Chapter 4.

7 0 0
                                    

JANICE'S POV

Thursday is fun day! Hahaha. Gala day because maaga uwian. Hindi dapat masyado pinag-iisip iyong mga taong hindi ka naman iniisip.

Me to myself: Oo, hindi connected mga pinagsasabi ko ngayon, alam ko 'yon at hindi mo na kailangan mang-bash pa.

"Precious! Si Vynze!" sigaw ni Alice. Dahilan para mag-unahan kaming pumunta sa kinaroroonan ni Alice. Pinaka-huling tumayo si Precious sa kinauupuan niya dahil kunyari hindi siya excited, pabebe symptoms.

Pero noong nakita naming may ka-holding hands na babae si Vynze ay sabay-sabay kaming lumingon sakaniya at sumigaw ng, "DON'T!!" with matching "stop hand sign."Dahil nga papunta palang siya dahil pabebe siya at kilos pagong eh medyo malayo pa siya sa amin. At dahil hindi rin niya alam 'yung pagkakaiba ng "don't" at "go" ay nagpatuloy pa din siya sa pagalakad with her face full of question marks.

Unang lumapit si Bea sakaniya para nga mapigil pa namin siya. "Alam mo kasi Precious, lagi naman kaming nandito for you," sabi ni Bea habang gina-guide si Precious pabalik sa upuan niya.

"Kahit ang landi-landi mo, naiintindihan naman namin iyon at hindi namin kinakahiya," sabi ni Alice habang sumu-sunod sa direksyon nila Bea at Precious.

"Teka nga!" bigla niyang sigaw at napahinto si Bea at Alice, napatingin din naman kami bigla sakaniya. "Sabi niyo nandoon si--," dugtong niya pero "wala," sabay-sabay naming sabi ng mga natira sa pwesto ni Alice kanina kasabay ng pagbaba ng salamin ng bintana.

*kringggg*

Recess kanina kung sakaling nagatataka kayo at ang iingay namin at wala kaming pakialam sa mga tao. Well for the second thought, wala nga kaming pakialam sa mga tao.

So ayan nga nagdadatingan na ang mga palaka, chos. Maingay kasi! Gahd! Ang init init na nga nagdadagdag pa sila ng other factors para maging bongga ang suffocation nitong classroom!

"Lintek Wesley!" biglang sigaw ko ng dumaan siya sa pwesto ko at nabasa lahat ng nasa ibabaw ng arm chair ko.

"Peace!" sabi niya sabay nag-peace sign ang gago.


JEROME'S POV

"Ano? Gusto mo bang si Wesley pa unang magsabi?" tanong sa akin ni Van. Habang sabay naming pinapanuod iyong dalawa.

Plano kong gawin na ngayon iyong ina-advice ni Van humahanap lang talaga ako ng tiyempo. Kaya naman tinignan ko lang siya ng salubong ang kilay at ang isa ay nakataas. Napangiti na lamang siya nang biglang dumating na si Ma'am.

Maaga ang dismisal tuwing thursday kaya naman pagsapit ng 3 oclock nitong hapon ay binilisan ko pumunta sa canteen para makabili ng mga kakailanganin ko para sa surpresa ko kay Janice. Hindi naman agad umaalis si Janice, sila ng mga kaibigan niya, after ng dismissal so kailangan ko lang talaga ng mabilisang kilos. Ako lang din naman mag-isa ang kikilos dahil baka sumabit pa 'tong planong ito kapag isinali ko pa iyong sila Richard.

Pagkapasok ko sa canteen, mga nakakailang hakbang palang ako ay biglang may nagtakip sa mga mata ko.

"Busy ka na yata this past few days. Na-miss kita," malambing na bulong sa akin ni Saranelle.

Ang bango-bango niya, hiyang-hiya ako sa pawis na amoy ko, pawis ha, hindi panis at patu na rin sa literal na pawis ko. Umalis ako agad sa pagkakahawak niya sa mukha ko. Saka ako nagkusot ng mata dahil medyo nanlabo ang paningin ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Ganoon niya ba ako ka-miss? Nakakabulag ah.

"Ay sorry, masakit ba?" tanong niya sa akin habang nilalapit ang mukha niya upang makita kung ano na ang nangyayari sa mata ko.

"De, acting ko lang 'yun para makita ka ng malapit. Effective pala," sagot ko ng nakangisi habang lalo pang inilalapit ang mukha ko sakaniya hanggang magtama ang aming mga ilong. Ngumiti din naman siya kaya mas lalo akong napangiti.

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon