Chapter 11

79 1 0
                                    

Jerome's POV

Text Message to: Saranelle
"Good eve my pretty loves! ^_^"
(sent)

Haay. Na-miss ko i-text 'tong number na 'to ah? Madalang ko nalang siya i-text mula noong pumunta ako sakanila kasi nga ayon nakapag-usap kami na medyo busy nga siya ngayon, higher batch na kasi. Sinusubukan ko pa din naman ipakita sakaniya na inaalala ko siya. Minsan tumatawag ako at sinasagot niya naman pero hindi ganoon katagal ang mga nagiging pag-uusap. Ang totoo niyan, halos ngayon nalang nga ulit ako nag-text. Kaso 'yan, suntok sa buwan pa din ang posibilidad ng pagrereply niya :/

*vibrate* *vibrate*

Text Message: Saranelle
"Oh Jero! Bakit ngayon ka nalang nagtext? :( Mas busy ka na ba sakin? O busy pagdating sa akin?"

"Shit," bigla kong nasabi ng mabitawan ko cellphone ko at bumagsak sa mukha ko.

Anong pinagsasabi noon? Na-miss niya ako pero ni hindi siya ang unang nakaka-alala mag-text? Mami-miss niya lang ako kapag naalala ko na siya? Fuck the logic, man. Pero nakakapanibago masyado itong babaeng ito ha. Matawagan nga muna.

Pagkatapos namin mag-usap ay bumaba na ako at dumiretso sa dinning para makapag-dinner. Dala ko ang aking cellphone at ibinaba sa katabi ng inupuan ko.

"Kuya?" Tanong ni Cassie nang mapatingin sa akin habang kumakain. Dalawa nalang kasi kaming kumakain dahil nag-dinner na daw sila Mama at Papa kanina pagkatapos ng trabaho dahil pagod daw sila at minadali nalang ang pag-kain para makapahinga na. In fact, si Mama tulog na, si Papa hinihintay lang kami matapos kumain ni Cassie habang nanonood ng TV.

*vibrate* *vibrate*
Text Message: Jerome
"Jero, usap pa tayo ha. I-text mo ako pagkatapos mo kumain. Sige, eatwell!"

"Huy Kuya, nakikita mo ba ako? Hello!! Earth to Kuya!" Muling pagsasalita ni Cassie,

"Kumain ka na nga ang daldal mo," sagot ko naman.

"Hindi ako makakain sa tuwing napapalingon ako sa mukha mo eh. Mukha ba 'yan? Hindi ko alam kung anong reaksyon naimbento mo ngayon Kuya. Ang galing," Muling pagsasalita nitong madaldal na batang ito!!!

Hindi na ako sumagot at pinandilatan ko nalang siya. Kaya naman ngumiti nalang siya sabay yuko at tinapos ang kaniyang pagkain.

Text Message to: Saranelle
"Sorry Saranelle ah. Hehe. Medyo nag-iba lang timpla ko kanina sa napag-usapan natin. Tsaka nga pala about sa pagte-text, hindi ko kasi alam kung kailan ka hindi busy eh."
(sent)

Less than a minute

*vibrate* *vibrate*
Text Message: Saranelle
"Since you've forgot to text me Jerome parang nawala na pagka-busy ko."

Kanina pa 'ko palakad-lakad dito sa court. Patalbog ng bola, shoot, patalbog ulit at ilang beses pang nagpaulit-ulit na ganu'n, nakakabobo na halos. Ewan ko kung bakit ako napadpad dito pero ang alam ko 'eto na ang pinakamalapit na lugar na pwedeng paghasikan ng ka-litangan. Ang lupet. Ngayon ko lang nasubukan gan'tong pakiramdam.

Hindi ko na maintindihan kung alin totoo dito eh. Wanyang 'yan, pwede naman kasing hindi sila nagkasabay. Teka ang pangit ng term :D Ibig kong sabihin, pwede nman kasing isa lang sakanila ang dumating. Pwede namang isa nalang ang...

"Hoy Jerunggo! 'Nak ng palakang 'di nalundag ka oh! Hindi naman masyadong nakakalunod 'yang iniisip mo 'no?" biglang sabi ng hangin este ni Van.

Try to HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon