Chapter 5.

63 4 0
                                    

JANICE'S POV

Friday.

Wew. Friday na naman. And eto, umuulan pa.

Uwian na. Pero wala pa naman 'yung service car kaya I've stay together with my friends and other classmates sa room. Sa sobrang bored, nagfoodtrip 'yung iba at kami naman ng mga may sayad kong kaibigan eh iba ang naisipang gawin. May sayad nga eh, 'nu pang aasahan mong gawin namin e'di eto, makipag-gantilan sa ulan na akala mo mga Grade 1. Haha.

Saya-saya kaya. Lol. Pero siyempre kakasawa din. Tapos nakita pa ko ni Jeromaw kaya natigilan din ako. Alam n'yo namang nagtatampo-tampuhan ako du'n kaya kapag nakita akong masaya nu'n iisipin niya, joke lang yung tampo ko. (Kahit joke lang naman talaga. ^v^)

Kanina pa palingon-lingon 'tong Jeromaw na 'to ah. Ano ba?! May diperensya ba 'yung mukha ko? At ngayon, pangiti-ngiti naman! Hanimal ka baka naman halimaw ka nga talaga at nagugutom ka? Wew. Sa gwapo n'yang 'yan. Tsh.

Galit ka 'kay? Marunong ka naman sanang umarte ng pagalit, 'kay? Pero naman! Ayaw niya pa rin tumigiiiil! Kapag ako natunaw--! Saka nalang kapag natunaw na 'ko. Hahaha ^___^

Bigla akong umalis saglit, para i-check kung andun na sa parking lot 'yung service car. And hopefully, nandu'n na nga. Grabe, sa'ng probinsya pa kaya nag-shorcut si manong at na-late siya ngayon? =__=

Kaya after nu'n, bumalik na ako sa room para kuhanin 'yung mga gamit ko. Siyempre alangan namang iwan ko na 'yun dito at hayaang umuwi mag-isa? Eh hindi ko naman pa naman nabanggit saknaiya kung saang address kami nakatira. >D

Pag-enter ko sa kanto paliko sa sophomore building, 'yung iba kong classmates nagtitinginan sa'kin habang naglalakad na parang kinikilig na hindi ko maintindihan. Maya-maya, dagdag pa sa ikinagulo ng isip ko, 'yung kaklase 'kong dumaan kasama si Jerome, ang sabi, "Oh, hindi ka man lang ba magpa-paalam sa crush mo?"

Tapos bigla siyang binatukan ni Jerome.

Pagpasok ko sa room, halos mabasag eardrums ko sa lakas ng "Ayiee" ng barkada ko!

"Crush ko si Janice," sabi nila Cath, Jewel at Precious na may tonong talaga namang pang-iinis.

At anong nangyari sa mga 'to?! Pare-parehas lang naman kami nagpa-ambon kanina pero bakit ako hindi nagkaganyan?

Until maya-maya, may kung anung kitos ang lumipad sa ulo ko mula kay Bea sabay sabing, "Uhm! Masyado mong fini-feel 'yang long hair mo ah!"

Ako naman 'tong si 'little miss wonder' pa din. Dahil definitely, hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Janice!! Pinagngalandakan ni Jerome na crush ka niya, okay? Ano? Enough statement na ba 'yan para d'yan sa pagtataka-takahan mo? O gusto mong eh demo pa namin 'yung buong scene kanina?" biglang banat ni Alice na tipong halos gusto na talagang itutok sa tenga ko 'yung bibig n'ya para makuha ko maigi 'yun pinupunto nila.

Pero ako 'tong si hindi daw makapaniwala, kaya humirit pa ng, "Ows?"

"Oo nga! Kailangan talaga pinapaulit-ulit?" sigaw nilang lahat na halos pati mga langgam sa room nabulabog.

Weee! Ang cool naman sa pakiramdam nu'n! Parang palabas lang sa TV o gawa-gawa ng ambisyosa kong imahinasyon! Hindi naman kaya joke 'yun? Pero 'di naman ganun mang-good time barkada ko eh. But to be totally sure.. Let's find out! ^____^

| Text Conversations |

Me: Ehem. Ano bng nangyri sa rum knina at prng nspian mga clssmates ntin?

Jero: Ewn ko ba sknila. Inamin ko lng nman na crush kta.

Me: Eh bkt mo nman ksi gnwa 'yuuun?

Jero: Ngsbi lng nman ng ttoo eh. Msma nba 'yun?

Me: Pro khit naaa~ 'di nman ata nla tnatnung e!

Jero: Ano bng kaso mu dun? Ikw ba 'yung umamin?

Me: Sympre! Kklat na 'yun. May issue na stn. 'di na tyo mkkpg-usap ng wlang asar sknila. Naisip mu ba yun?

Jero: Edi asarin na kung asarin! Ayw mu nun? Sskat tyo..

| End |

BANG! Siya na'ng tumalo sa ka-sweetan ng Hershey's Chocolate! Wiw!

O 'di okay. Panalo na naman siya. Pinansin ko na naman siya. Nai-text ko na naman number niya. At anong sunod? Eto, aasa na naman loka-loka. =___= Anong magagawa ko? Sunud-sunuran lang ako nitong sarili ko.

Iiwasan ko, iisipin ko din. Lalayuan ko, aalalahanin ko din. Mag-ga-galit-galitan, mas may epekto pa sa'kin. Daan po ba 'to sa Mental Hospital? Paki-ligaw naman po 'ko oh? 'Di pa 'ko ready ma-meet ulit ang mga ka-uri ko eh. XD

Ano na naman ba kasing pakulo 'to, Jerome? Ano na naman bang klaseng pananakit ang gusto mong gawin? Ano na naman bang trip mo sa buhay at kailangang pati ako, damay? Ano na naman ba--

kasing ka-bitter-an 'yan Janice?

Eh, ano bang dapat i-react?! Kiligin mula paa hanggang tainga? Maging masaya kasi hindi nalang pili 'yung nakaka-alam nu'ng cush, crush thingy tungkol sa 'min? Mag-celebrate at i-congratulate siya kasi naglakas loob siyang i-broadcast na may gusto siya sa 'kin?

Tss.

Okay, honestly, I'm surprised sa ginawa niya, halos magtatalon nga 'ko sa kama kanina eh. Halos 'di ko na nga alam mga pinagsusulat ko sa diary ko eh, tapos biglang agaw eksena 'yung ballpen, nawalan ng tinta. -____- Pero... hindi ko pa rin talaga malaman kung ano na naman bang purpose nitong palabas niya.

Basta bahala na. Bahala nang kontrolin ng mga susunod na araw 'yung pasensiya niya sa kung anong pwede kong magawa. Bahala nang--

*beep*

Leshe. Hindi pa po ako tapos sa bitter-bitter sessions ko okay? Pwedeng wala munang--

*beep*

OKAY. Babasahin na. =___=

Text Message: Jerome
" Matulog kana, may General Cleaning pa bukas."

Tsh. At kaninong manghuhula naman pumunta 'to para magtanong kung gising pa ako? At kailangan talaga dalawang texts pa?

Text Message: Jerome
"Hhintayin kta. :* <3"

WAIT

Whut's 'd meaning of theez --> :*

with matching theez --> <3

-

Author's Note: Biglang lipat sa dulo ang Author's Note? Ganu'n talaga. Pinagtabuyan na 'ko sa unahan eh. XD Mas trip ko na lang po mag-Author's Note dito. Hindi masyadong nakaka-sagabal sa story. Boring na nga 'yung story, may seremonya pa, aba ibasura na! HAHAHA. >:]

And again, my THANKYOU is still here for you. Naks! Feel free to Vote and Comment ^__^

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon