Cailegh's POV
It's been a week since nung nag enroll kami ni Seraphine sa dominion academy. Hindi ko parin maimagine na doon na kami magaaral. Nagiimpake na kami ngayon ni seraphine dahil first day of school at sinabi saamin na kaylangan daw muna sa dorm sa loob ng school sa buong school year. Dahil mapapahamak ang mga estudyante ng dominion academy kapag lumabas sila dahil marami pang ibang mythical creatures doon na pwedeng pwede silang patayin.
Dahil narin siguro mung saan naroroon ang school. Ang school ay nasa pusod ng gubat pero aakalain mong ordinaryong school lang ito pag tinignan mo mula sa labas pero pag pumasok ka makikita mo ang magkakahiwalay na building na may tore. Katabi ng room namin which is yung tore ay yung building na dorm namin ganun din sa ibang tore.
"Cai tara na malelate na tayo!"
Sigaw naman ni seraphine na nasa labas maaga kaming pupunta ngayon sa dominion academy para mauna kami sa pila. Para narin makakuha kami ng dorm na maganda isang dorm lang ang kukuhanin namin ni seraphine sanay naman kami na kaming dalawa lang."Seraphine tara I'm so excited! And i just can't hide it!"
"Alam ko kaya nga inagahan ko punta dito sainyo e. Siya nga pala cailegh sila na daw ang magpoprovide ng school suplies natin diba"
"Yeah nabasa ko din yun ang kaylangan lang natin gawin ngayon ay bumili ng dorm sa loob ng school. Kukuhanin din natin yung ID natin then magpapapicture pa tayo"
"Teka makakasabay ba natin yung ibang creatures?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni seraphine dahil ako mismo hindi ko din alam. Kinakabahan din ako sa katotohanan makakakita talaga kami ng gaya nila at worst makakasama pa namin sa isang school. Hindi namin alam ang kaya nilang gawin.
Nagdrive na siya papunta sa school which is nasa pusod ng gubat habang papalapit kami duon ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Nakarating kami sa school iba ito ngayon dahil may mataas na kulay black ng gate papasok sa mismong campus ng school . May mga nakapila at pumila nadin kami dala yung registration form. Natatanaw ko na pagkabigay ng registration form e may bibigay na gamit at yung ID.
"Cailegh look oh ang creepy ng mga nakapila. Parang manunungab sila anytime na makabanga mo sila"
"Yeah pero manahimik nalang tayo" that is the right and the safest thing to do.
Totoo naman kasi e. Nakakatakot yung mga itsura nila para silang papatay ng tao. Then it hit me. Hindi nga pala sila mga ordinaryong tao. Kami na yung susunod sa pila kaya hinanda ko na yung registration form ko kinuha na ng guard binigay sakin yung ID tsaka binigay yung mga gamit na kakaylanganin namin nagulat ako kung gaano kagaan yung mga gamit kahit na napakarami nayun.
"Phine tara na maghanap tayo ng dorm para magpahinga na tsaka nalang tayo magpapicture"
"Sige! Gusto ko yung malaki at maganda ha. Alam mo naman ako sensitive ang balat." sabi naman ni seraphine
"K" nalamang ang naisagot ko sa pagmamayabang niya.
Pumunta nakami sa may information desk kung saan ibibigay yung susi namin sa dorm depende saamin kung anong klaseng dorm ang pipiliin namin. Nakakatakot ang babae habang habang nakatingin ito saamin ni Seraphine bagamat maganda siya e nakakatakot parin ang tingin niya.
"Ahm miss ano room for 2 nga po" sabi ko sabay ngiti ng peke
"All room for 2 is occupied"
"Anong room po ang hindi pa occupied?"
"Room for 3"
Pagkasabi ng babaeng desk manager e may babaeng kulot ang buhok ang lumapit saamin maganda siya at kulay blue ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Dominion Academy
FantasyDahil sa katangahan ni babae ay napasok siya sa isang lugar na maraming makapangyarihang tao ang nasa loob. Makaliligtas ba siya sa mga tao-tao nga ba? Sa loob kung saan malakas ang matitira ang lumabas ay mamamatay. Kaya mo kayang talunin ang mga...