chapter 7

7.9K 218 1
                                    


Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Jasper,nakadapa na sya sa  kama at walang pang itaas na damit mukhang pagod na pagod ito at nakatulog na. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto nya. Hininaan ko ang aircon bago lumapit sa kanya.

Tinitigan ko ang maamo nyang mukha saka napangiti. Mahal na mahal ko ang lalaking ito at kahit na anong gawing pasakit nya hindi ko magawang magalit at iwan sya.
Ewan ko ba siguro ako na ang pinaka tangang tao sa mundo mahal na mahal ko ang lalaking hindi ako mahal,bigla parang may kumirot sa puso ko sa isiping yun hindi ko magawang hindi malungkot. Hindi nya ako magawang mahalin dahil sa ginawa ko noun sa kanya. Pinigilan ko ang umiyak at pilit na ngumiti ok lang na wag nya na akong mahalin basta makasama ko lang sya.
Kinumutan ko ang katawan nya.

"Hindi ako aalis sa tabi mo Jasper" pilit ang ngiti na nakatayo ako sa gilid ng kama nya saka umalis.




__
"Hi!"

"Ay palaka!" Sigaw ko ng may biglang lumitaw na tao sa harap ko.

"Mukha na ba akong palaka?" Nakangusong tanong ni Carlo.

"Ehh kaw kase ehh bigla kana lang sumusulpot" natawa ito.

"Sorry kung nagulat kita kanina kapa kase dyan parang ang lalim ng iniisip mo"

"Ganun ba pasensya na"

"Ako dapat ang humingi ng pasensya, teka pwede ka ba bukas?"

"Ha? Bakit?"

"Labas tayo dont worry libre ko!" Napilitan akong ngumiti.

"Ahh ehh hindi ako sigurado baka hindi ako payagan" kumunot ang noo nito.

"Hindi kaba pinapayagan ng kuya mo?"

"Hindi ko yun kuya amo ko" napakamot ito sa ulo.

"Pasensya na kala ko kuya mo ehh na mahigpit" sabay tawa nito,natawa nalang din ako sa sinabe nya.

"Kailan nalang ang day off mo? Sa day off mo nalang"

"Hindi ako sigurado Carlo kung makakapag day off ako,pero kung papayagan ako sasabihin ko naman sayo"


"Sige dadaan nalang ulit ako dito,sige alis na muna ako baka magalit na amo" kinawayan ko sya bago umalis. Inalisan ko ng tuyong dahon ang halamang nasa harap ko.

Papagayan kaya ako ni Jasper? Na si Carlo lang ang kasama? Baka hindi o siguro,ewan susubukan kong magpaalam sa kanya kung hindi sya papayag wala akong magagawa. Mabait naman si Carlo wala namang masama kung sasama ako sa kanya.




__
Uminom ako ng tubig,kinalma ko ang sarili ko kahit na magpapaalam lang ako sa kanya hindi ko maiwasang kabahan. Magana syang kumakain mukhang gutom gutom ito.Nilunok ko ang sariling laway bago nagsalita.


"Ahmm Jasper" tawag ko,nagpatuloy lang ito sa pagkain para tuloy ayoko ng ituloy ang sasabihin ko pero hindi wala namang mawawala kung susubukan ko.

"Gusto ko sanang magpaalam sayo" hindi sya tumingin nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Nag aaya kase si Carlo na-"

"No" putol nito sa sasabihin ko.

"Hindi-"

"I said No." Masama ang tingin nya sakin,nilapag nito ang hawak na kutsara at tinidor.

"Dont you dare na sumama ka sa lalaking yun, dito ka lang sa bahay na ito at magtrabaho ka!" Napalunok ako sinundan ko nalang sya ng tingin habang papalayo.

Sabe na nga ba hindi ko na sana tinuloy nagalit pa tuloy.


Patakbo akong nagtungo sa sala binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang magandang mukha ng babae habang nakangiti.

"Hi andyan ba si Jasper?"

"Opo" ngumiti ako sa kanya.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa nahiya naman ako simpleng short at t shirt lang ang sout ko samantalang sya nakasout na magandang bestida at ang taas pa ng takong ng sout nitong mamahaling sandal.

Sino kaya ang babaeng ito. Hindi naman ito yung kasama ni Jasper. Bago na naman kaya nya to?

"Don't worry dear gaganda ka din katulad ko Hahaha kering Keri kita!"
Napakunot ang noo ko, abot hanggang tenga ang ngiti nito hindi ko naman alam ang sinasabe nya.

"Mhicka!" Sabay kaming napalingon kay Jasper na pababa ng hagdan,lumapit sya sa tinawag nyang Mhicka tumabi naman ako sa gilid hinalikan nya sa pisngi ang babae.



"Your here!"


"Malamang excited akong akong makita ang baba-"

"Shut up" putol ni Jasper.

"OK fine "

Pasimple akong umalis at pumunta sa kusina sino kaya yun? Bago na naman ba nya? Sa isiping yun diko maiwasan ang masaktan sa nakalipas kase na araw iba na ang pakikitungo ni Jasper sakin wala na ang galit lagi sa mata nya pag nakikita ako,malumanay na rin syang magsalita.

"Hay naku! Wag kanang magdrama dyan sissy let's go" nagulat ako sa pagsulpot nong Mhicka sa tabi ko hinila pa nito ang kamay ko.


"Teka lang san mo ko dadalhin?" Takang tanong ko.

"Sa kwarto" wala itong pakialam kahit nasa di kalayuan lang si Jasper hila hila pa nito ang kamay ko.

"Pe-pero"

"Go bettina sumunod kana lang sa kanya " utos ng binata di na  ako umangal pa pumasok kami sa guest room.

"Upo kalang dyan at siguradong ikaw ang magiging pinakamagandang babae mamayang gabi " nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Bakit ano bang meron?" Tanong ko habang busy sa paglabas ng mga pampaganda sa bag nito.

"Hindi ba sinabe sayo ni Jasper?" Umiling ako,wala naman yun sinasabe sakin.

"Ganun ba yaan mo na yun" nagtungo sya sa harap ko,hinawakan nya ang baba saka pinatingala.

"Ang ganda ng pilik mata mo teh!" Ngumiti lang ako sa kanya, ilang sandali pa may inilagay na sya sa mukha ko.

"Kamusta kana man dito?"

"Ok naman ako"

"Dumadalaw ba dito si Tita Jackie?" Tukoy nito sa nanay ni Jasper.

"Hindi ehh" sagot ko mula ng kunin ako ni Jasper sa poder ni itay isang beses ko palang nakita si maam Jackie hindi pa nga maganda ang pagkikita naming iyon.

"Sya nga pala baka hindi mo pa ako kilala Im Mhicka pinsan ko si Jasper" ngumiti sya sakin. Pinsan pala sya akala ko kung sino na naman.

"Bettina"

"I know you girl" sinara nya ang foundation saka tinitigan ang mukha ko.

"Kilala mo ako?"

"Yes,teka lipstick nalang ang kulang" kinuha nya ang isang kahon na puno ng ibat ibang lipstick. Napansin ko na hawig nya si Jasper kapag naka side view parehong matangos ang ilong at pareho sila ng mata.

"Baka matunaw ako ahh" iniwas ko ang tingin.

"Pasensya na"

"Hawig ko talaga ang kumag na yun napagkakamalan nga kaming magkapatid ehh" kinuha nya ang isang lipstick.

"Ito tingnan lang natin kung hindi nganga ang kumag na yun psg nakita ka" ngumiti lang ako saka nya ipinahid ang lipstick sa labi ko.

Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon