April 27, 2013
Nikki’s POV
“Anong oras nga ulit yung scheduled time ng ‘Iron Man 3’ na papanoorin natin?” Ang biglaang tanong sa akin ni AD habang patuloy lang kami sa paglalakad sa lower ground floor ng Megamall nung hapong iyon.
Dagling napunta sa kanyang gawi ang titig ko, at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay at sininghalan.
“Ba’t ako ang tinatanong mo kung ikaw rin naman ‘tong bumili ng mga tickets at nagpa-reserve ng mga upuang pupwestuhan natin dun sa cinema mamaya?” Sumbat ko sa kanya, sabay eyeroll at singhal muli.
Napangisi naman siya nang kanyang marinig ang aking sagot, at agad niyang ginulo ang aking buhok nang paasar gamit ang kanyang kamay na hindi nakahawak sa kamay ko.
“Sus, ang high blood talaga palagi ng ND ko. Sige ka. Kung ipagpapatuloy mo yan, mas lalo lang mapapaaga yang pagtanda mo.” Pangungutya pa niya, sabay tawa nang konti.
Isang eyeroll ang aking muling ginawa bilang pagsagot sa kanyang pahayag, at pagkaraan ay nagpatuloy na lamang kami sa aming mga yabag at nag-ikot-ikot sa mall.
Six days have already passed since the day that AD and I became officially boyfriend and girlfriend. And ever since then, not once has he ever left my side. And I mean that literally. Kasi kung saglit na pagbisita at pangungulit lamang ang kanyang ginagawa noong mga panahong nililigawan pa lamang niya ako, tunay na ibang usapan na talaga nang maging kami.
He’s always there to accompany me everywhere that I go. Kahit tuwing may mga practices kami ng mga trainees dun sa plaza, he’s either sitting on one of the benches there and watching us, or practicing layups on one of the open courts nearby. Nasanay na nga sa presensya niya ang mga kasamahan ko, at mas lalo lang nilang nagustuhan ang gung-gong nang bigla nitong naisipang ilibre ang lahat ng meryenda nung isang araw. Lagi na tuloy akong nakukutya at naaasar ng mga baliw na mga batang iyon nang wala sa oras. (~_~)
At dahil sa wala naman kaming scheduled practices para sa araw na ito dulot ng aking desisyon na gawing rest days para sa lahat ang mga araw ng Sabado at Linggo, agad-agad naman akong niyaya nitong gung-gong kong boyfriend na gumala dito sa Megamall at manood ng “Iron Man 3”, na siyang nagsimulang i-release dito sa mga sinehan sa Pilipinas kahapon lamang.
Sa totoo nga, hindi ko talaga alam kung paano ako nakumbinsi ni AD na pumayag sa pagpunta namin dito, lalo na at ang dami ko pa ring kadramahang ina-associate sa mall na ‘to. Pero kung tutuusin rin naman kasi, wala talagang patutunguhan ang pagiging bitter ko sa lugar na ‘to. Tutal, imposible na rin namang magkita pa kaming dalawa o magkrus pa ang aming mga landas kung sakaling pumunta nga talaga ako dito diba? He’s already in Australia after all, and there’s no point in dwelling in such possibilities that are absolutely unlikely to happen.
At sa mga nagtataka sa kung bakit AD na ang kasalukuyang tinatawag ko dito sa kasamahan ko, sabihin na lang nating dahil iyon sa hindi ko talaga siya magawang tawagin o kausapin gamit ang mismong first name niya. Bitter na kung bitter, but I really just can’t force myself to address him by that name, kasi para sa akin, nag-iisa lang talaga ang Aaron na tunay na tumatak sa buhay ko.
At hindi Dominguez ang apelyido ng Aaron na yun.
Tsaka ayaw rin naman kasi ng gung-gong na ‘to na tinatawag ko siya sa second name niya na “Wesley”, at masyado rin namang bastos pakinggan kung “Dominguez” ang itatawag ko sa kanya, lalo na sa kasalukuyang estado ng relasyon namin sa isa’t isa. So in the end, I finally decided on calling him AD instead, using the initials of his first name and surname. At least, it almost sounds like an applicable nickname, at matino rin naman iyong pakinggan kung tutuusin. Maliban nga lang sa ibang mga tao na masyadong mapilosopo at agad-agad na nag-a-assume na “After Death” ang meaning nung pangalang iyon. Hay naku. (~_~)
And regarding the part wherein he’s calling me “ND” in return, labas na ako sa kakornihang pinapauso niya. Yung reasoning niya kasi, yun na lang daw yung magiging endearment namin sa isa’t isa, since I’m his “ND” and he’s my “AD”. Tsaka sakto lang daw yung nickname na yun sa initials ng first at second name ko which is “Nicole Danielle”. Shemay. Ang cheesy talaga ng gung-gong na ‘to no? ( _ _ ” )
Pagkaraan ay naisipan na naming tumungo sa third floor ng mall at dumiretso sa cinema, para makabili na rin kami ng aming kakainin mamaya pagkapasok namin sa loob. Magsisimula na kasi ang third showing ng “Iron Man 3” in less than thirty minutes, kaya kailangan na talaga naming pumunta doon lalong-lalo na dahil siguradong magiging napakahaba ang pila ng mga manonood sa may entrance ng cinema.
Napadaan kami sa tapat ng Timezone habang naglalakad patungo sa direksyon ng mga escalators, at aaminin kong out of sheer habit ay napunta ang aking titig sa direksyon ng arcade na iyon. At nang makita ko ang kanyang napakapamilyar na itsura na naglalaro dun sa may pwesto ng larong “Guitar Hero” ay agad-agad kong itinanggal ang pagkakahawak ni AD sa kamay ko at tumakbo papunta sa loob.
“Teka, Nikki!” Ang agarang tawag sa akin ng kasamahan ko, pero hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa aking mga yabag.
He’s here. He’s actually still here. And just within my damn reach.
“Aaron?” Ang agad na salubong ko sa kanya nang makalapit na ako sa kinatatayuan niya, at alinlangan kong tinapik siya sa kanyang balikat pagkatapos.
Ngunit isang dismayadong ekspresyon ang dagling namuo sa aking mukha nang lumingon siya sa aking gawi, at dun ko naman tuluyang napagtanto na namamalik-mata lang pala ako at sadyang nagkamali ng hinala.
“Ako ba yung tinatawag mo, Miss?” Tanong ng lalaking estranghero sa akin, sabay bigay ng isang mapanlimbang na ngisi.
Agad-agad naman akong napayuko at pwersahang umiling.
“Sorry, I just was mistaken. Excuse me.” Ang nagmamadaling pagpapaalam ko, at buti naman ay nakaalis na agad ako bago niya ako mapigilan o matawag pa pabalik.
Nanatili na lamang akong nakayuko habang naglalakad papalabas ng arcade, at napatigil na lamang sa aking mga yabag nang salubungin ako ni AD sa exit. Dagli naman akong napakurap nang ilang beses, gulat na gulat sa kanyang biglaang paglitaw sa aking harapan, ngunit mamaya-maya ay agad rin itong napalitan ng pagsisisi.
Oo nga pala. During that spur of the moment when I assumed that Aaron was actually here, walang-alinlangan at hindi man lang ako nagdalawang-isip na iwanan si AD para puntahan siya.
Si AD na siyang boyfriend ko na ngayon.
“I’m sorr─” Simula na sana ng paghingi ko ng patawad sa kanya, pero agad-agad namang naputol ang aking magiging pahayag nang hawakan niya muli ang aking kamay at bigyan ako ng isang halatang napakapilit na ngiti.
“Dali na. Baka hindi na tayo makabili ng pagkain mamaya kung hindi pa tayo pumunta sa cinema ngayon.” Tugon niya, sabay gabay sa akin patungo muli sa direksyon ng mga escalators.
Napatango na lamang ako at napayuko muli pagkatapos, mas lalo lang bumibigat ang kalooban nang dahil sa naging pakikitungo niya sa akin. Mas gugustuhin ko pa nga sana kung nagalit siya o kahit naging masungit man lang sa akin. At least if he did that, I wouldn’t end up feeling the overflowing guilt that’s currently building up deep inside my chest.
At nang sumakay na kami sa escalators na pumapatungo sa upper ground floor ng mall ay bigla na lang binitawan ni AD ang aking kamay at itinuon na lamang sa aking bandang likuran ang kanyang pagkakahawak.
He’s giving me enough space, but is still keeping his hold on me in the slightest and most respectful way that he could manage.
And I can’t help but feel all the more guilty because of his gesture.
[Official Love Teams for My Best Friend and I (Na gawa-gawa at pauso lang namin ng mga baliw kong mga kaklase. XD): Team AnthoNik / Anthony and Nikki, Team AaroNik (Parang IRONIC lang? XD) / Aaron Brillantes and Nikki, and Team A - N - D / AD and ND / Aaron Dominguez and Nicole Danielle. Which love team/s is/are you guys supporting? XD]
![](https://img.wattpad.com/cover/7568982-288-k517573.jpg)
BINABASA MO ANG
My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]
Dla nastolatków[From Friendship to Love Series Book I] Temporarily discontinued. Storyline to be changed completely. New content to be posted at an indefinite date. HUWAG NA MUNANG BASAHIN. MABIBITIN LANG KAYO. IIBAHIN KO ANG BUONG PLOT NITO. UTANG NA LOOB. HUWAG...