Chapter 2: In debt

437 102 18
                                    


Cailegh's POV

Naalimpungatan ako ng may narinig akong kumakatok sa pintuan ng appartment na tinitirhan ko.

"Hmm anuba ang ingay ingay naman eh!" Anuba naman kasi yun ang ingay ingay aga aga.

"Hoy! Lumabas kadyan kebago bago mo dito Hindi ka marunong magbayad lumabas kadyan hoy!"

Fvck! Yung landlady pala yun nakalimutan ko magbayad kahapon.
Napabalikwas ako ng upo at agad na pumunta sa pintuan para harapin yung landlady ng appartment kung saan ako naroroon.

"Ah ate ang ganda ganda niyo naman po napakagandang tanawin ang aking nakita. Pwede ho bang mamaya nalang yung bayad hehe" sabi ko habang kinakamot ang aking batok.

"Oh sige alam ko naman na maganda ako andaming amerikano nga ang nagkakandarapa saakin. Sa loob ng trenta minuto at hindi mo pa naibibigay ang pera papalayasin kita dito" sabi niya habang pinandidilatan ako. Malamang gusto ng mga amerikano ang exotic.

"Grabe naman po pwede ho bang isang oras? Alam niyo po mas gumaganda po kayo pag mabait kayo" sabi ko na tinataas taas pa ang aking kilay.

"Sge pero siguraduhin mo na nakabayad kana sa loob ng isang oras  kung hindi bye bye kana" umalis na yung landlady na masungit tsaka ako nagmadaling magayos. Inayos ko na Ang dapat kong  ayusin kasi 40 minutes nalang! Talaga namang napakabagal ko palang kumilos ngayon ko lang ito narealize.

"Oo nga pala heheram nalang ako kay Seraphine ang talino ko talaga" mabait si Seraphine alam ko yun kaya naman sakanya ako lumalapit kapag kaylangan ko ng tulong lalo na sa financial. Pero agad ko naman itong ibinabalik sakanya kapag nakaipon na ako. Hindi ako yung tipo ng kaibigan na nandyaan lang kapag may kaylangan.

Idinial ko na yung number ni Seraphine ng ilang beses pero walang sumasagot ni hindi nga nagriring e. Jusko saan ako makakahanap ng 3k ng ganun kabilis. Hindi ko naman kayang ibenta yung sarili ko dahil sa alam kong napaka sexy ko at hindi mabebenta ang katawan ko.

Lumabas ako at nagabang ng mga sasakyan saktong may dumaan na kotseng lamborghini huracan hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko pano ko to nagagawa alam kong mayaman kaya pinara ko pakapalan na ng mukha to. Mangungutang nalang ako at magtatrabaho para mabayaran ko ito.

Binaba nung nasa driver's seat yung bintana then...

"Ikaw yung kahapon ah! Oh shoot!" Sabi ko tsaka kumaripas ng takbo syempre naka kotse yun kaya naabutan ako. Pinapantayan ng kotse niya yung takbo ko tapos binuksan niya yung pinto sa may shotgun seat at bigla nalang akong hinatak ng walang pakundangan. Wait chance ko nato mangungutang nalang ako.

"Speak" sabi nung lalaking humabol sakin kahapon bkt parang ang amo niya ngayon. Bakit pakiramdam ko ang init sa loob ng kotse dahil sa soot niyang fitted v-neck shirt kitang kita tuloy ang built ng katawan.

"Ano kasi wala akong pera tapos nakalimutan ko pa bayaran yung landlady namin dahil sa mga inutusan mo! Oh kaya bayaran mo yung renta ko 3k lang nmn e"

"Ah! oo yung stilletos ko pla mahal yun  500 yun sa divisoria akin narin ang bayad mo para doon kala mo ay hindi kita masisingil ha" dagdag ko pa sabay lahad ng kamay ko na nanghihinga ng pera.

Hindi siya nagsalita kumuha siya ng credit card tsaka binigay sakin. Nagtama ang daliri niya sa kamay ko para bang napakainit nito. Ano kayang pakiramdam kapag hinawakan niya yung ano ko-yung ano-yung pisnge ko ansarap siguro sa pakiramdam non.

"Enjoy now, Pay later Ms. Smith" sabi niya aba enjoy daw edi gamitin ano pa at sinabi niya yun kung bawal kong gamitin.

"Ah ganun ba? Ikaw na nagsabi niyan ha baba mo nako dyan-hindi abante- atras mo onti-diyan diyan" sabi ko ng mamataan ko na yung appartment namin sandali. Hindi ko panga pala alam ang pangalan ng lalaking to noh.

Dominion Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon