Napaupo ako sa lakas ng suntok ni carlo, kararatinf ko lang at andito sya kasama si sharmaine.
"Gago ka ah! " sigaw ni Bryan susugudin sana nya ng pigilan ko.
"Wag Bryan" tumayo ako at pinahid ang dugo sa labi ko.
"Gusto kong makita si bettina " tinulak nya ako.
"Gago! Ang kapal ng mukha mo para sabihin tan! Matapos ng ginawa mo sa kanya! " kita ang matindi nyang galit sakin.
"Carlo" tawag ni sharmaine, napatingin sya sakin .
" ang kapal ng mukha mo para magpakita dito! " sigaw nya, sinugod nya ako at pinaghahampas diko sya pinigilan.
"Walanghiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit sya nagka ganoun! Kasalanan mo to! "
"Hoy babae! Wag mo ngang saktan kaibigan namin! " pinigilan sya ni Rico.
"Sino kaba! Wag ka ngang makialam dito!"
"Please sharmaine, alam Kong kasalanan ko ang lahat pero please gusto ko syang makita" pagmamakaawa ko.
"Para ano pa ha!!! Para saktan sya ulit!? Ganun ba talaga kalake ang Kasalanan nya at nagawa mo yun! " umiyak na sya.
"I'm sorry"
"Wala ng magagawa Yang sorry mo! " saka sila tumalikod hinabol ko sila.
"Please sharmaine parang awa mo na gusto ko syang makita" tinabig nya ang kamay ko.
"Wala kanang karapatan na makita sya, dahil simula nong umalis sya sa poder mo wala kana rin sa buhay nya" masakit ang sinabe nya pero dapat lang yun sakin. Hindi ko na sila pinigilan nang tuluyan na silang umalis, naiinis ako sa sarili ko at sising sisi.
"Aarrrgghh! " sinuntok ko ang pader hindi ko ininda ang sakit dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko.
"Anong ginagawa nya dito? " mahinahon pero may kalakip na galit na tanong ni carlo. Nakita ko na sya! Parang dinakma ang puso ko sa kalagayan at itsura nya ang payat at namumutla sya, napatingin ako sa ako sa kamay ni carlo na hawak ang kamay ni bettina na kasalukuyang natutulog.
"Andito sya para makita si bettina "si sharmaine na kasama kong pumasok ilang araw akong nagmakaawa sa kanya makita lang si bettina, kahit labag sa kalioban ko ang kondisyon nya pumayag nalang ako makita ko lang sya.
"Labas muna tayo Carlo iwan muna natin sila"
"Pero-"
"Please" tiningnan nya muna ako bago lumabas.
Lumapit ako Kay bettina pinagmasdan ko sya.
"Pakalat kalat sya sa kalsada ng makita sya ni tita " kwento ni sharmaine kanina habang papunta kami dito. Ano ba tong nagawa ko sa kanya? Hinaplos ko ang buhok nya, sobrang nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya pero huli na ang lahat.
"I'm sorry bettina sorry sa lahat ng kalupitan na nagawa ko" sa pangalawang pagkakataon mula ng mawala si lhara ngayon lang ulit ako umiyak.
"Sorry "napansin Kong gumalaw ang daliri nya.
"Bettina! " nagmulat sya ng mata.
"Bettina are you OK? " walang sagot tulala lang sya, pinunasan ko ang luha ko inalalayan ko syang makaupo tulala paren ilang saglit ngumiti sya.
"Alam Kong magkakasama din tayo hehe" sambit nya saka hinawakan ang tyan nya nagtaka ako hindi nagtagal umiyak na sya.
"Bakit mo ko iniwan? " iyak sya ng iyak.
"Bettina" sambit ko ,hindi pwede baka nagkakamali lang ako.
"Iniwan nya ako! " sigaw nya nataranta ako ng magwala sya at sigaw ng sigaw niyakap ko sya.
"Aaahhh bitiwan mo ko kailangan ko sya! " kinalmot nya ako hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
"Calm down bettina andito ako" pero hindi parin sya tumigil.
"Bitiwan mo ko!!!" Sigaw nya. Biglang pumasok sina sharmaine.
"Anong nangyayare???my God!!! Carlo tumawag ka ng doktor! " pati sya nataranta narin niyakap ko paren sya kahit gusto nyang kumawala. Dumating ang doktor nya nakayakap ako sa kanya nang may iturok sa braso nya, unti unti syang nawalan ng lakas.
"Ayoko hindi sya dapat mawala" hanggang sa napapikit na sya.
"Ano hong sakit nya? "Tanong ko ng makatulog na si bettina hindi ko inalis ang tingin sa kanya.
"Na over fatigue ho sya"
"Pero bakit ganun sya kanina? "
"Hindi ho yun sakit Mr. Delos Santos I think nagkaganoun sya dahil sa stress at mga nangyare sa kanya " napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig nyong sabihin? " napatingin ako Kay sharmaine na umiiyak na.
"Gumagawa sya ng sarili nyang mundo, sa mundong walang mananakit sa kanya sa mundong sya lang ang may alam"
" bawiin mo Yang sinabe mo hindi yan totoo! " kwenelyuhan ko ang doktor.
"Jasper! " pinigilan ako ni carlo at nilayo.
"Please gawin nyo ang lahat gamutin nyo sya! "
"I'm sorry Mr. Delos Santos pero tanging sarili nya lang ang makakatulong sa kanya" hindi ako nakasagot.
Thanks sa mga nagbabasa :)
BINABASA MO ANG
Stay With Me
RandomKahit gaano kalupit ang tadhana pag minahal mo ang isang tao patuloy mo paring mamahalin. ©️ 2016