Chapter 8.1

63 4 9
                                    

Author's Note: Aww! 'Em so thaaaaankful! Sa wakas! May na-snatch na attention na din ang story na 'to! (✿◠‿◠)

Hyper saya po talaga ng matagpuan ko si ^ellimaj09^. Kaya po I'll dedicate this chap. for her bilang pasasalamat. Bukod sa pagpansin, sa pag-appreciate din. ^____^

Osiya, tume-teleserye na ang eksena ko. XD

-

CHAPTER 7

CATHLEEN'S POV

Tuesday.

Recess. I'm together with the barkada. As usual, sakop na naman namin ang isang row sa canteen. Siyempre, sampu eh. Pero kung ingay ang tatantsyahin? 20 siguro, kulang pa. Pa'no? Samu't-saring topic. Hindi lang sunod-sunod kun'di sabay-sabay.

Kaya nga madalas hindi kami masyadong nagkakaintindihan. Pero tignan niyo naman.. buong-buo pa rin ang aming samahan. Ang tatag ng leader eh. Hindi naman sa leader na nangunguna, siya kasi ang bumuo sa barkada.

Buo na pero pinatibay niya. Kapag may hindi nagkakaunawaan, gumagawa siya agad ng paraan para maayos ulit at hindi humantong sa kung saan-saan.

Ganiyan niya kamahal ang barkada. Problema ng isa, problema na din niya. Hindi niya kasi kayang makita na may isang hindi masaya.

Speaking of leader? Nananahimik yata siya ngayon? May sakit ba 'to? O may hang-over pa sa kahapon? Ah. Alam ko na para magka-isa ang usapin ng barkada. Magandang panghatak atensyon 'to. Mwahahahaha!

"Janice? Bakit ka nga pala na-late kahapon?" biglang ingay ko dito sa kinauupuan ko.

"Oo nga pala Janice?" sabay-sabay na tanong naman nila Grace, Mica at Precious.

"Chakang 'to, hindi man lang nagbabalita!" sagot naman mula kay Alice.

"Hoy. Libre lang magsalita," sabi naman ni Jewel.

"Hindi nakakamatay ang pagbukas ng bibig at paggalaw ng dila," si Rhea naman ang nagsalita.

"Pakisabi lang Janice kung kailan kami makikinig," eka naman ni Bea.

"Okay, nasabi niyo na lahat, ano pang silbi ko dito?" mula naman sa boses ni Chelle.

Sabi na eh. Benta 'to eh. XD Peace nalang Janiiiice! Dito lang kami magkaka-isa eh. ^____^

"Ah ano kase.." mahinang sagot niya na parang ewan hindi ko ma-gets reaction ng mukha niya.

"Wa.. wala.. Su.. sumaka--," mahinang dugtong niya pa na mas lalong nagpa-blanko ng reaction ng mukha niya.

Bakit parang namumutla si Janice? Anong nangyari dito? Kahapon pagpasok niya ganito 'yung itsura niya. Tatanungin ko na sana siya ng maayos ng biglang..

"ANO NGAAA?!" sigaw na naman ng buong barkada.

Hindi marunong makiramdam 'tong mga 'to paliguan ko kayo ng 7Up eh.

Pero hindi na talaga ako komportable sa kilos ni Janice kaya dapat magtatanong na ulit ako kaso may biglang pasok na naman ng eksena. =.=''

JEROME'S POV

Papunta palang kaming Canteen. Tae kasi sila Richard. Makapag-ayos ng buhok akala mo magmo-model. Amp. >___< Palibhasa kasi walang siyang halo ng lahi ko eh. Hindi man mag-ayos, angat pa rin ang itsura. ^____^v

Okay. Papasok na kami ng Canteen pero imbes na amoy ng pagkain sumalubong sa'min, boses na naman ng barkada ni Janice.

Pero bakit hindi yata lumilitaw ang boses ni Janice? Samantalang kapag ganiyang boses nila ang dinig, sakaniya pinaka-malakas. Hmmn? Maka-eksena nga muna du'n. May itatanong din kasi ako sakaniya. ^____^

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon