Chapter 7.

75 2 10
                                    

Author's Note: Pa-note lang po ulit dito sa unahan? :( Kahit ngayon lang. :( Pasensiya na po talaga ah? Alam ko naman pong wala talagang kwenta 'yung story eh, medyo hindi ko lang po talaga nagustuhan 'yung nakita ko.

However..

-

CHAPTER 6

JANICE'S POV

Monday..

na naman. Tsk. Kaka-Saturday lang kahapon eh. -____- Feel na feel ko pa 'yung higa ko eh. Sarap na sarap pa 'yung mata ko sa pikit eh. -____-

*hikab*

Bangon. Hikab. Lakad. Hikab. Atras. Upo. Higa uli--

"Jajaaaa!" sigaw ng alarm clock este ni mama.

And yes, 'Jaja' is what they call me here. -___-

--Upo. Iidlip lang ulit sandali eh. =_____= Pagka-aga-aga mang-gising. Mag-aalas-singko pa lang yata eh, 6:20 pa naman darating si Ma--

"Hindi daw makaka-sundo si Manong Gino. Sira daw yata 'yung service n'yo. This whole week niya daw yata muna kayong hindi masusundo," biglang sabi ni mama na nagpa-gising sa akin ng tuluyan.

O______O

"Kaya bilisan mo nang pag-gayak dahil magco-commute ka lang," dagdag niya pa.

Toinks. Ma, siyempre naman. Alangan namang lakarin ko lang 'yun, 'di ba? -____- Eh nasa kabilang sulok pa yata 'yun ng bundok eh.

Maka-kilos na nga at baka school pa sumundo sa 'kin. Mahirap na. Maaksaya sa gasolina 'yun.

O edi sige. Kasama ko na si kamalasan. 'Nak ng palakang 'di makalundag naman oh! Walang mahagilap na sasakyan! Tsk. Taxi, jeep, tricycle, pedicab, dump truck.. Ano 'to? Nag-reunion silang lahat sa paggawaan kasama 'yung service namin? Tss. =___=

Makapag-lakad-lakad pa nga ng kaunti baka sakaling--

"Janice?" sabi nu'ng familiar na boses sa likod ko na mukhang naka-motor dahil naririnig ko 'yung ingay.

Nilingon ko. Pero na'ng makilala ko kung sino siya, tinalikuran ko nalang rin ulit tsaka ako gumilid kahit kanal na naamoy ko dito. -___-

"Janice, sabay ka na sa 'kin. 6:40 na," alok ni Jerome.

"Bakit? Kapag sumabay ba 'ko sa 'yo magsi-6 o'clock ulit? Tss," sagot ko naman habang naglalakad at siya sumusunod.

"Hindi. Hihinto. Kasama kita eh," sagot naman niya na may kasamang ngiting ewan.

Pero hindi pa din nagpatinag ang aking kasungitan kaya't ang sabi ko, "At kapag hindi huminto? Ipapabitay kita?" with matching sungit-sungitan face. Hahaha

Pero maya-maya, bigla na lang akong napatalikod tapos nilakihan 'yung mga hakbang kasi natawa 'ko sa sinabi ko dahil wala na naman siyang masagot. ^v^

Ewan. Palagi akong gan'to. Kapag binabara ko siya at mukhang wala na siyang kalaban-laban, bigla nalang akong natatawang ewan. Tapos biglang nagbabago temperature ko. Nag-iinit na parang may katabi akong sobrang narara-diate ako. Lol define radiate. Pero kapag umiwas na ako, bumabalik din naman. Gulo. 'Wag masyado intindihin.

Haaay. Buti naka-layo na 'ko doon sa gawapong halimaw na iyon. 'Di ko na rin naririnig tunog nu'ng galing junk shop n'yang motor. 'De joke lang.

Tss. Aaway-awayin niya 'ko nung Saturday night tapos ngayon, yayain niya 'ko sumakay sa motor niya. Baka gustong niyang baliin ko mga bearing nu'n?

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon