Chapter 14.2

16 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

*beep*

Text Message: Jerome
"Kain ka na ha. Baka hindi na ako maka-text mamaya. Adv gnyt :*"

Dahilan upang muli ay gumuhit na naman ang ngiti sa mga labi ni Janice. Kung kaya naman ay nag-type din siya ng text message pabalik.

"Janice anak," tawag ng yaya ni Janice sakaniya pagkatapos ay kumatok sa pintuan ng kwarto nito kaya naman ay hindi pa naisesend ni Janice ang text message ay ibinaba muna nito sandali ang kaniyang cellphone sa kama at binuksan ang pinto.

*beep*

Pagkabalik nito sa kama ay agad kinuha ang cellphone at ipinagpatuloy ay pagta-type at tsaka ito isinend.

*beep*

Text Message: Cathleen
"Wewz ok lang. sige goodnight din and.. Have the sweetest dream of the night hehe <3"

*beep*

Text Message: Cathleen
"Girlfriend mo ako pero hindi ako nakatanggap niyan tapos si Jerome ano mo siya ha? ANO! KAYO BA NON HA!!! UMAMIN KA NGA KAYO NA BA!!!"

Natawa si Janice at finorward muna ang text message sa dapat talagang makatanggap nito bago tumawag sa kaniyang "girlfriend".

"So? Gusto mo bang magbilangan tayo ng mga bagay na dapat pagselosan? Uumpisahan ko, sige. Una, noong isang araw, magkasabay kayong nagpunta ni Ma--," naputol ang pagsasalita ni Janice dahil agad ay nagsalita si Cathleen.

"Maramiakongginagawa!Bye!" Mabilis na sabi nito at tsaka agad na ini-end ang call.

"Hahahahah, look at her. Siya nag-umpisa pero hindi niya matapos hahahaha. If I know namumula na naman iyon ngayon sa kalandian. Well, I have to make it more red so...," sabi nito sa sarili bago nag-type muli ng message at sinend kay Matthew.

"May mga kaibigan ka din pa lang sophomore 'no?" sabi ni Blake sa kausap nito sa cellphone habang ngumunguya ng pagkain.

"Angely's in sophomore. I guess I have more reason to have friends in sophomore than you," answered the girl from the other line.

"Hahahaha. Bakit mo naman naisip na kakaibiganin ko ang mga iyon? Sino ba sila?" Blake answered playfully.

"Ohh... I see. Buti nalang pala hindi mas bata ang mga nauna sa akin at susunod sa akin. Make up your mind, Blake... before you see everything falls. Anyway, I'm tired. Let's call it a day already. Goodnight and have sweet dreams of us, baby," sabi ng babae bago niya ibinaba ang tawag.

"Bakit ba ako pinaparusahan sa nararandaman ko para sa iyo?" sabi ni Blake bago tuluyang ibinagsak ang katawan sa kama.

Hatinggabi noong bakasyon isang buwan bago sumapit ang pag-uumpisa ng klase para sa taong 2011-2012 tumunog ang cellphone ni Janice habang nanonood siya ng korean drama na pangatlong beses na niyang pinapanuod.

Text Message: +63906ABCDE
"Ate alam ko hindi ka pa tulog."

Text Message: +63906ABCDE
"Iniisip mo kasi ako."

Text Message: +63906ABCDE
"Wag ka na magreply. Inaantok na ako. Gusto ko lang i-text ka bago ako matulog."

Text Message: +63906ABCDE
"PS. Group message"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon