Chapter 13

32 3 0
                                    

JANICE'S POV

Monday.

"Ano na nga assignment daw?" tanong ng kung sinuman.

"Ateng wala daw tayong teacher sa 2nd subject. Tara sa AVR mamaya ha? Palamig," yaya naman ng kung sino din.

"Sa Saturday na 'yung party ha? Umabsent, pangit!" sabi naman nu'ng isa.

"Yaaa! Don't talk to her, ninakaw tenga nyan, tangay pati isip," sagot ng.. ni Pusa pala.

Saan ba natuto mag-"Yaaaa!" d'yan? Akala mo nagkakarate. Nilingon ko sila..

..sabay walk-out lahat.

Kaibigan ko ba kayo o friends? Badtrip naman talaga oh! Ano ba kasi iniisip ko?

"Asan daw si Jerunggo?" tanong nu'ng isa sa mga pumasok.

"Nasa bahay na naman. Ayaw pa rin daw pumasok," sagot nu'ng isa.

Ah, barkada niya pala.

*bell rings*

"Wesley, pakiabot nga 'tong ID ni Cath sakaniya," sabi ko kay Wesley na nasa harapan ko. Siya kasi pinaka-close kong guy classmate.

"Tayo tayo din. Baka ugatin ka d'yan," sagot naman -___- Ang bait talaga ng batang ito.

"Eto oh," inabot ko na kahit ayaw niya. Para-paraan din.

"Lang ya kasi eh! Ang lapit lapit! Akala mo nasa kabilang room si Cathleen e!" angal niya habang binibigay.

"Thankyou!" sabi ko ng may malapad na ngiti. Hahaha. Siyempre anghel ako kapag nakikisuyo no.

"Yang ilong mo! 'Wag masyado nangiti!" sabay pisil sa ilong ko. Gagong to.

"Good morning," mababang boses at cold na sabi naman nu'ng late na dumating. Parang medyo nasa-sight ko kasi na may tao sa pinto eh. Malabo lang.

Teka, bakit bigla tumahimik?

Napalingon naman kami ni Wesley sa pintuan, at nakita namin si...

Jerome..

Na nakatingin sa'min.

Akala ko ba hindi siya papasok?


JEROME'S POV

<Flashback>

"Janice! Janice! Teka lang!" hingal na habol ko sakaniya. Pero hindi pa rin siya humihinto.

"Janice!!"

"Janice! Nasa... park... ka ba nu'ng last... Sunday? Nakita mo ba... kami... ni Saranelle na nag-uusap?" tanong kong medyo hingal na dahilan naman ng paghinto niya sa pagpasok sa library.

Nilingon niya ako, ngunit blangko ang mukha niya.

"Janice, Janice kung anoman.. kung anoman 'yung nakita mo, hindi.. hindi ko alam na gagawin ni Saranelle 'yung mga 'yun, nabigla lang din ako," sabi ko ng medyo hingal pa rin at kabado. Nakikinig lang siya.

"Janice gusto ko lang malaman mo na nag-usap kami nu'n para ihinto na ang panliligaw ko sakaniya," pagpapatuloy ko.

"Nung niyakap niya 'ko-"

Hindi ko na naituloy dahil pumasok na siya. Susundan ko sana siya sa loob pero agad din siyang lumabas.

"Excuse me," sabi niya sa'kin, pero nakayuko siya. Hindi ako gumalaw.

Tinignan niya 'ko, pero wala siyang sinasabi. Nagsalita ako.

"Janice maniwala ka naman, kung anoman nakita mo nu'n, walang ibig sabihin 'yun sa'kin. Kung nasaktan ka man, sorry, hindi ko ginusto 'yun. Janice-"

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon