Cailegh's POV
I can smell blood. I want Blood. Ang halimuyak ng amoy ng dugo ay napakabango. I want all the blood! I want it all!
NAGISING ako sa isang kwartong madilim ang buong paligid na may kulay itim at pulang interior design. Tila bumabagay ito sa pakiramdam ko. Ayokong lumabas gusto ko lamang maging mapag-isa. Ano bang nangyayari sakin!
Tumayo ako at lumapit sa pintuan kung saan may nakasulat. Isang sulat na sinadya para lamang saakin.
Horrified my Queen? Now we are the same, nothing can stop us. And oh by the way the blood is in the fridge.
I look horrified. Anong nangyari sakin! Inalala ko ang buong pangyayari at ang huling naalala ko ay nung ako'y masaksak. Hinanap ko ang sugat na gawa ng saksak para mapatunayan na mali ang aking iniisip.
Wala. Walang kahit anong bakas ng sugat makinis. Naglakad ako ng paatras ang buong kalamnan ko ay nanginginig. Paatras ng paatras. Hangang sa tumama ang likod ko sa isang malaking fridge. Sa takot ko ay bigla akong lumayo sa paglayo kong iyon ay napaka layo ng aking narating. Bakit ganito ako kabilis?
Hindi. Hindi pwede. Mali ang iniisip ko hindi! Tumakbo ako ng mabilis paalis sa madilim na kwarto tumakbo ng tumakbo hangang sa ako ay makalabas. Katabi ang tore ng mga bampira.
"Hindi! Hindi ako bampira hindi maari!"
Tumakbo ng tumakbo hangang sa wala na akong mapuntahan nanghihina na ako. Ang katawan ko ay namumutla. Dugo. Kailangan ko ng dugo! Pero hindi maari.
Kailangan kong puntahan sila Serpahine. Dali dali akong pumunta sa aming tore. Hindi alintana ang mga taong nakatingin saakin. Kumatok ako ng kumatok hangang sa ako ay pagbuksan ni Seraphine.
"Seraphine. Tulungan moko Seraphine tulong!" Bakas sa mukha ni Seraphine ang pagkagulat.
"Sandali Cailegh! Isang araw kang nawala ano bang nangyari sayo bakit grabe ka kung mamutla?!"
"Seraphine kaylangan ko ng dugo Seraphine tulungan moko please"
Ang mga luha na kanina lang ay nagbabadya ngayon ay lumandas na sa aking pisngi. Agad niya akong pinapasok.
"Cailegh huminahon ka! Pinapakaba moko! Ano bang kaylangan mo at anong masakit?"
"Kaylangan ko ng dugo Seraphine dugo" pagmamakaawa ko.
Kasabay nito ang pagpasok ni Akihiro na may benda ang kamay duguan ito. Ang pakiramdam ko ay tila nagbago. Dugo? Amoy dugo. Tumayo ako na nanlilisik ang mata kay Akihiro. Ang mata na kanina'y maayos ngayon ay kulay itim na napapalibutan ng dugo. Nakakatakot ang aking itsura.
"Akihiro lumayo ka hangat maari!" Sigaw ko rito habang pinipigilan ang aking sarili na ilabas ang aking pangil.
"Akihiro lumayo ka!"
"No, i won't i am the reason why you're in that situation! I shouldn't have leave you!"
"But hey I am thankful that you became a vampire. Bacause you won't leave anymore. You've given a reason to stay lil' girl" sabi nito na may ngisi sa labi. Ang pananabik ko sa dugo ay tila nawala nalamang ng bigla ngunit bumalik iyon ng may ipinakita si akihiro na hawak niya sakanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Dominion Academy
FantasyDahil sa katangahan ni babae ay napasok siya sa isang lugar na maraming makapangyarihang tao ang nasa loob. Makaliligtas ba siya sa mga tao-tao nga ba? Sa loob kung saan malakas ang matitira ang lumabas ay mamamatay. Kaya mo kayang talunin ang mga...