chapter 32

13.2K 324 36
                                        

"Hey!" Napaigtad ako ng may humawak sa balikat ko.

"Sorry kung nagulat kita" si Kenneth.

"Bat andito ka lang halika don tayo, tyak na matutuwa sya! " Hinawakan nya ang kamay ko, napatingin samin ang ibang bisita napayuko nalang ako.

"Dito kana muna ilang minuto nalang magsisimula na" agad syang umalis. Hindi ko magawang gumalaw ayoko! gusto ko ng umalis pero parang nakapako ang paa ko.

"Hi bettina! " napalingon ako si Bryan.

"Can we dance? " napatingin ako sa mukha nya nilahad nya ang palad nya, nilibot ko ang tingin halos lahat sila nakatingin sakin anong meron? Nahagip ko ng tingin ang asawa nya tumango lang sya bilang pag sang ayon. Tumingin ulit ako sa kanya tinanggap ko ang kamay nya, pumunta kami sa gitna hinawakan nya ang bewang ko humawak naman ako sa balikat nya.

"Wag kang matakot " tumango lang ako, ano bang nangyayare ? Napansin ko na sumasayaw na din ang iba.

"Ako naman" sulpot ng gwapong lalaki sa gilid namin ngumiti si Bryan bago humiwalay sakin.

"Rico nga pala, ang ganda mo nga " ngumiti lang ako sumunod naman ang isang gwapong lalake si Kenneth.

"Hoy kenneth wag mong daldalin ha? " sabi nong rico habang kasayaw ko na si Kenneth.

"Yes bro! " tumingin sya sakin.

"This is it bettina " hindi ako sumagot kumunot ang noo ko hindi ko sila maintindihan.

"May happy ending kana" bulong nya sa tenga ko.

"May I dance her? " sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Oo naman prinsesa mo to ehh" bumitaw si Kenneth, nakatitig lang ako sa kanya lumapit sya pinatong nya ang kamay ko sa balikat nya yumakap naman sya sa bewang ko.

"I'm sorry bettina" tuluyan ng nalaglag ang luha ko, humigpit ang pagkakayakap nya sa bewang ko napasandig ako dibdib nya.

"Madami na akong kasalanan sayo mula sa simula, kahit nasasaktan kana nanatili ka parin sa tabe ko"patuloy lang sa pag agos ang luha ko wala akonh masabe. Kumalas sya sa pagkakayakap hinawakan nya ang mukha ko at pinahid ang luha ko.

"Look at me sorry sa panahong nasasaktan kita mas doble sakin ang sakit dahil nagagawa ko yun sayo" hinagkan nya ang noo ko.lumuhod sya sa harap ko at may kinuha sa bulsa nya isang maliit na kahon kulay pula.

"Jasper" tumingala sya sakin.

"Gusto kong bumawi sayo, gusto kong sumaya ka, at lalong gusto kong na maranasan mo ang pagmamahal ko I LOVE YOU BETTINA CRUZ i want you to stay and never go away, will you marry me? "

Binuksan nya ang box isang diamond ring. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, totoo ba ang lahat ng ito? O isang panaginip lang? Pero hindi totoo ang lahat, nakaharap ang isang JASPER DELOS SANTOS ang bukod tanging lalaking minahal ko.

"Yes I will marry you! And I will stay with you! " lumapad ang ngiti nya agad nyang sinout ang singsing, tumayo sya at niyakap ako ng boung higpit. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid kumalas sya nagkatitigan kami.

" I love you bettina"

"I love you too Jasper" hinalikan nya ako sa labi agad akong nagresponse, wala na kaming pakialam kung marami man ang nanonoud samin, sabay kaming natawa ng tumigil kami sa halikang yun.

"Teka pano nga pa-"

"Si janeth? Andito din sya akala mo no? " tumango ako hinalikan nya ulit ako.

"She's my cousin sya ang tumulong sakin para sa sorpresa nato sayo"

"Ta-talaga? "

"Yes"

"Nilalanggam na kayo! " sabay kaming napalingon Kay Kenneth tumawa lang kami saka nagpatuloy sa pag sayaw, ito na nangyare na ang isa sa mga pinapangarap ko na akala ko hindi na mangyayare.

Umiyak at nasaktan man ako hindi parin ako tumigil na mahalin sya TRUE LOVE yan ang naramdaman ko sa kanya. Kahit anong mangyare sya lang ang mamahalin ko, napangiti ako ito na ata ang sinasabe ni kenneth na happy ending ko.

END.




thanks sa mga nagbabasa saka sa mga bumuto kitakits ulit sa next story ko. Hope na magustuhan nyo. :)

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon