Chapter 14.1

24 0 0
                                    

JANICE'S POV

"Cathleen, pwede bang.." Pag-uumpisa kong magsalita ng biglang magsalita din ang bastos na pusang ito.

"Wait. What did you just call me?" Tanong niya.
"Cathleen. Bakit nagpalit ka na ba ng pangalan?" Sagot ko.
"I hate you!" Aba't teka anong problema ng pusang ito at sumisigaw pa?
"Hoy! Tigilan mo 'ko d'yan sa kaartehan mo ah! Alam mo ipapa-extract ko talaga yang "English"-genes na isinalin sayo nila Rochelle at Bea!" Sigaw ko din sakaniya tutal nasa garden naman kami at bilang lang ang mga estudyante.

*beep*

Text message: Jerome
"Lunch?"

Kinuha nung malanding pusa yung cellphone 'yung cellphone ko.

"Akin na nga!" Biglang sigaw ko.

"You know what sumosobra ka na! Kanina you called me cathleen and now--" Hinablot ko sakaniya yung cellphone kaya bigla siyang napatigil.

"NOOOOO!" sigaw niya and yep nakuha ko dahil laging may harina yung kamay niya kaya no too much effort needed.

"Oh tara na guys," sabi ni Jewel ng matapos ako sa sinusulat kong notes at nag-ayos na ng gamit. Kakatapos din naman mag-ring ng bell.

"Wait. Saan kayo magla-lunch?" Tanong ko sakanila.
"Sa Agustinos daw eh," sagot ni Alice.
"Daw?" Tanong kong muli.
"Oo, di ba Jerome?" Sagot ni Jewel ng saktong dating ni Jerome sa classroom.

"Ha?" Gulat na tingin saamin ni Jerome ng narinig niya ang pangalan niya.

"CATHLEEN!!" Sigaw ko.

"Present!" Sagot niya at nagtaas ng kamay. Balahurang to!! Sinasabi ko na nga ba't hindi dapat sinasabi sakaniya ang mga kalandian ko sa buhay eh! Akala ko ba todo-support kayo kay Jerome?! Bakit ganito? Bakit ayaw niyo kami mag-solo? Bakit ayaw niyong may mangyari man lang samin?? I MEAN YUNG ANO, SOMETHING SWEET BETWEEN COUPLES GANON. Jusko kung ano-anong iniisip niyo.

Aakbayan sana ako ni Jerome ng umiwas ako. Gahhd! Hindi ko alam kung kailan ako magiging komportable sakaniya. Alam mo kasi yung hanggang ngayon crush na crush mo pa din siya. Yung hindi kayo mapunta-punta sa familiar stage. Yung na-stock ka sa starstruck part na kabado kapag nandyan, kinikilig-kilig, yung parang pati dugo sa buong katawan mo tumtibok-tibok, yung basta feeling mo hindi kayo pwede magsama kasi parang sasabog ka o sadyang ang landi ko lang talaga?

"Pork steak nalang ba tayo?" Tanong ni Jerome ng makahanap kaming table dito sa Agustinos. Mga isang kanto 'to away from school minsan nilalakad nalang namin kapag maganda panahon pero ngayon ang sungit ng araw eh. Pino-portray yata ako.

"Hoy sumagot ka nga, hindi yan banat gurl, gutom mga tao ngayon tanghaling tapat!" Sita sa akin ni Bea ng napansin niya sigurong ang tagal ko mag-respond since as usual hindi na naman ako mapakali sa upuan ko at magkatabi na naman kami ni Jerome at nakatingin... Nakatitig siya sa akin kung kaya't nagkukunwaring nag-aayos muna ako ng upuan.

Napatawa naman si Jerome.

"Ah oo sige," sagot ko sakaniya saka ng hindi siya tintignan dahil kunyarii may hinahanap naman ako sa bag ko. Pagkatapos niya marinig iyon ay agad siyang tumayo.

"Thank you sa pagpapahalata sa aking tense ako ha," sabi ko kay Bea sabay kusilap.

"Sino ba kasi may sabi sayong ma-tense ka?" Tanong naman ni Rochelle. "Si Jerome lang yon!" Dugtong niya pa.

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon