Chapter 12.2

36 2 0
                                    


-
JANICE'S POV

"Shit!" biglang sabi nung nakabangga sa 'kin kasabay naman ng pagkaupo ko.

"Okay ka lang ba?"

"So--sorry kasi.. Janice?"

Hindi ko pa masyadong makita kung sino 'yung nakabangga sa 'kin kasi medyo nahilo ako dahil ulo niya ang tumama sa ulo ko. Pero sa pakiramdam ko kakilala ko siya.

Tinulungan niya kong tumayo at inalalayan hanggang makaupo kami sa bench. Nang makaupo na kami hinawakan niya ang ulo ko kung saan banda 'yung nabunggo niya. Minassage niya hanggang sa mawala 'yun pagkahilo.

"Grabe. Talagang bang nakakaantok ako mag-massage?" sabi ulit niya, this time sure na ko kung sino kasama ko ^_^

"Kuya naman eh! Fine-feel ko lang," sabi ko sabay tawa.

"Kuya. Tss. Umuwi ka na nga. Gabi na nasa park pa kasi," sabi sa 'kin ni Kuya Blake.

"Gabi na kasi nakikipaghabulan pa. Ble!" sabi ko ulit sabay tawa. Hahaha. Ansarap talaga makipag-asaran kay Kuya Blake.

"Uwi na," sabi ni Kuya Blake.

"Ayaw. Kung gusto mo, ihatid mo 'ko," pagpapasaway ko naman :D

"Anong ihatid ka d'yan? May pupuntahan pa 'ko kaya umuwi ka na. Dali," sabi ulit niya.

"Saan? Siguro sa gf mo 'no? Pakilala mo naman sa 'kin Kuya oh!" sabi ko naman na may tonong pang-aasar pero sa loob ko parang ako ang naasar.

"Sa susunod na. Tara na nga, iuuwi na kita," sabi niya pero hindi 'yung katulad nu'ng boses niya kaninang masigla at parang gustong gustong makipag-usap sa 'kin.

So may gf pala talaga siya?

Tss. What made me think na wala. I mean, what made me "think" of "that"? haay. makauwi na nga. Walang-wala na talaga ko sa mood.

"Kaya ko na. Ako nalang, sige punta ka na," sabi ko sabay diretso naglakad pauwi ng bahay. Hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan 'yung huling narinig ko sakaniya. Haaay, ewan ko pero parang masama talaga ihip ng hangin sa 'kin ngayon. Ayoko ng isipin, ipapahinga ko nalang siguro 'to.

<Flashback>

Times when I was at the point of saying goodbye about being freshmen....

Blake sent you a message.

Blake: Ate tara poker?

Me: Bakit kasi Ate!!! Kuya Blake naman eh! I feel like ang bata nung kausap ko! grr

Blake: I feel like ang tanda ko! -___-

Me: Hahaha! Eh mas matanda ka naman talaga Kuya ah! You was October 10 then I was December 17!

Blake: Parehas namang year ah? Teka, alam mo pala bday ko Ate? Haha. Stalker!

Me: Aba't! Ako pa stalker ha? Ikaw kaya 'tong unang nag-approach sa 'kin dito sa facebook. Sarap konyatan nito.

Blake: Sarap kindatan nito *wink*

Me: HAHAHA! Bagay mo mag-wink in person Kuya!

Blake: Mas bagay kaya tayo :P

Times when I gradually..

<End of Flashback>

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon