Hindi ko na kaya ang sakit na ng nararamdaman ko pagdating ng bahay bumaba sya agad at pumasok nagmadali naman akong bumaba para mahabol sya
"Jasper sandali!" Tawag ko pero tuloy tuloy Lang sya tumakbo ako hinawakan ko ang kamay nya nang maabutan ko sya humarang ako SA daan nya
"Ano bang problema mo bat sinuntok mo si Bryan wala naman syang kasalanan!" Tumalim ang tingin nya sakin
"Pinagtatanggol mo ba sya! Shit bettina tumalikod Lang ako saglit lumandi kana! At don pa SA kaibigan ko!!!"
Napanting ang tenga ko SA sinabe nya nasampal ko sya patuloy SA pag agos ang luha ko"Hindi ako nanlandi Jasper!"
"Wag mo Kong gaguhin bettina! At Ano yung nakita ko ha!?magkayakap kayo!" Sigaw nya
"Bat ayaw mo maniwala wala?"
"Bakit? Dahil isa kang sinungaling!"
Saka sya umalis naiwan akong nakatayo at nanghihina ang sakit sobrang sakit ng mga sinabe nya ganun pala ang tingin nya sakin napaupo ako SA sahig at umiyak ng umiyak tanging ito nalang ang nagagawa ko para mabawasan ang sakit ang umiyak.Pagkagising ko magang maga ang Mata ko kakaiyak kagabe naghahanda ako ng almusal ng maramdaman kong nasusuka ako nagtungo ako SA lababo parang babaliktad ang sikmura ko Hindi ko gusto ang amoy ng bawang ngayon Parang amoy patay na ewan sumuka ako ng sumuka halos gusto Kong isuka ang lahat ng nakain ko pinunasan ko ang labi ko,nang medyo OK na ako tinapon ko ang bawang nagluto nalang ako ng iba..
Inayos ko ang mesa tapos na akong magluto baba naman siguro yun Saka ayoko muna syang makita..nagsuklay muna ako bago lumabas ng bahay kailangan ko ng mag grocery paubos na kase ang stock SA ref nasa gate na ako ng makaramdaman ulit ako ng hilo tumigil ako pinakiramdaman ko ang sarili ko nang medyo OK na naglakad na ulit ako Hindi pa ako nakakalayo ng bumigay ang tuhod ko kasabay ng pandidilim ng paningin ko.
Pagmulat Ko nag aalalang mukha ni Carlo ang nabungaran ko
"Mabuti at gising kana" nilibot ko ang paningin
"Asan ako?" Tanong ko
"Nasa hospital ka nakita kita kanina SA gilid ng daan ng walang Malay Ano bang nangyare sayo?"
Naalala ko na hilong hilo ako kanina bago ko pa sya masagot pumasok na ang doktor lumapit sya sakin nakangiti..
"May sakit ho ba ako?"
"Wala kang sakit misis but your 3 weeks pregnant" nanlakinang mata ko SA sinabe nya
"Ho? Pregnant? " ulit ko
"Yes wag kang masyadong magpagod nakakasama yun SA baby and then Ito Yung resetang mga vitamins na kailangan mong inumin " inabot nya sakin ang kapirasong papel
"Excuse me"
Umalis na ang doktor hindi parin ako makapaniwala buntis ako! Diko Alam Kung anong mararamdaman ko naghahalo masaya dahil may baby na ako at takot SA magiging reaksyon ni Jasper napahawak ako SA tyan ko"Bettina"
"Carlo anong gagawin ko?"
Niyakap nya ako"Sabihin mo SA kanya Alam kong matatanggap nya yan " pinaharap nya ako Alam na din nya Kung anong Klaseng buhay merun ako kay Jasper pinunasan nya ang luha ko gamit ang kamay nya diko namalayan na naiyak na ako kita SA mata nya ang lungkot..
"Dapat maging masaya ka dahil magiging mommy kana"
"Pano Kung..Kung -"
"Kung Di nya matanggap? Believe me matatanggap nya yan at kung sakaling hindi andito naman ako" natigilan ako SA sinabe nya ngumiti sya ng pilit
"I like you Bettina mula ng makita kita SA labas non di kana nawala SA isip ko"
Nakatingin Lang ako as kanya Wala akong masabe hindi ko Alam na gusto nya ako mabait sya at maalalahanin pero Wala akong maramdaman na kakaiba SA kanya
"Sorry Carlo" yumuko ako
"Ssshh Wala kang kasalanan saka OK Lang yun...pahinga kana Muna lalabas kana mamaya " humiga ako nagpapasalamat at may isang Carlo SA tabi ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/70223785-288-k547239.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay With Me
RandomKahit gaano kalupit ang tadhana pag minahal mo ang isang tao patuloy mo paring mamahalin. ©️ 2016