chapter:19

7.1K 188 0
                                    

JASPER

"May balita kana ba sa kanya? " napaangat ang ulo ko ng magsalita si Bryan. Sumandig ako sa silver chair ,hinilot ko ang sintido ko saka umiling.Tatlong linggo na tatlong linggo nang wala si bettina, halos mabaliw na ako sa kakahanap kung nasan sya. Parang may kumirot sa puso ko baka kung ano na ang nangyare sa kanya, ako ang dahilan kung bakit umalis sya.

"Pumunta ako kina sharmaine mukhang wala sya don" si Rico. Shit! Kasalanan ko talaga to parang sasabog ang ulo ko sa sakit.

Dilim ang sumalubong sakin pagdating ng bahay, umupo ako sa sofa namimiss ko na sya. Hindi ko na alam kung San sya hahanapin,totoo pala ang sinasabe nila saka mo lang makikita ang halaga ng tao pag wala na sya, nasabunot ko nalang ang buhok ko.





"Para kang sabog Jasper! tingnan mo yang itsura mo!" Si Kenneth tinapat nya ang salamin sa harap ko, sinamaan ko sya ng tingin inalis nama nya agad.

"Nangingitim na Yang mata mo tol halatang di kana natutulog " totoo yun di ako makatulog kakaisip Kay bettina, ito na ata ang karma ko sa lahat nang nagawa ko sa kanya.

"Bro tumutunog cellphone mo" tinapik pa ni ken ang balikat ko nakita kong umiilaw ang cellphone ko si Bryan tumatawag.

"Bakit? " bigla akong napatayo sa sinabe nya sa kabilang linya.

"Sang hospital? " tanong ko.

"Sige salamat" kinuha ko ang sushi ng kotse.

"Anong nangyare? "

"Nakita nya daw si bettina" hindi ko na hinintay ang sagot ni ken agad na akong lumabas ng opisina. Kaba at excitement ang nararamdaman ko sa wakas makikita ko na ulit sya. Halos paliparin ko ang kotse makarating lang sa sinabeng hospital.





Thanks sa mga nagbabasa. :)








Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon