Chapter 3.

89 6 2
                                    

Author's Note: Weeee! 'Em so glad of having expanded readers! THAAANKYOU PO :) Hindi niyo po alam what feeling you have given to me! \(^___^)/ Paki-tuloy lang po sana pagbabasa, wala namang pong bayad 'to eh :D Pero okay lang po kung ayaw niyo na kasi ang totoo na-misclick n'yo lang naman po talaga 'tong story na 'to eh, 'di ba? UMAMIN! Kung ayaw mong ika'y aking sampalin! KIDDIN' =))

Pero.. sa mga active readers po diyan tulad ni ^lstornelli27^ na pinag-dedicate-tan ko nitong chapter na 'to, MARAMING SALAMAT po talaga. ^___^

-

JEROME'S POV

Monday.

"Good morning class," bati ni Ms. Monica.

"Good morning, ma'am," sagot naman ng buong klase.

"Okay, group yourselves into 5. Count. Start at the back. From right to left then vice versa," utos niya.

After ng counting. Pinagsama-sama na ang magkaka-group and Ye'y! Group 2 ako! Ka-group ko mga abnormal na sila Wesley, Richard, Matthew at may nahalo pang clown este kasama pang Grace at... teka? Bakit kulang kami ng isa?

"Oy Chardrilla, sino pa 'yung i-," tanong ko sana na biglang naputol dahil naupo si Janice sa vacant chair sa group namin.

"Ay nako, Grace. Kamalas-malasan naman ng buhay natin. Sa dami ng grupo eh--," bulong niya pa na hindi ko na masyadong napakinggan dahil dinidiscuss na ni Ms. Monica 'yung procedure ng Group Activity pero sigurado 'kong sa'min na naman nagpaparinig si Janice dahil ugali naming barkada ang ipaubaya sa girls ang tasks 'pag ganitong groupings lalo na kapag Top Achievers. ^__^

Dinivide na ng adviser namin ang Group Activities on each group. Sigurado akong hindi naman mahirap 'yun, wala namang mahirap sa group kung ang leader eh si Ms. Top 1. Eh sino pa nga bang aasahan sa mga ganiyan? Siya lang naman ang may utak na nagpa-function dito sa grupo namin bukod... sa'kin. ^__^

"Jumbled words ang Activity 1 at Guess a word by its deifinition naman ang Activity 2. After 10 mins. daw kailangan tapos na yung Activity 1 dahil sabay-sabay sasagutin ang acti--," naputol ang pagsasalita ni Janice ng bigla 'kong sumabat.

"Okay, kami na ang tatapos sa--," biglang putol din ni Janice sa pagsasalita ko.

"And who gave you the rights to speak if I'm not yet--," putol ko ulit sa pagsasalita niya dahil Englishin ba naman ang ka-gwapuhan ko porke't kaya niyang pantayan ng kagandahan niya. -__- ^__^

"I'm also a member of this group so I can state my own o--," putol na naman niya dahil hula ko masyadong weak 'yung reason ko kaya nakaisip na naman siya ng pwedeng isumbat.

"I didn't say that you should not talk and give your own opinion. All I just wanna say is can you please wait someone to finish first his or her opinion before giving your opin--," putol ko ulit dapat pero si Richard na ang nagsalita at ang sabi, " Ano 'to sabadan sessions mga dre?"

"Pwede ba kung hindi niyo kayang magbigayan ng invisible mic na hawak n'yo eh magtabi kayo para hindi kayo nakaka-distract ng iba pang miyembro?" sabi naman ni Wesley.

"May LQ nga pa'no magtatabi?" singit naman ni Grace.

"LQ?!" may halong inis o mas tama siguro kung inis na inis na tanong naman ni Janice habang nakatitig kay Grace.

"Peace chaki! Kalma lang. Kanina ka pa kasi umusok eh. Paki-check nalang 'tong number 3 and 4 na inayos ko oh... Tama ba?" sagot naman ni Grace kay Janice.

At 'yon natigilan na kaming dalawa sa kakaputol ng mga pahayag. Kung bakit kasi na-excite akong magpapansin este magpakitang-gilas kanina at bigla akong naki-sabat sakaniya tapos pinatulan ko pa kahit alam ko namang hindi ako uubra sa mga reasons niya dahil may balak yatang kumuha ng course na law 'to sa college. -___-

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon