Cailegh's POV
Naglalakad ako ng taimtim sa gilid ng tulay. Maaga pa kaya naisip kong maglakadlakad.
"BULAGA!"
Biglang may matandang babae na uugod-ugod ang lumapit saakin para gulatin ako. Hindi naman ako natinag sa pang-gugulat niya dahil bukod sa matanda na ito ay mabagal siyang kumilos.
"Ah, Lola ano pong maitutulong ko sainyo?" Tanong ko rito
"Gusto mo bang magpahula ? Aba'y napakagaling kong manghuhula!" Sabi nito habang ginagalaw galaw ang mga darili sa kanyang kamay.
"Lola sigurado ho ba kayo baka mamaya ay malabo ang makita niyong kapalaran ko? Mamaya ay sabihin mong makakatagpo ako ng gwapong lalaki pero hindi naman pala? Masakit umasa lola!"
"Aba hindi ko naman sinasabing umasa ka ang sasabihin ko lang ay yung nakikita ko sa palad mo nasasayo parin iyon kung aasa ka! Aba tara na't pumasok ka sa aking tahanan" Sabi ni Lola habang
iginagaya ako sa loob ng isang barung-barong na bahay. Agad akong pinaupo ni Lola sa isang sofa katapat nito ay isang lamesa na may kung anong bilog sa gitna."Ilahad mo ang iyong kamay at huhulaan ko ang kapalaran mo" Sinunod ko ang sinabi ni Lola at inilahad ang kamay sakanya. Hinawakan niya ang palad ko at hinimas himas may mga binigkas siyang mga salita na hindi ko naman maintindihan.
"Ibang klase! Kakaiba ka! Ang palad mo ay may kung anong kapangyarihang dumadaloy!"
"Alam ko lola batak ho ako sa pakikipaglaban kaya't malakas ang aking kamay, Ano ho bang nakita niyo sa kapalaran ko" Sabi ko kay lola inalis ko na ang palad ko sa kamay niya at agad siyang tinanong.
"Mayroong kaganapan, isang labanan!. Babaguhin ng labanan na ito ang mga nakasanayan mo! Magbabago ka ng dahil dito!" Sigaw ni lola habang inaalog ako ng nakahawak niyang mga kamay sa balikat ko.
"Mayroon ding bampira! Mga taong lobo! Mga mangkukulam! Mga may kapangyarihan na lumilipad! At maraming malalakas kang makakalaban!" Sabi ni lola habang titig na titig saaking mata ilang sandali pa ay parang naaninag ko na nag-iba ang kulay ng mga mata ni Lola naging kulay pula ito pero sandali lang dahil tumalikod bigla si Lola.
"Ganun ho ba? Nako Lola malabong mangyare yan baka nga malabo talaga ang iyong mata kaya malabo ang nakita mong kapalaran ko. Aalis na ho ako salamat ho" sabi ko rito at akmang aalis na ng bigla niya akong pigilan.
"Sandali! May ibibigay ako sayo" Agad namang kinuha ni lola ang isang itim na sobre na may nakasulat na kulay ginto.
"Ito ay para sayo tangapin mo yan may paalala lang ako sayo, Don't let your emotions eat you" Bukod sa nakapagtataka ang biglaang pag Ingles ni lola ay bigla narin niya akong pinaalis pagkatapos nito.
Agad naman akong nagmadaling umuwi dahil magtatanghali na. Antagal ko pala sa bahay ni Lola?. Naglakad ako dahil malapit lang naman ito sa bahay ko kaya mabilis din akong nakauwi.
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay agad kong binuksan ang itim na sobre na ginto ang ginamit pangsulat.
Dominion Academy
Nakasulat ito ng ginto sa labas ng sobre. Binuksan ko ang sobre at bumungad saakin ang kulay gintong papel.
From: Dominion Academy
To: Ms. Cailegh SmithGoodmorning Ms. cailegh smith we would like to inform you that you've been accepted in Dominion Academy. For some unkown reasons Dominion Academy did not give you a choice. So see you in Dominion Academy Ms. Smith.
What the hell?!.
-
Trailer:
Revised
BINABASA MO ANG
Dominion Academy
خيال (فانتازيا)Dahil sa katangahan ni babae ay napasok siya sa isang lugar na maraming makapangyarihang tao ang nasa loob. Makaliligtas ba siya sa mga tao-tao nga ba? Sa loob kung saan malakas ang matitira ang lumabas ay mamamatay. Kaya mo kayang talunin ang mga...