Walang tigil akong tumakbo papunta sa plaza nung magtatanghaling iyon, nag-uumapaw ang galit at kanulo na aking nararamdaman nung mga oras na iyon.
Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Aaron ay agad-agad akong nagpaalam sa kanya at sinabing may kailangan pa akong puntahan. Buti naman at hindi niya masyadong napansin ang unti-unti kong nararamdamang galit, at hindi na siya nagtanong o nagtaka pa sa biglaan kong pagdesisyon na umalis.
At sa totoo lang talaga, kahit na mapansin pa man ni Aaron ang kasalukuyang disposisyon ko, hindi ko na muna yun masyadong pinagtuunan ng pansin. Hindi ko na muna masyadong pinagtuunan ng pansin ang napakalaking posibilidad na baka matuklasan ng kabarkada ko ang naging nakaraan namin ni Nikki. At hindi ko na muna masyadong pinagtuunan ng pansin na maaari niya ring mapag-alaman na may nararamdaman pa rin ako hanggang ngayon para sa best friend ko, na hindi ko talaga inaasahang magiging kasalukuyang girlfriend niya, base sa aking mga ikinikilos at sa naging reaksyon ko sa balita niya.
Dahil sa ngayon, ang tanging pinagtutuunan ko ng pansin ay ang aking nararamdamang sama ng loob dulot ng aking napag-alamang balita kanina.
Nang makarating na ako sa aking destinasyon ay agad-agad ko namang nakita si Nikki na nakapwesto sa pinakaharap ng isa sa mga open court doon sa plaza, hawak-hawak ang kanyang baton at nag-pa-practice ng mga routines na kanyang ituturo sa mga trainees niya.
Walang alinlangan naman akong tumakbo papalapit sa kanya, walang masyadong pakialam kahit na maaabala ko pa ang pag-eensayo niya. At pagkaraan ay dagli kong hinablot ang kanyang kamay at iniharap siya akin. Nabitawan naman niya ang kanyang hawak-hawak na baton dahil sa biglaan kong paghila sa kanya, pero hindi ko pa rin yun masyadong pinansin.
"Totoo ba?" Ang pasigaw na tanong ko sa kanya, nakatitig nang diretso sa kanyang mga mata.
Napakurap naman ang best friend ko nang ilang beses, halatang gulat na gulat sa biglaan kong pagdating.
"Anthony? Teka, ano namang ginagawa mo dito? At bitawan mo nga ako!" Pagpoprotesta niya, pilit na itinatanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Mas lalo ko namang hinigpitan ang aking kapit, at kahit nang mapaudlot na siya ay hindi ko pa rin binitawan ang kanyang kamay.
"P*tang ina lang talaga, Nikki! Totoo bang kayo na ni Aaron?" Ang muli kong pagtatanong sa kanya, nag-uumapaw na talaga nang tuluyan ang aking nararamdamang galit nung mga sandaling iyon.
Nanlaki saglit ang kanyang mga mata nang marinig niya ang mga sinabi ko, ngunit pagkaraan ay huminga na rin siya nang malalim at tiningnan ako nang diretso.
"Ano naman kung kami na? Ano naman kung sinagot ko na siya? At ano naman kung pumayag na akong maging girlfriend niya? Tutal, wala namang masama sa mga ginawa ko diba? Sarili ko rin naman yung desisyon, at walang namilit sa akin." Ang mariin niyang tugon, sinasamaan na ako ng tingin. "At kung tutuusin, bakit ka ba nagagalit, Anthony? After all, this is none of your damn business in the first place!"
Mas lalo lang ring sumama ang iginanti kong tingin sa kanya nang aking narinig ang kanyang mga sinabi.
"Oo, alam kong wala nga akong karapatang magalit. Pero masisisi mo ba ako kung magiging ganito ang naging reaksyon ko nang malaman ko ang balitang kayo na pala ng kabarkada ko? Bwisit lang talaga!" Pagsisigaw ko.
Pilit naman akong huminga nang malalim pagkalipas nang ilang sandali, pwersahang pinapakalma ang aking sarili ngunit hindi pa rin talaga tuluyang nagtatagumpay. At nang makayanan ko nang magsalita nang hindi pasigaw at nang nabawasan na kahit papano ang nararamdaman kong galit ay muli ko siyang tiningnan nang diretso, tinititigan na naman nang maigi ang mga mata niya.
"Nikki, alam kong alam mo na may nararamdaman pa rin ako para sa'yo. Pero para balewalain mo ako nang ganun-ganun lang, sadyang wala na ba talaga akong halaga sa'yo? At maghahanap ka na nga lang ng pwedeng gawing rebound, bakit ba kasi si Aaron pa ang pinili mo? Bakit ba kasi siya pa? Bakit ba kasi ang malapit kong kaibigan at kabarkada pa?"
Nang maglaon ay bigla na lang nanghina ang kalooban ko, at niyakap ko siya nang sobrang higpit, hinihiling na sana maintindihan niya naman ang pilit kong ipinahihiwatig sa kanya.
"Nikki, nandito naman ako a. Hindi rin naman ako mag-aalinlangang pumayag na maging panakip-butas mo. Bakit hindi na lang kasi ako? Bakit hindi na lang kasi ako ang pinili mo? Bakit hindi na lang kasi ako ulit?"
Pilit namang itinanggal ng best friend ko ang pagkakayakap ko sa kanya, at nang makawala na siya sa akin ay lumayo siya ng ilang talampakan at pwersahang umiling sa aking gawi.
"Anthony, tinatanong pa ba talaga yan? Hanggang ngayon ay sadyang hindi pa rin ba malinaw sa'yo ang lahat-lahat?" Saad niya, ngunit bago pa man siya makapagsalita muli ay bigla na lang pumiyok ang kanyang boses, at dagli niyang inilayo ang kanyang tingin sa akin pagkatapos, halatang pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na humikbi.
Oo nga pala, nakalimutan ko na kapag sobra-sobra na ang nararamdamang pagkainis ng best friend ko ay bigla-bigla na lang siyang napapahikbi at napapaiyak. Kaya nga nung mga bata kami ay sinisigurado kong hangga't maaari ay hinding-hindi ko siya iinisin. Lalo na dahil ayokong nakikitang umiiyak siya.
Ngunit kahit ganun pa man, ako pa rin 'tong dahilan kung bakit nasa kasukdulan na ang kanyang pagtitimpi ngayong mga oras na ito.
Napakurap muli nang ilang beses si Nikki bago magpatuloy sa pagsasalita, pilit pa ring pinipigilan ang mga luhang kanina pang namumuo sa kanyang mga mata.
"I just can't trust you anymore, alright? After what you've done to me in the past, do you seriously believe that I will still be able to do that? And I just can't bring myself to forgive you completely for what you did." At bago pa niya mabigkas ang kanyang huling mga kataga ay nagsitulo na nang tuluyan ang mga luha sa mga mata niya, at tumingin na rin siya nang diretso sa aking direksyon, puno ng galit at pighati ang ekspresyon sa kanyang mukha habang tinitigan niya ako nang sobrang sama.
"Kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga matanggap-tanggap ang napakapait na katotohanang ang best friend ko na pinagkatiwalaan ko nang lubus-lubusan at minahal ko nang sobra-sobra ay nagawa akong lokohin, pagsinungalingan, paasahin, saktan at balewalain nang ganun-ganun lang!"
![](https://img.wattpad.com/cover/7568982-288-k517573.jpg)
BINABASA MO ANG
My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]
Teen Fiction[From Friendship to Love Series Book I] Temporarily discontinued. Storyline to be changed completely. New content to be posted at an indefinite date. HUWAG NA MUNANG BASAHIN. MABIBITIN LANG KAYO. IIBAHIN KO ANG BUONG PLOT NITO. UTANG NA LOOB. HUWAG...