Chapter 2: Yearning for the Past

815 22 32
                                    

She fell asleep in my arms, crying her heart out until she finally got tired.

Isang buntong-hininga na naman ang kumawala mula sa aking bibig nang inalalayan ko si Nikki pahiga sa kama niya. Pagkalipas ng ilang oras ay nakatulog na rin siya sa wakas. Buti naman kung ganun. She needs all the rest that she could require, lalo na pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanya ngayong gabing ito.

Pagkatapos nun ay niligpit ko na rin ang mga nakakalat na gamit sa kwarto niya at ibinalik ang mga ito sa mga nararapat na pwesto; ipinatong ko yung tablet at cellphone niya sa bedside table niya, at pagkatapos kong i-shut down ang laptop niya ay ibinalik ko na iyon sa ibabaw ng desk niya.

Habang nag-aayos ay dun ko napansin ang ilan sa mga litrato namin nung mga bata pa kami na nakapatong din doon sa ibabaw ng desk niya, at agad akong nakaramdam ng matinding panghihinayang pagkaraan.

Kung pwede lang sana, kung pwede lang sanang ibalik ang nakaraan at ibalik na lang ang dati naming pagsasamahan, baka hanggang ngayon masaya pa rin kaming dalawa. Baka hanggang ngayon kami pa rin ang magkasama. At baka hanggang ngayon nasa piling ko pa rin siya. Kung hindi lang sana ako naging makasarili noon. Kung hindi lang sana ako nagloko. At kung hindi lang sana ako nagpakatanga. Takte. Ang gago ko kasi talaga e.

Mamaya-maya ay binuksan ko na rin ang air conditioner sa kwarto niya, at bago umalis ay kinumutan ko si Nikki hanggang sa bandang bewang niya. Hindi na kasi sanay na matulog nang hindi naka-aircon ‘tong best friend ko, at ayoko namang magising pa siya sa kalagitnaan ng tulog niya dahil lang sa naiinitan siya. She’s already had enough problems tonight, and she doesn’t need any more as of now.

Nilapatan ko siya ng halik sa kanyang noo at pinagmasdan ko siya nang ilan pang sandali pagkatapos. Medyo haggard ang paghinga niya, at kitang-kita talaga na namamaga ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Hay. Bibisitahin ko na lang ulit siya bukas pagkatapos ng mga klase ko para tingnan kung kamusta na siya.

At pagkatapos nun ay pinatay ko na ang ilaw sa looban niya, lumabas mula doon, at sinigurado munang nakasara na nang tuluyan ang bintana ng kwarto niya bago ako bumalik sa sarili kong silid.

Madali naman akong napatingin sa aking alarm clock na nakapatong lang sa bedside table ko, at doon ko lang napagtanto na malapit na palang mag-alas tres ng madaling araw. P*ta. Ngayon ko lang naalala na hindi pa rin pala ako tapos sa project ko para sa Geometry, at wala pa sa kalahati ang nagagawa ko. At ang normal na gising ko pa naman kapag may pasok ako ay ala singko ng umaga. Hindi na ako makakatulog kung ganun. (=_=)

Hindi tulad nina Nikki, may pasok pa ako bukas, kasi sa susunod na linggo pa ang umpisa ng summer vacation namin. Takte. Buti pa talaga sa school ng best friend ko, ngayon na nga ang last day of classes, sinabay na rin pati ang recognition program para sa mga outstanding undergraduate awardees.

Dagli naman akong napatingin muli sa gawi ng kwarto ng best friend ko, at sa pang-ilang beses ay nagbuntong-hininga na naman ako.

Okay lang yan, Anthony. Konting sakripisyo lang.

Tutal, para rin naman yun sa kanya e.

My Best Friend and I [ TEMPORARILY DISCONTINUED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon