Chapter 1.

150 7 24
                                    

Author's Note: Oh here, this is the first chapter of the BORING-EST story in Watty. So to you who dropped by, I'm so thankful. Enjoy!

-


JANICE'S POV

Sa unang araw ng pasukan, there's just two feelings exist.

1. Kasiya-siya.

Pagpasok ko sa classroom nakita ko agad si Precious kaya binati ko, "Precious!!! Kamusta ang 2-month relationship? Este vacation trip? Magkatunog eh, pasensiya." Mwahaha!

"Aba'y gaga to! Ginawa pa kong babaera." sagot niya pabalik.

"Bakit? Hindi ba?" pasok naman ni Beatrice sa usapan, dahilan para gawin na naman ni Precious ang isa sakaniyang hobby, ang mag-pout.

"Hmm. Nakakaramdam na 'ko ng walk-out," singit naman ni Jewel.

Nang dumating na si Rochelle, "Waaa! I miss you girls! I'm so excited to see you all like I want to visit in your house everyday after the school years ends and also--"

"I miss you all daw tapos laging wala sa mga lakad, ano 'yun?" pang-aasar naman ni Alice. Nag-pout nalang din si Rochelle dahil baka pout-day ngayon.

"Ganyan talaga kapag rich kid out of town lagi, tayo out of baranggay lang," sabi naman ni Grace.

"Aba nainggit? Pasalamat ka nakaka-out ka pa kaysa nabulok na sa bahay," sagot naman ni Cathleen kay Grace. "Ay oo nga ano,"muling sabi ni Grace tsaka nag-peace sign.

Patakbo namang pumasok si Rhea sa classroom kaya napalingon kaming lahat sakaniya, "guuuys! Nahuhuli na ba ako sa moments nyo dito?" tanong niya.

"Ha? Naliligaw ka yata Miss? Baka afternoon session ka?" patol naman ni Mica.

"Hmp!" sagot ni Rhea sabay hagalpak ng tawa ang bawat isa.

Pasensiya na ngunit ganyan talaga ang kaganapan sa bawat sandali na magkakasama kami lalo na kapag ganitong matagal kaming hindi nagkasama-sama. Sabi nga, PDA. Public display of abnormality.

2. Misery

Dahil heto, haharap na naman sayo ang mga amiga mong lessons sa bawat subjects. Dugo to death nanaman ang jutak kapag sinipag ng magturo ang mga teachers. And without asking, isa ring function ko dito sa eskwelahan ay ang pagiging Top Achiever. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit eh. Tingin ko, hindi naman ako iba sa bata-batalyon na estudyante dito campus namin pero bakit hindi kami Top Achievers lahat? Ang weird.

Look, hindi ako 'yun tipo ng nerd (okay nerd na ang itawag nating term) na hindi marunong makisama sa co-students ko (oo, 'co-students'). Present ako sa mga aktibidad nila 'no? Paminsan pa nga ako ang pasimuno. Yung tipong pasto-stock knowledge nalang kapag may quiz or test, isa din sa mga tagapa-kopya at taga-kopya, andyan din sa mga bulungan ng mga namumuong chismis, sa mga asaran, sa hingian ng mga gamit na meron naman sadyang tinamad lang kumuha, sa kantahan, barahan, sapawan at bansagan ng kung ano-anong palayaw sa mga nilalang na hindi itinadhanang makasundo ko.

Pero alam n'yo? Madaya. Madaya ang buhay na life. Ang sabi, it's an advantage to be an honor student pero... it's definitely not. BELIEVE ME. Lampas tao ang pressure, not to mention the fact na maliit ako, tapos ang expectation, nag-uumapaw. Maygaaaahd =____=''

At eto... kung anong ikina-okay ng takbo ng studylife at friendlife ko siya namang ikina-gulo ng love/crushlife ko. Kamusta naman 'yun? Tsh. Unfair -__- Bakit? Paano, ayun! Ganun parin... pagdating sa usapang ganyan talagang wala akong sinabi. Paano kasi. 'Di nalalayo sa gulo ng pulitika ang gulo diyan. Crush mo, crush ka nga, 'di ka naman mahal. Mahal mo, mahal ka, taken naman. Mahal ka, 'di mo mahal, pinipilit sarili nya. Simula't sapul 'di mo na mahal, andyan parin sagabal. Pero ang matindi, mahal mo, may mahal na iba, at mahal din siya nu'n, saan ka ngayon? Ayna jusko! Minsan naisip ko na ring tumalon sa upuan eh, maglaslas gamit ang suklay at magbigti sa siko. Sobrang nakakabaliw talaga! Yung feeling na sobrang loser ka na. Na halos parang napaka-lonely mo na sa harap ng marami, nagpapaka-plastic ka nalang. Pero sa reality, wala naman talagang magulo. Isip mo lang. Ilusyon -__-

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon