Chapter 12.1

46 1 2
                                    


Jerome's POV

Anong oras kaya trip pumunta ni Saranelle niyan? Ang tanong, pupunta nga ba kaya siya? Gaano ba kasi ako kasiguro na pupunta nga siya? Pero hindi ako pwedeng hindi siputin nu'n eh. Antay pa. Hindi ko naman siguro ikamamatay 'to.

Teka. Teka. Teka nga kasi. Ano ba kasing insekto nag-momonitor sa utak ko at naging gan'to na kagulo? 'Ni hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko kay Saranelle pero makikipagkita ako? Eh dinaig ko pa 'yun tatay na may anak na nag-aagaw buhay kaya hindi mapakali eh. Haay. Epekto ata 'to netong palamig na iniinom ko eh. Maitapon na nga. Basurahan nga? XD Eh asan ba naman kasi mga basurahan sa lugar na 'to? 'Wag n'yo sabihin na pati basurahan proproblemahin 'ko? Lintek na 'yan oh -___- Nasan naba kasi--

"Hi Jerome!"

Sa wakas. Dumating din. Akala ko magmamala-running bride to, eh hindi ko naman natatandaang nagpropose ako. Haha!

"Busy ka ba? Bakit antgal mo yata?" sabi ko.

"Ah, eh, hindi pa kasi ako masyadong sanay magdrive ng car. You know, they were just teaching me yet," nakangiting sabi ni Saranelle.

"Ah. Umn, what do you want? Bili muna ko ng kakainin natin," sabi ko.

"No. Hindi na. Alam ko namang may sasabihin ka kaya mo ako pinapunta dito ngayon. So what's this?" sabi ni Saranelle ng patayo na ako sa bench kaya naupo nalang ulit ako ng maayos.

Naupo na 'ko at tinignan siya.

Napangiti si Saranelle. God, ang ang ganda niya talaga. Para bang anghel.

"So tititigan mo nalang ako? Haha. Say it na! You shouldn't be afraid now 'no! I know you've started and you're doing it well already," tuloy-tuloy na sabi sa akin ni Saranelle.

"You really know me by just looks huh? Haha. Alam mo naman Sara di ba na yung sa, I mean kay—" hindi ko natapos dahil nagsalita siya.

"Jerome, you know what? Para kang hindi pa sanay sa'kin. Nakakatawa ka. Actually alam ko na 'yang sasabihin mo eh. Listen, hindi sa ayaw ko sa'yo ha? You're also one of my crushes. You look so cute kaya! Kaso cute like a little brother of mine. Nung una tayong nagka-text, natutuwa ako kasi nagkaroon ako ng kakulitan na little brother 'cause I never have one. Pero nung tumagal, napansin ko may gusto ka pala sa'kin kaya medyo iniiwasan na kita," sabi ni Saranelle.

Yeah right, a little brother. Sa tono ng boses niya at sa lahat ng sinabi niya, alam na alam niya na nga ang sasabihin ko.

"Pero alam kong 'yung pagka-gusto mo sa 'kin, hindi tulad ng pagka-gusto mo kay Janice," pagpapatuloy niya.

Hindi ko alam kung saan man niya nakalap ang tungkol samin ni Janice pero medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ito sakaniya.

"Alam kong may gusto ka kay Janice at 'yung pagka-gusto na maaring mag-lead sa love. Tulad nga ng sabi ko sayo, I treat you as my little brother and me, as your older sister, I'm feeling what you feel. Nung mga unang conversation natin, you're always telling stories about her kung naaalala mo pa," dugtong niya ulit.

<Flashback>

|Phone Conversation|

"Hello? Who's this?" -Saranelle

"Nakalimutan agad ako?" -Me.

"Jerome? Oh Jerome! I'm sorry!" -Saranelle.

"Hehe. Sara alam mo si Janice nakakatawa ka-text. laging buo letters ng word hindi yata mrunong magshortcut, eh text naman. Hahaha." -Me.

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon