Chapter 7: White rook

266 80 19
                                    

3rd Person's POV

Sa loob ng tore ng chess piece ng white rook. Nakaupo sa isang gintong upuan ang isang lalaking mala adonis ang mukha kikilabutan ka sa tindig nito at mahuhumaling kanaman sa mukhang taglay nito.

"I'm going to my Legendary Queen"

Yumuko ang mga servant habang siya ay papadaan. Makikita mo ang kapangyarihan nito. Napahinto ang lahat ng may biglang pumasok sa tore.

"Damon, Wag mo na siyang puntahan magsasayang kalang ng oras mo. Nandito naman ako? Bakit kapa pupunta sa iba".

"You are not her"

"Damon! Hindi ka niya mahal! Ako lang ang nagmamahal sayo!"

"Wait till you see it"

"Ginawa mo na akong tagabantay niya ano pabang gusto mo? Mahalin mo naman ako damon please, i wasted all of my time to prove that i really do love you"

"I can't love you back"

Cailegh's POV

"Can i lay by your side next to you.... oh ooh ohhh to you oh oh oooohh"

"Cailegh stop it uulan na wala akong dalang payong!".

Sabado ngayon at free kami kahit na hindi pa sinasabi ng president namin na pwede nang lumabas ay nagpumilit padin kami, besides wala namang makakakita.

"Seraphine nahihiwagaan ako kay clarishi" sabi ko naman sa pabulong na tono.

"Alam mo ako din she's a vampire at the same time mafia reaper pero hindi siya pumapasok sa white rook tower which is for vampires"

"Halo halo nga kasi tayo hindi nila gusto sa tower nila, kaya siguro nandito siya sa white pawn "

Minabuti na namin ituloy ang paglalakad ng may mamataan akong babae. Sht!

"Seraphine magtago tayo tara!"

Mukhang alam niya naman ang nasa isip ko kaya tumakbo na kami para magtago.

"That bitch! Alam ko nakita ko siya kanina bigla nalang nawala! Dito pala nagaaral yung babaeng yun well matitikman niya ang bagsik ng queen bee" the oh so called queen bee ay si alexandra navara nivillion yung kinuhanan ko ng popcorn. Suot nanaman niya yung hikaw niya na punong puno ng glitters.

*ako ang ringtone mo ako ang ringtone mo bilisan mo na at sagutin ang telepono ohhh*

*ako ang ringtone mo ako ang ringtone mo bilisan mo na at sagutin ang telepono ohhh*

Napalingon si alexandra the bitch sa gawi namin ngayon pa talaga tumawag si akihiro kung saan nasa mahirap kaming sitwasyon!.

"Phine! Takboooo!"

Oh god hinahabol kami ng higanteng bubuyog. Lumiko kami papunta ng mall sa loob ng school pero hinahabol parin kami ni alexandra the bee-tch. Nagtanguan kami ni seraphine at naghiwalay ng daan.

Pumunta ako sa isang tore hindi ko alam kung bakit duon ako napunta para magtago.

*eeengkkkk*

Tunog ng pinto pagkabukas ko nito. ang creepy naman ng tower nato parang walang tao? Ganto ba talaga sa vampires tower?. Inakyat ko yung pinakataas hindi ko alam pero may parang nagsasabi sakin na pumunta sa itaaas. Siguro ay natutulog ang mga bampira sa ganitong oras.

"Hello is there anybody here?" sigaw ko ng malapit nako sa taas pero nag echo lang din ang sinabi ko.

"Hello is there anybody here?"

Dominion Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon