Chapter 10: Leave

153 26 8
                                    

Cailegh's POV

"Cailegh! Nagpakulay ka ng buhok?! Di mo manlang sinabi sakin nakakatampo ka" sabi ni Seraphine habang tinititigan ang dulo ng buhok ko.

"Huh? Anong sinasabi mo ni hindi ako umaalis ng dorm paanong makakapagpakulay ako ?" Agad kong sagot sakanya. Totoo naman na hindi ko alam ang sinasabi niya baka naman nangtitrip nanaman siya.

"E ano yan? Bakit kulay light violet ang kulay ng dulo ng buhok mo?"Pagkasabing pagkasabi ni Seraphine ay agad kong tinignan ang ladlaran ng buhok ko.

Totoo nga medyo light violet ang kulay nito pawang sinadyang kulayan at ginawang ombre. Ang kulay nito sa dulo ay medyo light violet pero black parin ang nasa itaas.

"Ahh baka sa ginagamit kong shampoo kaya nagkakulay" pagsisinungaling ko kay Seraphine sapagkat batid kong may kinalaman ito sa kung anong nangyayare sa aking katawan.

"Kung ganon anong brand ng shampoo mo? gusto ko ring bumili" yan ang nagagawa ng pagsisinungaling nakakapahamak.

"Ahm ewan ko nga e nakalimutan ko narin ubos na kasi kaya tinapon ko na yung lalagyanan"

"Ganun ba? Siya nga pala cailegh alam mo ba yung DOTA" pagiiba ng usapan ni Seraphine.

"DOTA ba kamo? Hindi ba yun yung tawag ng mga BRITISH people sa anak nilang babae?" pagjojoke ko ngunit hindi naman ito agad nakuha ni Serpaphine.

"Andami mong sinasabi cailegh. Dami mong alam!" Sabay tawa nito.

Naputol ang paguusap namin ng may biglang kumatok. Palagi nalang may istorbo!. Agad ko iyong pinagbuksan, sumalubong saakin ang kanyang mapanuring mata.

"Akihiro bakit ka naparito?"si Seraphine ang sumagot dahil kapag ako ang sumagot ay feeling ko pipiyok ako.

"Principal Hanes would like to talk to you Cailegh" kung tumitig siya ay parang matutunaw ako.

"Para saan?"

"I don't know"

Lumabas siya sa pintuan sinundan ko lang siya nasa likod niya ako. Makikita mo ang tikas ng kanyang katawan kahit nakatalikod. Ano kaya ang itsura ng sa harap kapag walang saplot. Tumama ang katawan ko sa likod niya ng bigla siyang huminto. Nakakahiya kung malalaman niya ang iniisip ko salamat nalang at walang bampirang nasa paligid.

"We're here"

Agad akong napatingin sa gilid ko kung saan din siya nakatingin. Ang pinto ay gawa sa purong ginto ang mga gilid ay may mga diyamante. Ang doorknob ay detalyadong detalyado.
Pinihit ko ang doorknob.Papasok na sana ako ng pigilan ako ni akihiro.

"I'll wait for you here"

Akihiro ayoko na sayo wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sakin kasi nahuhulog na ako! Pero syempre sa isip ko lang yun.

Tumango nalamang ako bilang tugon sa kanyang sinabi. Bumungad saakin ang malawak na opisina. Sa gitna may lamesa at swivel chair nakaupo rito ang lalaking nasa mid 40's.

"We detected your magic" gulat lang isinagot ko. Tinitigan ko itong mabuti bakas sa aking nanlalaking mata ang gulat at pagtataka. Hindi ko aakalaing malalaman nila yon. Kahit ako ay di ko alam na kaya ko pala mag magic.

"A power that allows people to do impossible things by saying special words or performing special actions it's called magic but-"

"Yours are not magic it's an Elemental having the power of a force of nature but-"

"Yours are different from the two. You have both magic and elemental. Remember what you did to the apple? That was a sign of over flowing magic."

Ipinapahayag niya itong mabuti pero tila di kayang tangapin ng utak ko ang mga nangyayari. Tila nabulunan ako at hindi ko kayang magsalita.

Dominion Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon