Chapter 6• Good Vibes si Yumilka

3 0 0
                                    

Baekhyun's POV

"Chanyeol~ Yoda~ Park Chanyeol~ Uy~ Tenga~ Uy~" Pag tawag ko kay Yoda.

Napatingin naman sa akin si Chanyeol.

"Bakit, Baek?" Tanong nya tsaka lumapit sa akin.

"May napapansin ka bang kakaiba?" Tnong ko kay Chanyeol.

"Ahm... Oo... Kanina pa." sabi sa akin ni Chanyeol at tumingin kay Yumi na kausap si Sehun.

"Guys! Guys! anong oras na?" Tanong ni Suho.

"Gramps! 6:45 palang! Wag ka! Mamayang 8:30 pa ang sched natin!" Sabi ni Chen na kumakain ng Cheetos.

"Ah. Ok." sabi ni Suho at umupo sa tabi ni Lay.

"Hahahaha! Talaga? Talaga Sehun? Ganun?" Tawa ni Yumilka.

"May kakaiba talaga, Yeol." Sabi ko kay Chanyeol.

"Kaya nga eh." Sabi ni Chanyeol.

"Guys~ Guys~ Parang may nangyayaring masama kay Yumi. Palagi syang nakangiti ngayon. Di talaga ako sanay." Bulong na sabi ni Chen sa amin.

"Kaya nga, Jong Dae eh. Baka nasapian yang si Yumilka?" Tanong ko.

"Oo nga noh! nasapian yata ng kalahating espiritu ni Chanyeol kaya ngiti ng ngiti." sabi ni Chen.

"Uy~ guys~ Sinong sinaniban ng kalahating espiritu ni Chanyeol?" Tanong ni Yumilka na nakangiti.

"Yumi naka hithit kaba? Anong ginamit mo? Damo? Rugby? Pentelpen na amoy cherry? Ano? Sagot!" Pagtatanong ni Chen kay Yumi.

"Eh? Di ako nakahithit. Pakyu." Sabi ni Yumi na nakakunot yung noo.

Binato naman ng remote ni Lay si Yumi sa ulo. Mwahahahah! Bull's eye!

"Aray! Sino yung bumato?!" Sigaw ni Yumi.

"Si Lay Hyung~ Yumilka noona~" Pagsumbong ni Sehun kay Yumi.

"Bibig mo, Yumi." Pangangaral ni Lay.

"Edi shing~" Sabi ni Yumi at balik ngiti uli.

"Sige guys~ Ihahanda ko muna yung mga gagamitin nyo!" Joyful na sabi ni Yumi tsaka umalis.

"First time ko yatang nakita si Yumi na nakangiti ng sobrang tagal." Sabi ni Kyungsoo.

"Kaya nga Kyunggie eh." Pagsasangayon ni Kai.

"Guys~ Tara na't maghanda! Maligo na kayo!" Utos ni Suho Gramps.

"Ok! Gramps!" sabi ko at pumunta na ng kwarto ko para maligo.

~•^^•~

(Still Baekla's POV)

"Chiiyuuuu~ Chiiyuuuu~„" Lay.

"Ano ba yan Lay. Anong ginagawa mo?" Tanong ni Suho.

Kasalukuyang nasa kotse na kami papunta ng SMent.

At kasama namin si Yumi. Sinama ni Chen eh. Nagmamayabang kasi kay Yumi na magaling daw sya sumayaw at sya ang Lead dancer ng EXO.

Eh ayaw maniwala ni Yumi kaya isinama ni Chen si Yumi.

"Hiniheal ko yung phone ko. Nahulog ko eh." Pag eexplaine ni Lay at pinagpatuloy ang 'Pag hiheal' nya daw. Aish.

Baka nagulo na yung eyeliner ko. Kailangan kong macheck!

Yung kotse na sinasakyan namin ay parang mini bus.

Basta ganern.

"Guys~ Malapit na tayo~" Sabi ni Xiumin hyung na nasa shot-gun sit.

Wolves next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon