chapter 17

7.3K 225 8
                                    

Nadatnan ko si bettina na mahimbing na natutulog sa sofa, hinubad ko ang jacket at umupo sa sahig katapat ng mukha nya. Nalilito ako sa nararamdaman ko sayo, gusto kong magalit sayo dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala si lhara. Naalimpungatan sya tumingin sya sakin, hindi ako kumilos tinitigan ko Lang sya, umupo sya kinusot ang matang namumungay.

"Dumating kana pala, gusto mong kumain? " umupo ako sa tabi nya

"Sige ipaghahanda kita" hinawakan ko ang kamay nya para pigilin sya.

"No stay here! " humarap ako sa kanya ,diko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko, kahit maputla sya Di parin maitago Ang ganda nya, napatingin ako sa lips nya nabuhay na naman ang pagnanasa ko sa kanya. Diko napigilan ang sarili ko hinalikan ko sya sa labi, matagal bago sya nagresponse niyakap ko sya habang naghahalikan kami, halos mapugto ang hininga namin sa halikang yun.

Kinarga ko sya ang gaan nya,pinaupo ko sya Sa lap ko hinwakan ng dalawa nyang kamay ang mukha ko

I love you Jasper " hinalikan ko sya ulit, habang naglalakbay na ang ko sa katawan nya. Tumayo ako at dinala sya sa kwarto inihiga ko sya sa kama, hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya nakita kong tumulo ang luha nya at ngumiti, pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya.

"I love you too"

Paggising ko Wala na si bettina sa tabi ko, bumangon ako at nagsout ng damit. Paglabas ko nakita ko si bettina na kausap si lyka nang bigla nyang itulak si lyka, dali dali akong lumapit sa kanila

"Bettina anong ginagawa mo? " napalingon sila sakin kita ko ang matinding galit sa mata nya lumapit sakin si lyka.

BETTINA

Lumapit sya Kay jasper at yumakap. Nasusuklam ako sa kanya ,sya ang dahilan kung bakit nawala ang baby ko.

"Honey tinulak nya ako nakita mo diba? "Sumbong ng bruha

"Bagay lang yan sayo! Kung tutuusin kulang pa yan sa ginawa mo sa akin! " sigaw ko sinugod ko sya sinambunutan at sinampal nanggigil ako sa galit sa kanya.

"Bettina! stop ano ba! "Nagpagitna si jasper, hinarangan sya.

"Hindi! Hayop ka ikaw ang dahilan kung bakit nawala sya sakin!!! " niyakap ako ni jasper para awatin at nilayo sa babaeng yun na kunware pang umiiyak, gusto kong kumawala pero mahigpit ang yakap nya.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa! "

"Bettina tumigil kana para kang bats! " binalingan nya ang bruha

"Lyka umalis ka muna" utos nya agad namang umalis ang bruha, binitiwan nya ako.

"Hindi sya pwedeng umalis! " hahabulin ko sana ng pigilan ako ni Jasper hawak ang braso ko.

"Para kang bata! Ano bang kasalanan nya at parang gusto mo syang patayin!? " galit na sigaw nya,tumulo na ang luha ko
bat ba nya pinagtatanggol ang babaeng yun?.

"Malaki jasper malaking malaki! "

"Pwede ba bettina! Ikaw tong agad nanulak wala namang ginawa sayo yung tao,Or else nagseselos ka! "

"Bat mo ba sya pinagtatanggol!? "

"Ha! at ano sa tingin mo??? Ikaw ang kakampihan ko?! Kitang kita ko kung pano mo sya itulak " lalo akong napaiyak galit na galit sya sa ginawa ko.Si lyka parin sya parin!

"Akala ko ba maayos na tayo at yung sinabe mo kagabi, h-hindi ba yun totoo??? "

"Wag kang umasang magkakaayos pa tayo at lalo wag kang umasang mamahalin kita!"

Ang sakit akala ko OK na ang lahat at mahal nya rin ako, pero Mali masyado pala akong umasa.

"Bakit? Ginawa ko naman ang lahat, mapatawad mo Lang ako hindi paba sapat yun? "

"Hindi! Dahil dimo Alam kung gaano kasakit mawalan ng kapatid! " lalo akong naiyak sumisikip na din ang dibdib ko.

"Oo Wala akong kapatid ,pero alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, alam ko" napaupo na ako sa sahig ang sakit sakit na.

"Wala kang alam bettina" kung alam mo lang jasper kung alam mo Lang. Pinahid ko ang luha ko saka tumayo hinarap ko sya.

"Ano pa ba ang pwede kong gawin, mapatawad mo lang ako"
Galit syang tumingin sakin.

"Gusto Kong mawala kana sa buhay ko" parang kinutsilyo ang puso ko sa sinabe nya. Wala nga talaga akong papel sa buhay nya.

"Mahal mo ba sya? " lalas loob Kong tanong, hindi sya sumagot silent means yes tumango tango ako.

"Sige" tumalikod unti unti naglakad palayo sa kanya. Pumasok sa kwarto ko pagkasara ng pinto napasandig ako, ang sakit sakit bat ganun? Gusto ko lang naman na mahalin din ako at sumaya pero bakit pinagkakait yun sakin? Ayaw NYA ba akong sumaya? lahat sila tinaboy ako ayaw nila sakin, pati baby ko nawala sakin. Iyak lang ako ng iyak, ayoko na siguro panahon rin para lumayo ako sa kanila at wag nang magpakita pa. Diko alam kung San ako pupunta ,pero isa lang ang gusto ko sa lugar na hindi mararamdaman ang sakit, sa lugar kung San dina ako iiyak, sa lugar na walang tataboy sakin, sa lugar na walang mang iiwan sakin, sa lugar na tanging ako lang ang nakakaalam.





Thanks sa mga nagbabasa.. :)












Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon