chapter 29

6.7K 156 5
                                    


"Bettina paki assist nga yung bagong dating na costumer! "

"Sige po! " agad akong tumayo, kinuha ko ang menu lumapit ako sa bagong dating na pamilya agad kong inabot ang menu.

"Good mam, sir! " bati ko. Ngumiti ang babae lumingon naman sakin ang lalaki nanlaki ang Mata ko nang makilala sya agad nyang iniwas ang tingin.

"Jasper! " sigaw ng isip ko bigla akong nakaramdaman ng kahungkagan, gusto ko syang yakapin at kamustahin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Pa-pa! " sabay kaming napatingin sa bata, kinabahan ako bigla panong nangyare? Nanginig ang tuhod ko.

"Miss excuse me" napatingin ako sa babae pilit na ngumiti.

"Y-yes mam? " sinabe nya ang order nya.

"Sweetie anong sayo? " tanong nya kay jasper hindi ko sya tiningnan pinUkos ko ang tingin ko sa notebook na hawak ko .

"Kahit ano" malamig nyang sagot.

"Ok miss dalawang order nalang non"

"Ok po! " dali dali akong umalis.

"Kendra ito yung order ng table 26" binigay ko sa kanya ang notebook.

"Hey ok ka lang? "

"Oo kailangan ko lang pumunta sa restroom " pagkatapos at tumakbo ako papunta don. Pagkapasok ko agad dumaloy ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan, bakit ganun?

"Jasper! Jasper! "Iyak lang ako ng iyak sobrang namiss ko sya. Gulong gulo ang isip ko, sana hindi totoo ang nasaksihan ko sana, pero hindi ehh kahit sampalin ko pa ang sarili ko hindi na mababago na may pamilya na pala sya.









Kinuha ko ang bag ko sa sofa wala akong ganang pumasok ngayon pero kinakailangan. Pagbukas ko ng pinto bumungad ang isang kahon nagpalinga linga ako baka nagkamali lang ng paglagay, kinuha ko ang papel na nakaipit at binasa.

To bettina
Good morning!

Nagtaka ako para sakin? Binuksan ko ang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Cookies! " sino kaya ang pumasok ulit ako sa loob.




"Bettina! " tawag ni kendra napalingon ako.

"Yes? " may dala na naman syang bulaklak.

"Para sayo"

"Sakin? " tinuro ko pa ang sarili ko.

"Oo alangan naman sakin, ui bettina kulang nalang talaga magiging dilevery girl na akong ng bulaklak mo" natawa ako araw araw nalang kase may nagbibigay sakin ng bulaklak tinatanong ko sya kung kanino galing sinasagot nya kay L daw.






"Sharmaine kaninong rest house to? " tanong ko nilibot ko ang tingin nagtataka talaga ako bigla nalang nya akong niyayang magbakasyon, mabuti nalang agad akong pinayagan.

"Sa pinsan ko" tila hindi pa sya sigurado sa sagot nya.

"Ok "

"Tara hatid na natin to sa kwarto! " sabay naming binitbit ang mga bag naming pumasok kami sa kwarto.

"Ay! Wait lang may nakalimutan ako sa baba kunin ko lang"

"Sige" pagkaalis inayos ko na ang gamit namin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto diko na nilingon pa kung sino ang pumasok.

"Nakuha mo na ba yung nakalimutan mo? " di sya sumagot humarap ako, bigla ang pagbilis ng pagkabog ng dibdib ko, nakatitig sya sakin walanh expression ang mukha. Pinagmasdan ko sya ng mabuti para syang problemado ang laki na nang inihulog ng katawan nya pansin ko rin ang bigote na tumutubo sa baba nya.

"Jasper " nanatili lang syang nakatayo naiilang naman ako. Tatlong minuto na kaming ganun sya na nakatayo at ako na nakaupo walang salita ang namagitan. Pinagkiskis ko ang palad ko at dinampi sa pulso tumayo ako, tila parang gusto ko syang sugurin ng yakap pero hindi ko magawa.

"Sige labas na muna ako pahinga ka muna" lumapit ako sa pintuan pagkahawak ko ng doorknob diko mabuksan nakalock!. Tumingin ako sa kanya bigla nya akong niyakap ng mahigpit, nabigla ako sa ginawa nya.

"I miss you" sambit nya napapikit ako ito na yung hinihintay ko mayakap sya.

"Jas-"

"Ssshh"lalong humigpit ang yakap nya.

"I miss you and I'm so sorry sa lahat" napatigil sya unti unting lumuwag ang yakap nya.

"Sa huling pagkakataon gusto ko sanang maayos to " napalunok ako pinigilan ko ang umiyak ito na naman ang sakit at sa puntong ito tuluyan na syang magpapaalam, bumukas ang pinto bago pa tuluyang malaglag ang luha ko tumakbo nako palabas.

"Bettina! " hindi ko pinansin ang pagtawag ni sharmaine.Tumakbo ako ng tumakbo diko wala akong pakialam kung San man ako makarating ang alam ko gusto kong isigaw ang lahat ng sakit.








Thanks sa mga nagbabasa. :)



Stay With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon