Tapos na akong magluto lumakad ako ng maayos pero diko magawa masakit ang boung katawan ko lalo na sa parteng gitna.Inayos ko na ang mesa baka kase bulyawan na naman nya ako pag nakitang walang pagkain sa mesa.
Ilang sandali lang narinig ko na ang yabag ng mga paa pababa ng hagdan.Gising na sya.Pagkatapos maihanda ang pagkain nya pumwesto ako sa gilid.
"Nakahanda na ang pagkain" Di nya ako pinansin nilagpasan nya lang ako.Pinagmasdan ko sya ng mabuti tila wala naman syang naramdaman na may nangyare kagabi.Nag iwas ako ng tingin ng mahuli nya akong nakatitig sa kanya.
"Get out" utos nya.Pilit akong naglakad ng normal,nagpunta ako sa sala inayos ko ang mga magazine na nagkalat napatingin ako sa larawan nya na nakadisplay ang gwapo nya talaga kahit nong mga bata pa kami hinaplos ko ang litrato.
"sana mapatawad mo ako" sambit ko napangiti ako ng mapait nagpatuloy ako sa ginagawa ko.Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ayokong maalala ang nangyare kagabe nagiguilty ako sa sarili ko binigay ko ang sarili ko sa kanya.Ang baboy kong tao hindi ko man lang sya pinigilan.
Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko nakita ko syang lumabas ng kusina mukhang tapos na syang kumain.
"Jasper!" Tawag ko.Huminto sya pero hindi lumingon pinilit kong lumakad ng maayos papalapit sa kanya.
"Ahhm wag kana munang umiinom masa-" humarap sya sakin.
"Why do you care?at sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?" Natameme ako.Napaigtad ako ng hawakan ng mahigpit ang braso ko.
"J-jasper"
"Sa susunod wag mo kong pagsasabihan ng mga dapat kong gawin,hindi ko kailangan ang payo mo at lalong lalo na ang concern mo!" Napahawak ako sa braso ko na namumula ng bitiwan nya.
"Pa-pasensya na" napapikit ako ng pabalibag nyang sinara ang pinto.Agad kong pinahid ang luha ko.Nagtanong pa kase ako yan tuloy.Pero sana wag na syang uminom nag aalala na ako sa kalusugan nya inaraw araw nya na ang pag iinom.
__
"Bettina yoohoo!"
Rinig Kong may tumatawag sa labas ng bahay sumilip ako sa bintana natanaw ko si Sharmaine na nakatayo sa gilid ng gate.Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng bahay nakangiting pinagbuksan ko sya ng gate.
"Sharmaine buti napadaan ka?" Di sya sumagot nawala ang ngiti ko ng mapatingin sya sa braso ko.Humawak ako sa braso nya para igiya sya sa loob ng bahay.
"Damihan mo ang kwento ha?"
Napayuko nalang ako alam kong gusto nyang malaman kung bakit may pasa na naman ako."Pumasok ka na muna mamaya pa naman ang dating ni Jasper" Naglakad kami papasok ng bahay.
"Upo ka" imbes na umupo tumingin sya sakin tingin na punong puno ng tanong.Bigla nya akong niyakap.
"Bat kailangan mong magtiis sa kanya?" Hindi ako makasagot.Ganyan palagi ang tanong nya sa tuwing pupuntahan ako.
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin"Alam mo naman ang dahilan diba?Kung bakit nandito ako"
"Oo pero Bettina sobra na yang ginagawa nya sayo! Ang tagal na panahon na yun ehh hindi mo kasalanan ang lahat! Tell me sinasaktan kaba nya?"
Umiwas ako ng tingin.Kilala ko si sharmaine galit na sya at kapag nagsinungaling ako lalo lang syang magagalit.
"Di naman nya sinasadya tsaka-"
"Gash Bettina wag mo na nga syang ipagtanggol,sinadya nya ang lahat ng yan!"
Hinawakan nya ang kamay ko."Walang may kasalanan sa nangyare aksidente ang lahat "
Tuluyan ng nalaglag ang luha ko.Lahat ng nakapaligid sa akin yan ang sinasabe pero kahit anong pangungumbinsi nila hindi ko magawang hindi maguilty lalo na pag pinaparamdam sakin ni jasper ang lahat.Pinamumukha nya sakin ang lahat ng sakit na dinanas nya."Kasalanan ko yun kung hindi ako naging pabaya hindi yun mangyayare" Niyakap nya ako ng mahigpit.Pinunasan ko ang luha ngumiti ako sa kanya ng pilit nakatitig lang sya sakin.
"Ganito nalang palagi ang eksena natin,maiba naman tayo kamusta si tatang?"
"Hanggang ngayon ba may pake kapa sa taong yun?" Hindi na ako nagulat sa sagot nya.Kilala nya ako at alam nya lahat ng storya ng buhay ko.
"Tatay ko sya"
"Yeah Tatay tatayan"mataray nitong sagot napabung hininga ako hindi ko sya masisisi kung galit sya sa tatay ko.
"Kamusta na sya?naiinom ba nya ang gamot nya?" Tumingin sa akin.
"Bakit ang bait mo sa mga taong walang pake sayo?"
"Mahal ko kase sila"
"Yan dahil sa pagmamahal na yan kaya ka nila sinasaktan"
Hindi ako sumagot.Mali ba ako?Mali bang mahalin ang mga taong malapit sakin kahit wala silang pake sakin?Kahit pigilan ko ang sarili ko wala akong magagawa bahagi sila ng buhay ko hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi sila mahali,tila naawa sya sakin kaya nagsalita na sya.
"Ang sabe ni Nick pahirapan daw ang pag inom ng tatay mo ng gamot"
"Ganun ba"
"Tigas ng ulo ehh,oh sya dina ako magtatagal" sabay kaming tumayo at nagtungo sa labas ng bahay
"Mag iingat ka,salamat sa pag bisita"
"Ikaw ang mag iingat kung pwede lang labanan mo din sya" niyakap ko sya bago umalis. Kailangan ko ba talaga syang labanan? Baka kapag ginawa ko yun mas lalo lang akong masasaktan at baka hindi lang pasa ang abutin ko sa kamay ni jasper.hayst.
__
Balibag ng pinto ang pumukaw sakin agad akong bumangon sa sofa,diko namalayang nakatulog na pala ako.Nakita ko si jasper na pasuray suray ang lakad mukhang lasing na naman sya,lumapit ako sa kanya.
"Jasper"
"Dont touch me!"iwinakli nya ang kamay ko.
"Pero baka masubsub ka" hinawakan ko ang braso nya.
"I said dont touch me!" Sigaw nya nanlaki ang mata ko ng sakalin nya ako,kita sa mga mata nya ang sobrang galit.
"Ja-jas-" tinulak nya ako,napaupo ako sa sahig.
"Mahirap bang intindihin yun!?kaya napapahamak ang ibang tao dahil sa kabobohan at katangahan mo!" Padabog syang umakyat ng hagdan. Hinawakan ko ang leeg ng maramdaman ang kirot, tama ito napapahamak ang ibang tao dahil sakin hinding hindi na yun mababago sakin.Hinayaan kong malaglag ang luha ko.
Bobo at Tanga ako.Masakit pero totoo,kung hindi dahil sa katangahan ko hindi sana ganito ang mangyayare sa buhay ko pero huli na ang lahat magsisi man ako o sisihin ko man ang sarili ko hindi na maibabalik ang nakaraan nakapagdulot na ako ng sakit sa ibang tao at ang sakit na yun ang patuloy na nagpaparusa sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
RandomKahit gaano kalupit ang tadhana pag minahal mo ang isang tao patuloy mo paring mamahalin. ©️ 2016