Chapter 5: Hopeless Cases

633 13 34
                                    

March 28, 2013

“Eto pala yung ibinilin ni Mama na magiging kwarto mo habang namamalagi ka dito.” Pagpapaalam ko sa aking kausap nung maghahapong iyon, sabay bukas sa pintuan ng isa sa mga bakanteng guest rooms doon sa bahay namin.

Madali naman kaming pumasok sa loob pagkatapos, at dagling nagmasid-masid sa silid.

“’Pre, salamat talaga at pumayag kayo nina Tita Rose at Tito Armand na patuluyin ako dito ngayong bakasyon a? Ang laki talaga ng utang na loob ko sa inyo.” Ang muling pagpapasalamat sa akin ng kaklase, kabarkada at kaibigan kong si Aaron Dominguez, sabay hila ng dala-dala niyang mga maleta papasok ng kwarto.

At bago pa kayo magtaka, maguluhan o malito pa diyan sa mga pwesto ninyo habang binabasa ang umpisa ng chapter na ‘to, gusto ko lang iklaro sa inyong lahat na iba ‘tong kasama kong si Aaron Dominguez sa sira-ulong Aaron Brillantes na nanloko kay Nikki. Sadyang magkapareho lang talaga silang dalawa ng first name, at halos magkatunog na rin ang kanilang mga apelyido. Alam ko, ibang klase talaga ang kasalukuyang sitwasyon namin. (=_=)

Tinapik ko naman siya sa kanyang balikat, sabay ngisi sa kanyang gawi.

“Sus. Halata rin namang papayag agad sina Mama at Papa na patuluyin ka dito sa amin e. Lalo na dahil halos nakatira ka na rin dito, at lagi pa kayong nagpapalipas ng gabi nina Drake at Justin simula nung gabing nag-sleep over kayo dito nung January.” Pahayag ko, sabay tawa nang konti.

Napangisi na rin si Aaron, tila natatawa ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Dito kasi sa bahay namin panandaliang manunuluyan ang kumag na ‘to ngayong summer vacation. Pupunta kasi sa New York ang mga magulang niya, kasama na rin ang nakababata niyang kapatid na si Alyssa, at dun muna sila mamamalagi ngayong bakasyon.

Family trip yun kung tutuusin, pero itong sira-ulong si Aaron naman ay mas pinili pang manatili na lamang dito sa Pilipinas kesa sumama sa kanila. Nagsasawa na daw kasi siya sa paulit-ulit na pagpunta nila sa New York, sapagkat taun-taon rin naman sila nagbabakasyon doon ng pamilya niya tuwing summer para bisitahin ang mga kamag-anak nilang naninirahan doon.

Nakita kong dinala ng kasamahan ko ang mga maleta niya patungo sa direksyon ng magiging kama niya, at pinatong sa ibabaw nito ang mga gamit niya. Pagkatapos nun ay humarap siya sa akin, nakangisi muli.

“’Pre, may basketball court na malapit-lapit dito sa inyo diba? Maglaro tayo doon!” Ang agarang pag-imbita niya.

Madali naman akong tumango bilang pagsang-ayon.

“Sige ba.” Saad ko, sabay tungo palabas ng silid at papunta sa sarili kong kwarto para kunin ang basketball ko.

Katulad ko, varsity player rin ng basketball team ng school namin si Aaron, at siya ang nagsisilbing point guard namin. Isa siya sa mga pinaka-aktibo at pinakamagaling na miyembro sa grupo namin, kung kaya’t lagi talaga siyang napapabilang sa starting line-up namin sa tuwing mayroon kaming sinasalihang tournament. Tsaka kung tutuusin rin naman kasi, ang sobrang adik ng kumag na yun sa basketball, at halos araw-araw ay nagbibigay talaga siya ng oras para mag-training kahit na wala naman kaming sasalihan na tournament at kahit na ang sobrang higpit na ng mga schedule namin dahil sa napakaraming mga activities sa school.

Nang makuha ko na ang basketball ko ay madali na kaming umalis ni Aaron at naglakad papunta sa covered court na malapit lang sa street namin.

Bukas kasi sa lahat ang covered court na yun, at kadalasan ay doon kami naglalaro ng basketball ng mga kabarkada ko sa tuwing tumatambay kami doon pagkatapos ng aming mga klase, lalong-lalo na nung nasa elementary level pa kami. Malapit rin kasi sa lugar na yun ang dati naming paaralan ni Nikki, at halos labinlimang minuto lang ang kadalasang inaabot kapag maglalakad ka man mula sa covered court papunta doon.

My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon