"Uminom na ho kayo itang" inabot ko ang gamot nya, umuwi ako sa bahay ni itang pagkatapos ng nangyare sa rest house ni Rico.
"Salamat" ngumiti ako ng pilit pinunasan ko ang likod nya.
"Wag ho kayong magbabasa ng likod mo itang " pagkatapos nyang uminom tumingin sya sakin.
"Patawad anak sa ginawa ko" Napatigil ako sa pagpupunas sa kanya. Alam kong hindi nya ako tunay na anak kaya nagawa nya yun, pero nagpapasalamat paren ako dahil kinupkup nila ako ni inang.
"Matagal na yun tang marami na pong nagbago at nangyare" hinawakan nya ang kamay ko.
"Patawad talaga kung hindi dahil sakin hindi ka masasaktan ng ganito" niyakap ko sya alam nya kase ang tungkol samin ni Jasper.
"Wala ho kayong kasalanan itang, saka nangyare na at ginusto ko ito. Tahan na po baka mapano pa kayo"
"Pasensya na" bumitaw sya sa pagkakayakap, hinatid ko sya sa kwarto nya para makapagpahinga. Pagkatapos ay pumasok na din ako sa kwarto ko tumunog ang cellphone ko si sharmaine tumatawag.
"Hello? "
"Asan kabang babae ka? Nag aalala na kami sayo"
"Pasensya na"
"Asan ka? " nakuha ng isang kwadrado ang atensyon ko nababalutan ito ng dyaryo.
"Hello bettina! "
" ha? Sorry, andito kay itang"
"Hay salamat sige mag iingat ka" diko na sya sinagot nilapag ko ang cellphone at lumapit ako sa kwadrado na nakasandig sa pader, kinuha ko ito at bumalik sa papag tinanggal ko ang dyaryo na nakabalot. Isang painting! Hinding hindi ko ito makakalimutan, binasa ko ang nakaukit sa likod.
Jasper + bettina= forever
Napangiti ako sana magkatotoo ang nakaukit sa painting na ito na sya mismo ang gumawa pero mukhang malabo.
"Pinapatawag ka ni mam! " bungad sakin ni Kendra.
"Sige" nag ayos muna ako bago pumunta sa office. Pagdating agad akong kumatok
"Pasok! " pinihit ko ang doorknob.
"Halika na maupo kana bettina" napalingon sakin ang dalawang kausap ni mam, bigla kinabahan ako umiwas ako ng tingin, ayoko na syang tingnan lalo lang akong masasaktan lalo na't kasama nya ang babae, umupo ako sa kabila katapat nila.
"Pinag uusapan namin ang tungkol sa restaurant gusto kasing rentahan ni Mr. Delos Santos para sa engagement party nya" parang tinarakan ang puso ko ng patalim, engagement party? Ibig sabihin magpopropose na sya sa katabi nyang babae? Dobleng sakit ang naramdaman ko.
"Wag kanang pumasok sa araw na yun magdadagdag nalang ako ng tao" hindi ko na naintindihan kung ano pa ang sinasabe ni mam, ang tumatak lang sa isip ko ay maeengage na sya. Agad kong pinahid ang luha ko na pumatak.
"Bettina! "Napaangat ako ng tingin.
"May problema ba? " umiling ako.
"Wala ho" may inabot sakin ang babae na kasama ni jasper.
"Here invited ka" napatingin ako sa nakangiti nyang mukha sunod Kay jasper na umiwas ng tingin.
"Salamat nalang hi-"
"No kunin mo na ito! " para ano pa? Para masaktan na naman ako pag nagpunta ako?
"Oh ayan! " nilagay nya sa kamay ko sa ngumiti.
"Upo kana muna, namamaga na yang mata mo kakaiyak" pagkatapos naming mag usap sa office ay umalis ako agad, hindi ko sila kayang tingnan. Niyakap ko si sharmaine at umiyak ng umiyak.
"Bakit ganun sya shar? Mahal na mahal ko sya ehh! " daing ko niyakap nya rin ako.
"Sshhh tahan na OK? "
"Engagement party na nila bukas parang hindi ko kaya! " basang basa na ng luha ang mukha ko, hinayaan nya lang ako.
"Mahal na mahal ko sya at kahit kailan hindi ko sya magawang kalimutan " lahat Nilabas ko hindi ko kayang kimkimin.
Sinuklay ko ang mahaba kong buhok, napatingin ako sa orasan alas syete na isang oras nalang magsisimula na ang engagement party nila pinigilan ko ang umiyak.
"Tama na bettina! Tanggapin mo nalang na hindi kayo pwede sa
isa't isa! " kastigo ko sa sarili ko, kahit masakit kailangan kong tanggapin.Thanks sa mga nagbabasa :)
BINABASA MO ANG
Stay With Me
RandomKahit gaano kalupit ang tadhana pag minahal mo ang isang tao patuloy mo paring mamahalin. ©️ 2016