Preface

6.7K 48 30
                                    

Sabi nila,

Kapag mag-best friend daw ang isang babae at ang isang lalaki,

Kadalasan,

May isa sa kanilang hanggang matalik na magkaibigan lang talaga ang pananaw sa kanilang relasyon,

Samantalang ang isa naman ay mas higit pa doon ang mga tunay na nararamdaman.

O, sino na ang mga natatamaan sa inyo?

Takte.

Ang sakit-sakit ng pakiramdam na ma-friendzoned ng taong pinakamamahal mo no?

Ang sakit-sakit ng pakiramdam na mapag-alamang parang malapit na kapatid lang talaga ang tingin niya sa’yo.

At ang sakit-sakit ng pakiramdam na kailangan mo talagang tanggapin ang napakapait na katotohanang hindi-hindi niya magagawang suklian ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa kanya.

Pero ang pinakamasaklap talaga,

Ay ang realidad na kahit hanggang para sa simpleng kaibigan lamang ang pagmamahal niya para sa’yo,

Hinding-hindi mo pa rin talaga magagawang pigilan ang mga nararamdaman mo.

At hinding-hindi mo pa rin talaga magagawang pigilan ang pagtibok ng puso mo.

Kung kaya’t hanggang sa huli,

Patuloy ka pa ring magpapaka-martir alang-alang lamang sa kanya.

Patuloy ka pa ring masasaktan alang-alang lamang sa ikaliligaya niya.

At patuloy ka pa ring magpapakatanga dahil nga mahal mo siya.

She will always be first place in your heart,

While you’ll always be only second or third rank in hers.

She will always be the center of your universe,

While her whole world will always revolve around someone else.

And you will always love, appreciate and cherish her more than anyone else in this world,

While she will always give all of her love, affection and attention to someone else.

Ang saklap-saklap talaga ng pakiramdam na malagay sa ganung klase ng sitwasyon no?

Kaya’t kaunting paalala sa inyong lahat:

Kung ayaw ninyong maranasan ang sakit at dalamhati na dulot ng pagka-friendzoned katulad ko,

Wag na wag kayong ma-i-in love sa mga best friend ninyo.

My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon