisian ko siya, "Bakit ka pala andito? Bakit 'di ka na lang magpakasaya sa States kasama si Maica? Ang saya-saya niyo nga 'di ba? Sabi nga sa akin ni Wendy, 'wag na ako umasa sa'yo, dahil pwede na daw kayo magpakasal ni Mai---!"

"Si Wendy? Are you out of your mind? Bakit ka naman maniniwala sa mga sinasabi ng isang baliw? She's still not okay. She's crazy, she's tearing us apart." sabi niya.

Napatingin ako sa kan'ya at nakakunot ako ng noo.

"Does it mean, m-mahal--!"

"Of course, fucking yes. Bakit ikaw, pinagpalit mo nga ako, eh. Kanino? Kay Jax?" sabi niya at ngumisi.

Tumingin ako sa baba, "I'm sorry, Tyler. Naniwala ako kay Wendy, eh. And besides, mahal ko si Jax, mahal niya ako." sabi ko.

"How about me? Hindi mo ba ako mahal?" tanong niya.

Napabuntong hininga ako, "I guess, we're not meant for each other." sabi ko.

Hinawakan niya yung kamay ko, "I was meant for you, I know I was." sabi niya.

"No, Tyler, I love Jax, mahal ko siya. I'm sorry." sabi ko at tumayo.

"Paano ang anak natin?! Malulungkot siya kung malalaman niyang hindi magkasama ang mga magulang niya sa isang tahanan." sabi niya.

Napatingin ako kay Jax na tumatakbo papalapit sa amin.

"Alessa! I'm looking fo---Tyler?" sabi niya.

Nagkatinginan sila na para bang nagpapatayan na sila sa isip.

"What the hell are you doing here?!" tanong ni Jax.

"You! You bastard! Sabihin mo nga ang totoo, ikaw ba ang nag-utos kay Wendy na sabihin kay Alessa na kalimutan na ako, ha?!" galit na sabi ni Tyler.

Napakunot ako ng noo, "Hey! Cut it out! Ano bang pinagsasabi mo, Tyler?" tanong ko.

"Alessa, let's go.." sambit ni Jax.

"Don't you dare lay your finger on her! Why don't you speak?! Narinig ko kayo ni Wendy na nag-uusap!" sigaw ni Tyler.

Napatingin ako kay Jax, "Is it true? Totoo ba ang sinasabi ni Tyler?" tanong ko.

"Alessa, ginawa---!"

"Totoo ba?!" galit na tanong ko.

"Yes, p-pero ginawa ko 'yun kasi mahal ki---!"

Sinampal ko agad siya, walang alinlangan.

"You ruined a life." sabi ko.

"Alessa, I'm just protecting you!" sabi ni Jax.

Umiling ako, "No, Jax, No. You're not my protector to save my butt!" sabi ko.

"Alessand--!"

"Just stop it, stay away from her." sabi ni Tyler.

Napahawak ako sa t'yan ko at umupo sa upuan. Naii-stress na ako. Hindi ako makapaniwala. This is too much. Bakit ba 'di ako mamuhay sa simpleng buhay? Tahimik kasama ang anak ko at si.. Tyler.

To be continue..

~*~

G/N: Last 3 chapters. Thank you for voting and commenting, nakakatuwa yung comments niyo. Keep it up!

The Jerk and The Popular [A JaDine Fan Fic] #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon